Chapter 30

16 0 0
                                    

Lunes ng umaga. Alas otso na ko nagising. Hindi ko napansin na lunes pala ngayon at may pasok ako. Dali dali rin akong tumayo sa kinahihigaan ko. Hindi ko rin napansin na nakatulog pala ako sa upuan sa tabi ni Liza kagabi. Doon na ko nakatulog dahil sa pagbabantay sa kanya. Pero pagkagising ko, napansin ko na wala na si Liza sa higaan nya. Napansin ko rin na nakakumot ako pagkagising ko. Naunahan na naman nya kong magising. Bago ako lumabas ng kuwarto, nakita ko ang makalumang relo ni Liza. Tinignan ko ito at napansin ko na nasa pang 39 na ang kamay ng relo. Matagal tagal na rin pala talaga ang inilagi ni Liza sa panahon na ito. Dahil dun, bigla ko na namang naalala ang sinabi nung matanda kahapon. bigla kong naalala ang mangyayari kay Liza pagsapit ng pang isandaang araw. Ayoko sanang paniwalaan ang mga nangyari kahapon pero hindi ko maipagkaila na totoo ang lahat at wala akong magagawa kundi tanggapin yun. Ang hirap talaga. Pero gaya ng sabi ko rin sa sarili ko. Imbis na problemahin ko ang pag iisip ng solusyon, ay dapat sinusulit ko ang mga araw na nalalabi. May 61 na araw pang nalalabi at matagal tagal pa bago sumapit ang nakatakdang araw para kay Liza. Hindi na ko dapat nagsasayang ng oras. Kailangan sabihin ko na rin sa kanya ang nararamdaman ko. Lumabas ako ng kwarto ng walang halong kaba o hiya para humarap kay Liza. Pagdating ko sa sala, nakita ko sya na naghahanda ng almusal.

"Magandang umaga Liza."

"Oh gising ka na pala. Magandang umaga rin sayo Paulo." Sabi ni Liza.

Pagharap nya sakin, biglang sumikip na naman ang lalamunan ko. Sa sobrang ganda ng aura nya sa umaga, bigla akong na stun. Walang hiya talaga. Automatic na kong natotorpe pag ganito ang mga eksena. Nakakainis na rin talaga ako minsan. May pa boost up, boost up pa ng confidence pa kong nalalaman, eh lalambot naman pala ako pag nasa sitwasyon na.

"Paulo? May problema ba?" Sabi ni Liza.

"Ha? Ah eh...ehem..ahm...wala naman. Eh ikaw? May problema ka ba?"

"Ako? wala naman. Bakit mo naman natanong?" Sabi ni Liza.

Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa bigla kong pagtanong sa kanya ng wala sa lugar. Buti na lang at nakaisip agad ako ng pambawi.

"Ah eh..kasi ano eh...tungkol kasi kahapon. Nalasing ka diba."

"Ah yun ba. Wala yun. Hindi malaking problema yun. Hindi ko naman kasi alam na alak pala yung nainom ko. Nagkasakit pa ata ako kaya naperwisyo na naman kita. Pasensya ka na ah." Sabi ni Liza.

"Ah eh hindi!! Hindi mo kasalanan. Wala kang dapat ipagpasensya sakin. Ang totoo nga yan, eh ako dapat ang mag sorry sayo kasi nawala ako bigla ng matagal kahapon. Pinag alala ko pa kayong lahat. Ang dahilan kasi eh...."

Napatigil ako ng pagsasalita, talagang bumabalik sa isip ko ang mga sinabi sakin nung matanda. Pero bago pa man ako magsalita ulit upang ipaliwanag ang isa pang rason, biglang nagsalita si Liza.

"Nagkita kayo ni Maan." Sabi ni Liza.

"Ah eh..oo. Pasensya ka na."

"Nye? Bakit ka naman nagpapasensya sakin? ayos lang sakin ano ka ba. Masaya ako para sayo dahil nagkita na uli kayo ng pinakamamahal mong kaibigan." Sabi ni Liza.

Nakangiti si Liza sakin habang nagsasalita sya pero pansin ko rin sa mukha nya na hindi ayos ang lahat. Alam ko dahil sa mga nangyari kagabi. Ang pagluha nya sakin pagkatapos nyang sabihin na siya na lang ang ibigin ko. Hindi nya natatandaan ang lahat ng iyon dahil nga lasing sya at mataas ang lagnat nya. Kaya alam ko ngayon na nagsisinungaling sya.

"Sigurado ka bang ayos lang sayo ang lahat?"

"Oo naman Paulo. Basta masaya ka, masaya rin ako. Tara at kumain na tayo ng almusal at may pasok ka pa ngayong araw." Sabi ni Liza.

in Another LifetimeWhere stories live. Discover now