Chapter 14

44 1 0
                                    

Tahimik akong tumungo sa aking eskwelahan. Habang naglalakad ako, tahimik akong nag iisip kung paano ko aayusin ang problema sa pagitan namin ni Maan. Nag iisip din ako kung papabor ba sakin ang panahon. Kung mapapatawad pa ba ko ng kaibigan ko.

Bago ako tumungo sa klase ko, sinubukan kong daanan ang mga lugar na madalas naming tambayan. Sa parke ng campus, sa rooftop ng school, sa canteen, at iba pa na posible naming puntahan. Nung hindi ko nagawang makita sya sa mga lugar na napuntahan ko, nagbaka sakali akong dumaan sa klase nya. Pasimple akong sumisilip sa klase nya. Para na nga akong tanga na pabalik balik sa harap ng classroom nya para lang makita sya. Nagulat na lang ako ng biglang lumabas ng classroom yung Professor nya. Tinanong nya ko kung bakit pabalik balik ako sa harap ng classroom nila. Nagpaliwanag ako. Sinabi ko na nagbabaka sakali ako kung pwede sanang makausap si Maan.

"Ah ganun ba iho. Pasensya ka na dahil absent ngayon si Ms. Flores. Pag nakita mo naman sya. Pakitanong naman sana kung bakit sya absent ngayong araw. Salamat iho." Sabi ng Professor ni Maan.

Bigla akong nalungkot. Hindi basta basta uma absent si Maan. Napakasipag mag aral nun at napakatalino. Parang once in a blue moon lang ata mag absent yun. At hindi a absent yun kung walang rason. Siguro dahil na depress sya sa mga nangyayari. Dahil siguro sa break up nila ng BF nya at pati na rin sa sama ng loob nya sakin. Tahimik akong tumungo sa klase ko. Parang hindi ko ma absorb ang mga lessons ko ngayong araw. Pagkatapos ng klase ko, papauwi na sana ako ng bigla kong nakita ang announcement sa bulletin board ng campus. May meeting ang mga member ng Theater group ng alas onse ng umaga ngayong araw. Sakto mag aalas onse na. Wala sana akong gana pumunta dun ngayon pero bigla kong naisip na baka sakaling pumunta dun si Maan. Naalala ko rin na hindi ko pala napuntahan ang Auditorium kanina. Isa rin pala yun sa mga paboritong lugar ni Maan sa Campus. Sabi rin kasi nya sakin, yun ang pinaka paborito nyang tambayan namin dahil bukod sa napaka ganda ng lugar, lugar din yun kung saan namin nagagawa ang hilig namin. Ang pagpe perform.

"Ito ang tinuturing kong Sanctuary sa Campus natin. Pag malungkot ako, pupunta lang ako rito tapos mapapawi na yun."

Naalala ko bigla ang mga katagang yon na sinabi sakin ni Maan. Baka kaya siguro hindi sya pumasok, ay dun sya nag stay para magpagaan ng kalooban. Sana lang tama ako sa kutob ko. Sana nga nandun sya. Nagmadali akong pumunta sa Auditorium para sa gaganaping meeting ng theater group. Pagpasok ko sa loob, sya agad ang hinanap ko. Marami nang tao sa loob. Halos kumpleto na ang miyembro ng Theater Group. Si Maan na lang ang hindi ko nakikita.

"Mr. Soliveres? Anung problema? Bat parang hinahabol ka ng mga sindikato? At tsaka sino hinahanap mo? Ay nako...sige wag ka na magpaliwanag. Nagmamadali tayo. Kailangan ko na i announce ang kailangan kong i announce dahil may klase pa ang mga ka members mo. Umupo ka na." Sabi ni mr. Abalos.

Hindi ko na nagawang matanong kung nasa auditorium na ba si Maan. Kahit nakaupo na ko, hindi ko pa rin magawang tumigil sa paglingon lingon sa paligid ko. Malabo na rin kasi ang mata ko. Siguro hindi ko lang sya masilayan sa loob dahil medyo madilim din. Kung wala man sya, siguro baka lumabas lang para mag CR o late pa. Talaga positibo ako mag isip na makikita ko ang presensya ni Maan dito. Hindi kasi maganda kung magiging negatibo pa ko. Wala ring saysay pag ganun. Habang di ako mapakali, nagsimula nang magsalita si mr. Abalos.

"Ehem ehem. Ahm Goodmorning sa inyong lahat mga students. Alam ko may klase pa ang iba sa inyo kaya hindi na ko magpapaligoy ligoy pa. Last Christmas, naging matagumpay ang performance natin sa Christmas party natin dito sa school. Salamat sa mga magagaling nating performer. Sa inyong lahat. Dahil sa inyo ay naging maganda ang feedback ng mga faculty at students sa Theater Group na to, although na yung iba sa inyo ay hindi performing arts ang kurso, talagang napakita nyo ang talento nyo sa pag arte. Maraming salamat sa pagpapaganda ng imahe ng Theater group na ito. Ngayong malapit nang dumating ang Finals nyo at alam din natin na matatapos na ang school year na ito. Ang iba sa inyo ay ga graduate na. Mababawasan na naman kami ng magagaling na performer. Sad to say, medyo naagahan yun dahil nag quit na si ms. Flores sa theater group. Nakakasama rin ng loob dahil isa sya sa best asset ng theater group na to.  Malaking kawalan ang pagkawala nya. Hindi rin natin sya masisisi dahil malamang may malaking dahilan ang pag alis nya sa grupo. Pero pipilitin nating makahanap ng papalit sa kanya sa lalo't madaling panahon. Kaya ko kayo tinipon ngayon dito, dahil ang nais ko talagang sabihin sa inyo ay ang plano nating performance na gaganapin bago sumapit ang Finals. Ang tema ng pagtatanghal natin ay musical, bali wala tayong role playing na magaganap, kung napapanood nyo ang palabas na GLEE, parang ganun ang gagawin natin. Gagawin nating parang Musical Broadway ang performance natin sa harap ng mga audience. I know na makakaya nyong gawin ito kaya I trust you all guys para gawing successful itong gagawin nating pagtatanghal. At sana lang din ay makahanap tayo agad ng papalit kay Maan. Magaling syang singer and performer. Malaking kawalan talaga ang mabawasan tayo ng lead performer kaya kung maa ari, kung may kakilala kayo na kasing galing ni Maan o mas maganda kung mas magaling pa sa kanya, eh sana pilitin nyong sumali sa atin. Sige guys maraming salamat sa pag punta. Ang start ng casting at practice natin ay sa Saturday at pagkatapos nun, sunod sunod na araw na ang practice natin. We have 3 weeks to practice and I know kakayanin natin yun. Nagtitiwala ako sa mga old members ng group na to. At sa mga bago, Nagtitiwala rin ako sa kakayahan nyo. Do all your best guys sa nalalapit nating performance before this school year ends. Ok dismiss. Salamat sa inyo."

in Another LifetimeWhere stories live. Discover now