Chapter 29

40 0 0
                                    

Magkahalong emosyon ang naramdaman ko matapos ang aminang nangyari sa pagitan namin ni Maan. Masaya kahit papaano dahil matapos ang mahabang panahon ay naamin ko na rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Naging maluwag ang loob ko. At kahit ang resulta ay hindi man naging kami sa huli, nangako ako na hindi magbabago ang tingin ko sa kanya bilang isang matalik na kaibigan. Poprotektahan ko pa rin sya. Sa kabilang banda ay nakakalungkot din dahil parang nasaktan ko ang loob nya. Hindi ko rin kasi akalain na magugustuhan nya rin ako after all this years. At dahil sa pagtanggi ko sa tunay nyang nararamdaman para sakin, pakiramdam ko ay nasaktan ko sya kaya parang nalulungkot din ako. Pero naging totoo lang ako sa sarili ko at mas nakakalungkot naman kung patuloy ko uling lolokohin ang sarili ko at tatalikuran ko ang totoo kong nararamdaman para kay Liza. Hindi naman ako tumatalikod sa mga pinangako ko kaya bilang isang kaibigan, patuloy ko pa ring poprotektahan si Maan para hindi nya maramdaman ng tuluyan ang lungkot. Alam ko na masaya rin sya para sakin at suportado nya ko. Bilang kaibigan, hangad nya rin ang ikasasaya ko. Pareho naming gagampanan ang tungkulin namin bilang magkaibigan at doon na lang sa paraan na iyon namin mamahalin ang isa't isa.

Masyado akong nadala sa mga nangyari at hindi ko na naalala ang oras pati ang mga nangyari bago pa man kami magkita ni Maan. Nung mapansin ko ang oras, bigla kong dinukot ang cellphone ko sa bulsa ko. Nagulat ako dahil 11 missed calls na ang natatanggap ko galing kay mr. Abalos at 100+ na messages galing sa mga kasamahan ko. Yari ako! Hinahanap na nila ako. Nag aalala na ata sila. Dahil din dun, bigla kong naalala ang mga pangyayari kanina. Naalala ko bigla ang matandang nakilala ko. Bigla kong naalala si Liza. Nagbalik na naman ang pag aalala ko sa kanya. Nagpasya akong bumalik sa Lugar na pinagpupwestuhan naming magkakaibigan. Nagpaalam na ko kay Maan pero sinabi nya na sasama raw sya sakin dahil na miss na rin daw nya ang mga kasamahan namin sa theater club. Umiral na naman ang pagkatanga ko. Syempre hindi ko naman sya pwedeng iwan mag isa dahil gabi na. Napakamot na lang ako ng ulo at ngumiti sa kanya sabay niyaya ko na sya na sumama na sa akin. Nagmadali kaming bumalik sa cottage na pinagpupwestuhan ng grupo. Medyo malayo layo rin pala ang napuntahan ko. Hindi ko rin kasi napansin ang nilakad ko kanina habang sinusundan ko ang matanda. Nung natanaw ko na ang cottage namin, napansin ko na parang wala si Liza doon pati si mr. Abalos. Sa di kalayuan, sinalubong na rin agad ako ng mga kasamahan ko.

"Huy Paulo! San ka ba nagpunta? Kanina ka pa namin hinahanap ah." Sabi ni Charles.

"Oo nga tol. Hindi mo ba narerecieve mga tawag namin sayo? Kanina pa kami tawag ng tawag at text ng text." Sabi ni Joseph.

"Ah eh..pasensya na kayo kung pinag alala ko kayo ah. Naka silent kasi ang cell ko. Pasensya na talaga."

"Eh bat ka nga ba natagalan?" Sabi ni Roxanne.

"Ahm..kasi nagkita kami ni Maan. Guys nakabalik na pala sya rito."

"Hi guys. Kumusta na kayo?" Sabi ni Maan.

"What? Kailan ka pa nakabalik Maan? So good to see you again." Sabi ni Carrie.

"Salamat Carrie. Ahm...hindi na importante kung kailan ako nakabalik. Na miss ko kayo ng sobra." Sabi ni Maan.

"Kami rin ate Maan. Na miss ka rin namin." Sabi ni Ginger.

"Ah teka nga pala, bakit parang sobra sobra naman ang pag aalala nyo sakin?"

"Boploks ka ba? Ang tagal mo kaya nawala. Medyo natanga din kami dahil sa sobrang saya. Muntik ka pa nga namin makalimutan. Hindi pa namin mapapansin na nawawala ka na kung hindi pa babanggitin ni Liezle ang pangalan mo." Sabi ni Joseph.

"Si Liezle...!? Oo nga pala..nasaan na si Liza? Ah este..Liezle? Bakit sya naman ang wala rito? At tsaka nasaan din si mr. Abalos?"

"Liezle?" Sabi ni Maan.

in Another LifetimeWhere stories live. Discover now