Episode 3 (2/4)

117 6 1
                                    

Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04

                         
EPISODE 3 (2/4)

MEW

Dahil sa injury ko, hindi na muna ako maglalaro ngayon. Kailangan ko munang ipahinga ang balikat ko para sa susunod naming mga laban lalo na kung makakapasok kami sa championship.  Gayunpaman, pumunta pa rin ako para suportahan ang aming team.

Ikaapat na laban na namin ito ngayon kontra Faculty of Science.

Nakaupo lamang ako ngayon sa aming bench habang nanonood sa aking mga kasamahan na nagwa-warm up. Ilang saglit lang ay lumapit sa akin si P’Korn at naupo sa tabi ko.

“Musta na ang balikat mo?” agad niyang tanong.

“Medyo okay na, P’Korn.” mabilis kong sagot.

“Pagaling ka. Kailangan ka namin sa susunod na laban.”

“Okay, P’. Sorry kung di ko kayo matutulungan ngayon.”

“Huwag mong isipin 'yon. Ang mahalaga ay gagaling ka. Kami na ang bahala, okay?”  hinawakan nito ang balikat ko at sabay tapik.

“Okay, P’. Goodluck sa inyo.”

“Uhmm. Thank you.”

Bumalik si P’Korn sa loob ng court para mag warm up.

Sumunod namang lumapit sa akin si AJ.

“Okay ka lang?” tanong sa akin ni Aj paglapit nito.

“Umm…goodluck.”

“Salamat, Mew. Promise gagawin ko lahat para sa'yo."

“Ingat sa paglalaro.” paalala ko sa kaniya.

“”Okay.” agap nitong tugon.

Nagsimula na ang set 1. Nahirapan ang aming team. Malalakas din ang players ng Faculty of Science. Maagang lumamang ang kalaban at nahirapang humabol ang aming koponan. Talo kami sa unang set sa score na 25-17.

Ngunit nakabawi ang aming team sa set 2 subalit sa sumunod na dalawang sets ay nakuha iyon ng aming kalaban. Talo kami sa loob ng 4 sets.

Iyon ang unang talo namin. Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa aming pagkatalo. Feeling ko ay naging useless ako ngayon. Wala man lang akong naiambag.

“Mew, pagaling ka. Kailangan ka ng team.” sabi ni Coach Tai nang lumapit siya sa akin.

“Yes ñ, coach!” tugon ko. “Sorry coach.” malungkot ko pang sabi.
___________________________________________

Pagkatapos ng laban na iyon ay niyaya kami ni Fai na mag malling ngayon. Ayon sa kaniya, kailangan daw naming mag unwind ngayon para makapagrelax naman kami.

Pagdating namin ng mall ay kumain muna kaming apat. Treat iyon ni AJ. Ang daming pagkain kaya enjoy na enjoy si Gab.

“Ai’Gab, hindi halatang masiba ka no?’ birong sabi ni Fai.

“Aww…gutom kaya ako. Saka libre ‘to. Paminsan-minsan lang kasi ako nililibre ni AJ eh kasi laging si Mew lang ang nililibre niya.” sabi pa ni Gab habang puno ng pagkain ang kaniyang bunganga. Tuloy nabilaokan siya.

Napatawa na lamang kaming tatlo habang pinapanood siya.

Pagkatapos naming kumain ay nagyaya si AJ na manood ng movie. Medyo maaga pa naman, kaya pumayag din kami sa alok niya.

Papasok pa lang kami nang makita namin na naroroon din sina Tom at Peach.

“Awww…nandito rin pala kayo.” sabi ni Gab paglapit namin sa kanila.

SET The Series (BL)Where stories live. Discover now