Chapter 21

35 1 0
                                    

Hindi ko na kayang magtimpi sa mga nangyayari sa paligid. Kung magpapatuloy pa ang pagkakamabutihan ni Lloyd at Liza, baka dumating pa sa punto na mangyari ang kinatatakutan ko. Hindi na rin imposible na makilala ni Lloyd ang totoong katauhan ni Liza. Dahil sa nangyaring pagkakatuklas ni mr. Abalos sa katauhan ni Liza, hindi na rin malabong mangyari yun kay Lloyd. Maraming pwedeng mangyari at pag hindi ako kumilos, baka posibleng mangyari ang iniisip ko. Maigi akong nagbantay sa dalawa. Naghahanap ako ng chempo para makagawa ng kailangan kong gawin. Nung napansin ko na nagpaalam si Liza para umalis saglit, sa tingin ko ay yun na ang pagkakataon. Lumapit ako kay Lloyd at sinimulan kong makipag usap sa kanya.

"Kumusta pre?"

"Oh? Bat bigla ka atang lumapit sakin? Magpapalibre ka?" Sabi ni Lloyd.

"Anung magpapalibre? Porket ba lumapit ako sayo eh magpapalibre na agad? Ganun ba tingin mo sakin?"

"Eh hindi naman. Eh nanibago lang kasi ako sayo eh. Ngayon mo na lang ako uli kinumusta. Madalas kasi eh palagi mo kaming iniistorbo ni Liezle eh." Sabi ni Lloyd.

"Hay naku. Pangit naman kung palagi kitang kukumustahin. Eh araw araw naman tayong nagkikita. Sige nga, eh kung kumustahin kita araw araw, di ka kaya mapeste?"

"Hahaha sabagay may point ka. Akala ko rin kasi kaya hindi mo na ko kinukumusta eh dahil sa nagseselos ka samin ni Liezle." Sabi ni Lloyd.

"Ako? Nagseselos? Eh mas gwapo pa ko sayo! Tampalin ko lalamunan mo eh. Hahaha joke lang."

"Abnormal!!! Hahaha pero seryoso tol. Sa tingin ko, parang gusto ko na sya." Sabi ni Lloyd.

"What do you mean "gusto"? Inlove ka na kay Liezle?"

"Oo bro. Sa tingin ko ganun na nga. Kahit sino naman eh talagang maiinlove sa kanya pag kinilala sya ng husto. Maganda, mabait, masipag, matalino, responsable. Lahat ng qualities ng babae na hinahanap ko eh parang nasa kanya na lahat. Naiinggit nga ako sayo kasi palagi mo syang kasama. Pero nung nalaman ko na wala ka namang interes sa kanya, eh kahit papaano eh nakampante ako. Pero nagtataka nga ako kung bakit hindi ka nagkakagusto sa kanya. Bading ka ba? Hahaha joke lang. Malabo yun. Eh yung english teacher mo nga pinatos mo eh. Pero seriously bro? Hindi ba pasado sayo si Liezle? May ayaw ka ba sa kanya? Alam ko mas kilala mo sya kasi palaging kayo ang magkasama eh." Sabi ni Lloyd.

Sinasabi ko na nga ba eh. Ito na ang simula. Tuluyan nang nahulog ang damdamin ni Lloyd kay Liza. Hindi ko na hahayaang dumating pa sa punto na pati si Liza ay magkagusto rin sa kanya. Oras na para gawin ang kinakailangan.

"Gusto mo ba talagang malaman kung bakit hindi ko sya magawang magustuhan?"

"Bakit may dahilan ba?" Sabi ni Lloyd.

"Alam mo tol, ayoko sanang sabihin to dahil tropa kita. Ayokong saktan ang kalooban mo pero dahil nga sa kaibigan kita, karapatan mo na malaman ang totoo. Kaya hindi ko magawang magustuhan si Liezle, eh dahil sa hindi maganda ang ugali nya. Sa totoo lang pre, plastic si Liezle. Pakitang tao lang lahat ng ginagawa nya rito pero pag nasa bahay na kami, dun lumalabas ang tunay na kulay nya. Maldita, pala asa, tsaka gusto nya palaging kagustuhan nya ang nasusunod. Isinali ko sya rito sa Theater club dahil sobrang desperado ang grupo ngayon. Nangangailangan kami ng isang magaling na performer kaya kahit hindi ko gusto ang personalidad ni Liezle, hindi naman maikaka ila na sobrang talentado sya kaya para sa kapakanan ng theater club, taos puso ko syang isinali rito. Natutuwa naman ako na kahit papaano ay pinaiiral nya ang pagka plastic nya sa maayos na paraan. Hindi nya pinapakita ang tunay nyang ugali rito sa grupo. Pero tol nung nalaman ko na nagkakagusto ka sa kanya, sa tingin ko na kailangan ko nang manghimasok sa personal na bagay. Hindi mo deserve ang mga ganitong klaseng babae pre. Masasaktan ka lang pag pinairal mo ang puso mo kesa sa utak. Maniwala ka sakin. Wag mong patulan si Liezle."

in Another LifetimeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz