Episode 10 (1/4) - FINALE

113 4 3
                                    

Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04


EPISODE 10 (1/4)

GAB

Bago nagsimula ang game 1 ng finals ay nakipagkita muna sa amin si Jane. Pinagbigyan din namin siya ni AJ at hawak kamay kaming dalawang lumapit sa kaniya.

Si Jane naman ay nakangiting nakatingin sa amin subalit kita ko sa kaniyang mukha ang lungkot.

"Salamat at pumayag kayo." aniya nang naupo kaming tatlo.

Magkatabi kami ni AJ sa upuan habang kaharap namin siya. Hanggang ngayon ay hawak ko pa rin ang kaniyang kamay.

"Gab, AJ...I just want to say sorry. Sorry for everything." naluluhang wika ni Jane. "Gab, I know malaki ang kasalanan ko sa'yo. Sorry for that. I admit, at first I was shocked nang malaman ko ang tungkol sa inyong dalawa. Akala ko noon, ginagawa mo lang 'yon para saktan ako, para gumanti sa akin. Pero nakita ko na hindi pala iyon ang totoong dahilan mo. Nakita ko kung gaano mo kamahal si AJ. Kaya nagpaparaya na ako. Babalik na ako ng Amerika."

"Jane, sorry din sa mga nasabi ko at salamat sa pagmamahal mo." pagkuwa'y wika ko at sabay hawak ng kanyang kamay.

Samantalang tahimik lamang si AJ habang nakayuko at halos hindi makatingin kay Jane.

"AJ, sorry sa mga nagawa ko sa'yo. Alagaan mo si Gab huh. Mahalin mo siya kasi mahal na mahal ka niya. Huwag mo siyang pabayaan. Alam mo napakasuwerte mo sa kaniya kasi napakabuti niyang tao. Ipinapaubaya ko na siya sa'yo." Litaniya ni Jane.

Biglang nag-angat ng mukha si AJ. Alam kong nahabag din siya sa sinabi ni Jane. Subalit tanging ngiti lang ang naging tugon niya rito.

"Gab, huwag mong sasaktan si AJ. Ipangako mo sa akin na hindi ka na maghahanap ng iba." si Jane nang tumingin sa akin.

Bahagya akong tumawa dahil sa sinabi niyang iyon subalit kasunod niyon ay naramdaman ko ang pagpait ng aking mata.

"Oo, Jane! Pangako ko sa'yo na hindi na ako magmamahal ng iba. Aalagaan ko siya. Pangako 'yon." nakangiting tugon ko at napatitig ako kay AJ. Pinisil ko ang kaniyang kamay.

Nakita kong tumawa si Jane. Kahit hindi nito sabihin, alam kong nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon. Nagi-guilty din ako sa mga nangyari. Yes! Minahal ko rin siya noon at labis din akong nasaktan nang maghiwalay kaming dalawa. Kaya masakit din sa akin ang makita siyang nasasaktan ngayon lalo pa't alam kong ako ang dahilan.

"Alam ninyo, number one fan ninyo ako. Pagbalik ko ng US, ikukuwento ko talaga ang love story ninyong dalawa sa mga friends ko roon. Basta be good to each other  and love each other 'til the end."

Tumango lamang kami habang naka-smile sa kaniya.

Pagkatapos nang pag-uusap na 'yon ay agad ding umalis si Jane. Iyon na ang huli naming pagkikita dahil babalik na siya ng Amerika sa susunod na linggo. Tuluyan na ngang magsasara ang aming kuwento ngunit gayunpaman ay nagpapasalamat ako dahil naging maayos ang aming paghihiwalay.

Napakasaya namin ni AJ dahil sa nangyari. Ngayon mas lalo naming naramdaman na ganap kaming malaya na mahalin ang isa't isa.

Niyakap ko siya ng napakahigpit at sabay bulong pa sa kaniya na...."I love you." Bagay na halos nagpakilig sa aking nobyo.

Tapos siya naman ang bumulong sa akin.

"I love you too." napakalambing ng kaniyang boses. Para iyong mga paru-paro na nagliliparan sa aking tiyan. Kinilig din ako until I realized.....masarap ang ma-inlove.

SET The Series (BL)Where stories live. Discover now