12

18 3 0
                                    

"huh?! Ulitin mo nga yug sinabi mo!" sigaw ni Parissa, tinignan ko siya ng masama at saka lumapit sakanila.

Huminga ako ng malalim at isa isa silang tinignan sakanilang mga mata.

"Liniligawan niya ako?"

"Ba't may pa question mark, gago ka?"

"Hindi ako sure, potangina" sagot ko kay Hadley

Tawa lang ang naging sagot nila saakin, nasa Grade 10 na kami. Mga kaklase ko sina Kaelen, Alvaro at Kade, pero hindi ko alam at bakit wala pa si Kaelen. kahit mag kakaiba kami ng section ng aking mga kaibigan ay sabay sabay parin kaming bumababa para sa Flag ceremony.

Naging mabilis lang ang aming Flag ceremony, agad agad naman kaming bumalik sa aming mga classroom. Pagkatapos ng ilang minuto dumating na din ang aming Adviser, Ms. Hernandez. Ang alam ko ang terror siya dahil sa sinabi ng mga senior namin, madalas ay kapag nauuna siyang pumasok kahit dipa talaga late ay nagpapatardy na siya.

Gaya ng sabi ng mga seniors namin, ayon napagalitan si Kaelen, napatabi pa kay Alvaro. Agad naman nag-ayos ng Seat plan ang guro namin, sabi niya ay sa lahat ng subject na daw ito at for the whole school year. Sa kamalas malasan, kay Kade ako napatabi, iiwasan ko dapat to eh.

"Hi"

Tumango lang ako sakanya at inayos na ang aking gamit, hindi na ulit siya nagsalita. Mas mabuti na rin yon, kasi hanggang ngayon hindi ko parin ma process yung mga sinabi niya kagabi.

Wala namang nangyari sa umaga dahil nga halos magkakilala na rin kaming lahat, yung mga transferees nalang yung mga nagpakilala sa boung klase.

Tumingin ako sa aking gilid at nahuling nakatitig saakin si Kade, agad akong umiwas ng tingin pero ramdam na ramdam ko parin ang mga titig niya.

Nakakairita yung titig niya pero ba't ba hindi ako nagsasalita? Baka kasi hindi pa ako sanay na may hinayaan akong lumigaw? Ba't ko nga ba hinayaan?

Luh, ba't ko ba kasi tinatanong sarili ko?

"Hoi!"

Agad akong tumingin ng masama kay Kaia at narinig ko naman ang tawa ng aking mga kaibigan, pinakamalakas si Kaelen. I rolled my eyes and stared at her, agad naman siyang tumigil. I started mocking her laugh.

"Ba't ba ako lang?" I mocked her again, tumingin siya saakin ng masama at saka tumigil na.

Rinig ang tawa ng aking mga kaibigan dahil sa napipikonan nanaman si Kaelen.

"Tangina niyo, ako nalang palagi"

"Ba't ba kasi siya nalang palagi? Nakakaumay na rin" sambit ni Parissa

"Ikaw pa may ganang mawalan ng gana sa pagpipikon sakin gago. Kayo nga ni Kaarina palaging nang pipikon saakin"

Tumingin kami sakanya at nakitang paluha na ito, well, sabi nga niya. Sanayan nalang.

Mabilis naming tinapos ang aming break, para narin pumunta kami sa aming classroom at magamit ang aircon, habang pabalik kami sa taas ay nagtatawana at nag kwekwentuhan lang sila, isama mo narin na pinipikon si Kaelen.

Agad dumating ang isang guro namin sa math, naging guro na rin namin siya noong Grade 7 kami kaya transferee's nalang ulit yung mga nagpakilala, hindi ko alam kung ano pero agad agad siyang nagpa activity saamin.

"Bakit mo sinusulat pangalan ko sa papel mo?"

"Diba sabi ni Ma'am by two's?" He asked, unsure

"I know that"

"Yeah, sabi niya seatmate yung kasama"

I chuckled sarcastically and looked at him in the eye "I can do it alone, I'm not good at Math but I prefer to solve it alone"

Retrouvaille of Love (LOVE SERIES #2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora