Chapter 27

19 0 0
                                    

Mabilis kaming nagpalit ni Liza ng aming damit bago kami tuluyang umalis. Nauna akong matapos sa kanya. Nag intay na lang ako sa labas kasama ang pamilya ko pati sila aling Maria at Arianna. Nagtaka pa nga ako kung bakit napakatagal nyang magpalit ng damit. Paglabas nya galing sa dressing room, napatulala na naman ako dahil sa itsura nya. Napakaganda ng suot nya. Napalunok na naman ako ng malalim dahil sa sobrang ganda ni Liza.

"Kuya...bimpo mo oh. Baka tumulo ang laway mo. Hahaha." Sabi ni Anna.

"Shut up."

"Napaka ganda mo naman ate Liza...parang hindi talaga bagay sayo ang magsuot ng ordinaryong damit. Para kang miyembro ng Royal Family. Hehe." Sabi ni Arianna.

"Hehe maraming salamat Arianna." Sabi ni Liza.

"Ehem....ahm..san mo nga pala nakuha yang damit mo?"

"Ahm..kasi pinahiram ako ni mr. Abalos ng damit bago pa man tayo umalis. Ayoko pa nga sanang tanggapin kasi nahihiya ako pero ayaw nya rin magpaawat kaya tinanggap ko na. Pasensya na kayo kung pinag intay ko kayo ng matagal." Sabi ni Liza.

"Ay walang problema iha...wala naman tayong hinahabol na oras. Tsaka ang ganda ganda mo sa suot mo." Sabi ni inay.

"Oo nga ate Liza. Tignan mo si kuya oh. Napa nga nga dahil sa ganda mo. Hahaha." Sabi ni Anna.

"Ang dami nyong kalokohan. Tara na at umalis na tayo."

Muntik na naman akong mapagdiskitahan para biruin. Buti ngayon eh wala silang palag dahil ako ang manlilibre. Pero sa totoo lang, nagandahan naman talaga ako kay Liza. Nahihiya lang talaga akong ipakita ang reaksyon ko dahil alam ko eh pagtitripan na naman ako. Pumunta kami sa isang magandang restaurant. Hindi ko sila tinipid at talagang nilibre ko silang lahat ng masasarap na pagkain. Gusto kong magtuloy tuloy ang saya sa gabing ito dahil kasa kasama ko uli ang mga taong nagpapasaya sakin. Nagkwentuhan kaming magpapamilya. Ito ang na miss ko dahil napakatagal din ng huli kaming nagsama sama sa hapagkainan. Na miss ko ang masaya naming kwentuhan habang nakain. Nakakapanibago lang dahil may mga bago kaming kasama dahil si Liza, Arianna at aling Maria ay kasalo rin namin sa hapagkainan.

"So iha...kumusta naman kayo ng anak ko? Mukang napapansin ko na madalas ang pagsasama nyo ah." Sabi ni itay.

"Ho? Ah eh...." sabi ni Liza.

"Ngayon lang po kami uli nagkasama itay. Diba sabi ko naman sa inyo eh inimbitahan ko lang sya para sumali sa theater club namin dahil nangangailangan kami ng bagong miyembro."

"At mukang hindi naman ata kayo binigo ni Liza. Napakagaling pala nya kumanta at sumayaw. Grabe muntik na ko ma tomboy. Hahaha." Sabi ni ate Belinda.

"Hehe salamat ate Belinda." Sabi ni Liza.

"Eh ate...hindi ka ba nagdalawang isip na tanggapin ang alok ni kuya kahit muka syang sinungaling? Hahaha joke." Sabi ni Clark.

"Isasaboy ko sayo yang sabaw mo."

"Nagalit ka pa kuya...muka naman ih. Hahaha joke lang din." Sabi ni Arianna.

"Shut up.."

"Hahaha. Ahm.. hindi ako nagdalawang isip. Ang totoo nga nyan, nung pinaki usapan nya ko, dali dali ko agad tinanggap yun dahil gustong gusto ko na rin uling magtanghal sa theatro." Sabi ni Liza.

"Nagtatanghal ka iha?" Sabi ni inay.

"Ahm..opo. dun ho sa dati kong tirahan. Madalas ho akong isali ng magulang ko sa mga pagtatanghal noon. Pero ngayon ho ay hindi na ko nagkaroon ng oras para doon dahil sa napadpad ako rito sa maynila. Obligado po akong magtrabaho. Pero dahil po kay Paulo, nagkaroon po ako uli ng pagkakataon para magawa ang hilig ko. Kaya malaki po ang utang na loob ko sa kanya." Sabi ni Liza.

in Another LifetimeWhere stories live. Discover now