SPECIAL EPISODE

212 7 5
                                    

Title: SET The Series (BL)
Author: Moonlight04
Wattpad: jenryl04
Dreame: Moonlight04

                              
SPECIAL EPISODE

MEW

Dahil kami ang nag champion sa Inter-University Volleyball Championship Season 83, isang victory party ang inihanda ng aming unibersidad para sa aming lahat…isang night swimming.

Excited kami sa nasabing event. Bale exit party na rin ito para kina P’Korn, P’Joss, P’Seth,  at P’Phun dahil magtatapos na sila ngayong taon.

Pagdating namin ng beach ay dumiretso agad ako sa baybayin. Medyo masarap kasi ang simoy ng hangin ngayon at dagdag pa ang tila nang-aakit na talsik ng mga tubig sa dalampasigan.

Hanggang naalala ko si Lola. Muling nanariwa sa akin ang buhay namin noon. Ang mga panahong minsan hirap at hikaos kami sa buhay. Ang mga sandaling hindi ako nakakakain. Talagang napakalayo ng buhay ko ngayon sa naging buhay ko noon. Ang daming nagbago subalit gayunpaman hindi ko nakakalimutan kung saan ako nagsimula.

Mayamaya ay lumapit sa akin si P’Korn.

“Bat ka nandito, Nong?” agad niyang tanong sa akin.

“Nagpapahangin lang, P’.” agap ko namang sagot sa kanya.

“May problema ba?”

Napabuntong-hininga ako ng malalim.

“Naalala ko kasi si lola.” pagkuwa’y halos mangiyak-ngiyak kong wika. “Sobrang namiss ko na siya. Alam ko masaya siya para sa akin ngayon. Pangarap kasi namin noon na maligo sa dagat. Alam mo, P’, tandang-tanda ko pa noon nang minsang wala kaming makain. Nangutang si lola sa may tindahan pero hindi siya pinautang noon. Sa halip minura pa siya ng tindera. Buti na lang binigyan kami noon ni Aunty Yen ng pagkain, ‘yong may ari ng bahay na tinutuluyan namin. Ayaw kainin ni lola ‘yong pagkain niya kasi raw baka wala akong kainin bukas pagpasok ko ng school. Iyak ako nang iyak noon. Sobrang naaawa ako kay lola. Pero wala akong magawa noon eh.” kuwento ko pa kay P’Korn.

Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Bigla akong niyakap ni P’Korn.

“Hindi na mangyayari ang mga bagay na ‘yon sa'yo ngayon. Nandito na kami. Nandito na ako, hinding-hindi ko hahayaan na mangyayari ulit ‘yon sa'yo. Pangako ni Kuya ‘yon. Hangga’t nandito ako, aalagaan kita.” wika niya habang yakap niya ako.

(Ramdam ni Korn ang hirap na naranasan ng kapatid niya noon. Kaya nga, kahit pagod siya sa eskwela, sinisikap niyang maghanda ng pagkain para sa kapatid. Sinisikap niyang asikasuhin ito. Gusto niyang punan ang mga panahong nasayang nang mawalay ito sa kanila.)

Bumalik si P’Korn sa grupo para tumulong sa pag-aayos samantalang nagpaiwan muna ako rito sa gitna ng dalampasigan. Nagpatuloy ako sa paglakad-lakad habang namumulot ng mga shells.

Mayamaya ay lumapit sa akin si Tom habang may bitbit itong malamig na inumin.

“Oh!” anito at sabay abot sa akin ng bote.

“Salamat.” mahina kong saad pagkatapos kong abutin ang boteng bigay niya.

“May problema ba?”

Umiling lamang ako at sabay sabi na… “Nagpapahangin lang.”

“Ahmm….samahan na kita rito.” aniya.

Simula noon pa, walang pinagbago ang mukha ni Tom. Napaka-guwapo pa rin niya hanggang ngayon at sa tuwing pinagmamasdan ko siya ay hindi ko mapigilan ang sarili kong mainlove sa kaniya lalo.

SET The Series (BL)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora