"Ano ba'ng ginawa sa 'yo noong nagpa-check-up ka?"

"The Dra injected something—" napatigil ako sa pagsagot nang naalala ang kakaibang likido na aking naramdaman noon.

Could that be?

Marahil ay napansin ni Caster ang aking pagkakatigil kaya huminga siya nang malalim. "I think you need to go back to that hospital so your questions would be answered," aniya.

Magkakasunod akong napalunok kasabay nang pagkabog ng aking dibdib sa kaba.

"So, what's your plan about that?" usisa niya sa 'kin at saka sumilip sa bandang tiyan ko.

Ano nga ba?

"Hindi ko rin alam. Sobrang nabibigla ako sa mga nangyayari, pakiramdam ko ay napaglaruan ako ng tadhana," tugon ko.

Naramdaman ko naman ang muli niyang pagtapik sa aking balikat. "If you need anything 'wag kang magdalawang isip na tawagan ako," sinserong wika niya at tipid akong nginitian.

Matipid na ngiti na lamang din ang isinukli ko. "Palagi ka na lang nand'yan sa tuwing napapahamak o nangangailangan ako ng tulong," nahihiyang sabi ko.

He chuckled softly and pinched my nose. "You're like a sister to me, Jandie, medyo incest nga lang kasi hinalikan mo ako." Pagbibiro niya na ikinapula ng aking mukha sa hiya.

"Caster!" I hid my face using my palm.

He burst in laughter. "Now, you're smiling." He gave me a genuine smile.

Natigilan ako at napahawak sa aking tiyan. "Salamat," sinserong sabi ko kasabay ng aking tipid na pagngiti.

"It's my pleasure to help," he answered.


TULAD nang napag-usapan namin ni Caster ay bumalik ako sa hospital na aking pinagpatingnan. Nag-take ako ng sick leave para maasikaso ang mga bagay na dapat kong malaman. Kinakabahan man ay kailangan kong alamin ang totoo.

"You looked pale. Can you relax for a bit?" he asked as we both wait for my turn to be called by the nurse.

Yeah, Caster was with me. Bukod sa hindi siya pumayag na hindi ako samahan ay kailangan ko rin talaga ng kasama ngayon para harapin lahat ng 'to.

"I can't help it." I bit my lower lip and tried to shake my hands.

He sighed and held my hands, then caressed it. "I am with you, okay?" he assured.

Mapait na lang ako na napangiti. Kung sino pa ang tao na ngangayon ko lang nakilala ay siya pang naging sandigan ko. Hindi ko maiwasang isipin na kung sakali na maayos ang sitwasyon namin ni Achetbir at nangyari ang lahat ng ito, will he still stay with me?

"Miss Mendoza, turn niyo na po," pagtawag ng nurse na siyang nakapukaw ng aking atensyon.

Caster and I looked at each other before we stood up. Pinauna niya ako sa paglalakad hanggang sa marating na namin ang bungad ng pintuan. I took a deep breath and glanced at Caster who's behind me. Tipid niya akong nginitian at tinanguan na tila sinasabi sa akin na nariyan lamang siya.

Slowly, I turned the doorknob to open. Sumilip muna ako bago marahang pumasok. Ramdam ko naman ang pagsunod sa akin ni Caster mula sa likuran.

My brows furrowed as I looked at the Dra who's currently writing something on her white paper sheets. Umangat ang kaniyang paningin sa 'ming direksyon at saka itinuro ang upuan na nasa kanyang harapan. 

"Have a seat," nakangiting usal niya.

Hindi naman ako agad nakakilos at inilibot ang aking paningin sa loob.

Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)Where stories live. Discover now