"So, mind to tell us this dark secret of yours?" nakangising tudyo ni Serah.

"Oh my ghosh! Now I fully understand why he always called you in his office before!" mahinang pagsigaw ni Feya.

Napangiti na lang ako sa kanila.

"Pero bakit palagi kang pagod pagkakalabas?" segundang tanong niya habang kunot ang kanyang noo.

Nag-init ang pisngi ko roon at napaiwas ng tingin sa dalawa.

"Oh, my, ghad," sabay na wika ng dalawa at saka mahinang umirit.

"Ano ba?! Marinig kayo riyan at kung ano'ng isipin ng iba," panunuway ko sa dalawa habang naroon pa rin ang hiya sa aking mukha.

Tinawanan lang naman nila ako at pasimpleng kinurot-kurot.

"Sige na, kwento ka na. Please." Si Serah habang nagpapaawa ng mukha.

I rolled my eyes at her and sighed before telling them how Achetbir and I started our relationship until how did it end.

"Bakit hindi ka nanindigan? I mean, don't you trust him?" seryosong tanong ni Feya.

Natigilan naman ako roon at nilikot ang aking mga daliri. "I trust him..." Mahinang bulong ko, sapat lang upang marinig nila. "...sarili ko ang hindi ko pinagkakatiwalaan," patuloy kong saad at mapait na ngumiti.

Kaya niya akong iligtas ngunit siya ang hindi ko kailanman maiiahon sa putikan sandaling marumihan ang kanyang pangalan. Alam kong kaya niya akong ilaban hanggang sa huli pero ako ang mahina, hindi ko kaya na makita siyang bumagsak dahil sa akin.

Come in.

Malamig na wika ni Achetbir mula sa speaker. Nagkatinginan kaming tatlo, kung dati-rati ay naaasar agad sila sa tuwing pinatatawag ako ni Achetbir ngayon ay tila hindi nila alam kung ano'ng ikikilos.

Ipinatas ko ang mga papeles, hinati ko iyon sa tatlo at inilagay sa lamesa nila ang dalawang patas.

"Can you help me with this? Baka kasi hindi kayanin ni baby ang stress," kagat-labing sabi ko sa kanila.

Sabay na ngumiti ang dalawa at tumango.

"Basta ba ninang kami," wika ni Feya.

"Huwag mong kukuhanin ang isang 'yan. Buraot iyan kaya walang mapapala ang anak mo d'yan, ako nalang." Pang-aalaska ni Serah kay Feya.

I chuckled shortly. "Salamat," sinsero kong sabi at saka tumayo mula sa aking pwesto.

"Sige na, hanap ka na ng boss natin. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit tila mainit ang dugo niya kahapon. Nawala nga pala sa kanyang paningin ang paborito niyang sekretarya." Panunuya ni Serah.

Marahan akong napailing at naglakad papunta sa opisina ni Achetbir. Huminga ako nang malalim bago kumatok at mabagal na binuksan ang pinto, natigilan pa ako nang nakita si Patriza sa loob. Ibig sabihin ay maaga pa s'yang dumating dito dahil hindi ko siya napansin.

Biruin mo nga naman, kikiligin na sana ako dahil agad n'yang pinuntahan ang kaniyang mapapangasawa pagkatapos ng trabaho sa ibang bansa, dangan lamang at masama ang kanyang ugali. Napangiwi ako sa isipin kong 'yon.

"Sir," magalang kong usal at bahagyang yumuko nang nakapasok na ako ng tuluyan sa silid.

"Fix this files, may meeting ako ngayon with Mr. Villaflor. Kailangan pagbalik ko rito ay maayos na ang lahat," pormal niyang utos habang isinusuot ang kanyang neck tie.

Napanguso pa ako habang pinanunuod siyang nahihirapan doon.

"Fvck!" mahinang pagmumura niya nang hindi maayos 'yon.

"May problema ba?" Patriza asked and walked near him.

"Can't fix this fvcking tie," he murmured.

"Let me try," sabi ni Patriza sabay hawak sa neck tie.

Nakagat ko ang aking ibabang labi at umiwas ang tingin. Gano'ng eksena palang ang nakikita ko ay kumikirot na ang puso ko. Paano pa kaya kapag dumating na ang araw ng kasal nila? Kakayanin ko kayang manuod habang itinatali siya sa iba?

Sinubukan ko muli silang tingnan. I stiffened in my place when I saw him staring at me coldly while Patriza trying to fix his tie. Pakiramdam ko ay pinag-aaralan niya ako base sa mga titig na ibinibigay niya. Hindi ko naman iyon nakayanan kaya ibinaba ko ang aking paningin sa sahig.

"Argh! Why can't I do it?" Patriza mumbled with frustration.

I looked at them again. Nakagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi sa pagpipigil na matawa dahil lalong nagbuhol ang kurbata ni Achetbir sa leeg.

Seems like not all elites can do all things.

"Hayaan mo na, male-late na ako sa meeting," walang emosyong wika ni Achetbir at nagsimulang maglakad palayo.

Yumuko ako nang dumaan siya sa aking tabi. Asta niyang bubuksan ang pinto nang tumigil siya at bumaling ng tingin sa akin.

"Mabuti naman at wala ka ng sakit, Ms. Mendoza." He then left his office.

My lips twitched because of that. "Bakit mami-miss mo na naman ako?" mahinang bulong ko na tanging sarili ko lamang ang makakarinig.

"Ipagtimpla mo akong kape," pag-uutos ni Patriza na nakakuha ng aking atensyon.

"Noted, Ma'am," I answered and got out from the office.

Maglalakad na sana ako patungo sa banawan ng kape nang natigilan ako at napabaling ng tingin sa labas ng aming departamento.

Malayo na kaya siya?

Without thinking, I took my steps outside our department. Lakad-takbo ang ginawa ko habang palinga-linga sa paligid. Natigil lamang ako sa paglalakad at paghahanap sa kaniya nang magtama ang aming paningin habang nakasakay siya sa kasalukuyang nagsasara na elevator. Nagpakawala ako ng hininga at napailing dahil hindi ko siya naabutan. I turned my back and was about to walk back into our department when I heard a deep baritone voice behind.

"Why did you follow me?"

Napalunok ako at mabagal na lumingon. I saw him standing outside the elevator, staring at me coldly. I cleared my throat and tried to walk closer to him.

"Ahmm, b-baka po makatulong ako sa pag-aayos ng inyong k-kurbata, Sir." Napapikit ako sandali nang mautal ako.

Lihim kong pinagmura ang aking sarili sa utak ko.

He stared at me for a second then lick his lower lip. "Fix it then," he said in hoarse voice.

Nanginginig akong lumapit sa kanya. Pakiramdam ko ay para akong teenager na lumalapit sa kaniyang crush sa unang pagkakataon. Ramdam ko ang pamamawis ng aking kamay habang marahan kong tinatanggal ang pagkakapulupot niyon sa kaniyang leeg. Ang aking puso ay naghuhurumentado rin sa kaba dahilan para mapalayo ako ng bahagya sa takot na marinig niya iyon.

Isinuot ko sa kanyang leeg ang aking kamay at saka inayos ang kurbata sa tamang paraan. Pilit kong itinuon ang aking paningin sa kurbata kahit gusto niyong umangat sa kaniyang mukha. Hindi ko man siya tingnan ay alam kong mariin niya akong pinanunuod. I saw his Adam's apple moved, causing me to bit my lower lip and finished fixing his tie.

Unti-unti akong lumayo sa kanya habang nakayuko. "Tapos na po," mahinang sambit ko.

Hindi naman siya agad umimik kaya naman iniangat ko ang paningin ko sa kanya. He's staring at me intently as his jaw was clenching hard. Achetbir gave out a deep breath few seconds after and then look at me softly.

"You may go now," he said.

Hindi 'yon malamig o walang emosyon tulad ng normal niyang tono nitong mga nakaraang buwan. Sa ilang segundo ay naramdaman ko kahit papaano ang dating Achetbir na nakikitungo sa akin nang maayos noon. Ang lalaking minahal ko.

Yumuko naman ako ng kaunti bilang pamamaalam at saka siya tinalukuran.

Take care on your way, babe...

Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)Where stories live. Discover now