《FIN》BOY HE'VE BEEN WAITING FOR

327 17 12
                                    

Kim Taehyung's POV

I can still remember the smell of the fresh air from the forest. The cold breeze of the near water falls. This is the place that I've been admiring. The place that I want to spend my whole time.

"Taehyung!!!" Nakangiti kong nilingon ang tumawag sakin. Pero agad ding nabura iyon nung makita ko ang kasuotan nya. Lumapit sya sakin habang hinahabol ang hininga nya samantalang ako ay nakatitig pa rin sa anyo nya.

"Bakit... bakit ganyan ang suot mo? Parang aalis ka?" Tanong ko sa kanya kaya umangat ang tingin nya sakin. Huminga sya ng malalim bago hawakan ang magkabilang balikat ko. Para syang may gustong sabihin pero di nya alam kung san sisimulan. Nanatili akong tahimik at tiningnan lang sya.

"I'm sorry.." bulong nya bago napayuko. Umatras ako dahil alam kong di ko magugustuhan ang sasabihin nya. Bumitaw naman sya sakin kaya tumalikod ako at tiningnan na lamang ang mga puno at halaman sa paligid.

"Taehyung, please listen to me--"

"Bakit di mo na lang ako diretsuhin?" Tanong ko bago sya lingunin. Napangiti sya ng mapait habang pilit na pinipigilan ang sarili nyang luha.

"Di na tayo magkikita pang muli. Lilipat na kami ng bahay, pati school ay lilipat ako. Nagalit ako kina Mom nung una pero pinaintindi nila sakin ang dahilan. Kailangan naming bantayan ang main branch ng kumpanya namin. Taehyung, ayokong iwan ka. Ayokong umalis pero---"

"Okay lang.." nanlalaki ang mga matang tiningnan nya ko. Namumuo na ang luha sa mga mata nya. Ngumiti ako bago hawakan ang pisngi nya.

"Kahit naman magkalayo tayo ay mananatili tayong magkaibigan, diba?" Tanong ko kaya tumango sya kasabay ng pagtulo ng luha nya.

"Di ka naman galit sakin, diba? Kahit na di na tayo magkikita. Kahit na magkakalayo tayo. Kahit na magkaiba na tayo ng school, di naman magbabago ang pagiging malapit natin, diba?" Tanong nya rin na agad kong tinanguan.

Hindi ako sigurado sa mangyayari. Alam kong maraming magbabago oras na mawala na sya sa paningin ko. Alam kong magkaiba na kami ng mundong papasukin. Alam kong mawawala na sakin ang kaibigan ko. Napaiwas ako ng tingin kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"A-akala ko ba..."

"Mahirap palang magpanggap" nakangiti kong bulong bago kalmahin ang sarili ko.

"Alam kong malayo ang pupuntahan nyo. Siguro'y mas maganda kung umalis ka na. Hayaan mo na muna ko dito. Pangako, hindi ako magagalit sayo" bulong ko. Tumangu-tango sya bago ako yakapin ng mahigpit.

Wala kong nagawa kundi yakapin sya pabalik. Naramdaman ko na naman ang pamamasa ng balikat ko dahil sa luha nya. Napakatagal din naming naging magkaibigan tapos magtatapos rin pala sa isang 'paalam'.

"Keep this.." nakangiti kong turan bago ilagay sa palad nya ang isang keychain. Keychain kung san nakaukit ang pangalan naming dalawa. Nung bumaba ang tingin nya dun ay napangiti sya.

"I promise that once our paths meet again, I'll give it back to you.. Goodbye, Taehyung.  Till we see and meet again.." tiningnan ko lang ang papalayo nyang pigura mula sakin.

Kahit na alam kong bawal ay naglakad ako patungo sa waterfalls at umupo sa gilid nun. Ang sabi nila ay malalim daw ito at may malalaking bato sa ilalim. Nakakatakot din itong pagmasdan minsan lalo na kapag lumalakas ang tubig pero parang wala lang yun sakin ngayon. Pinanood ko ang pagbagsak ng tubig mula roon kasabay ng pagluha ko. Di ako makapaniwalang panonoorin ko ito ng mag-isa magmula ngayon.

Nung malapit ng dumilim ay tumayo na'ko. Baka kasi hinahanap na'ko samin lalo na't ang paalam ko ay sandali lang ako. Dahil medyo dumidilim na ay di ko na halos makita pa ang dinaraanan ko.

Boy In Luv (TaeKook FF) [ONESHOT]Where stories live. Discover now