《03》BOY AT THE CAFETERIA

246 13 0
                                    

Kim Taehyung's POV

"Hayst, buti natapos na.." bulong ko habang nag-iinat-inat. Kanina pa'ko patingin-tingin sa paligid dahil baka sumulpot na nga sina Jimin at Jin na hanggang ngayon ay wala. Di ko alam kung may klase pa ba sila o sadyang tinakasan lang talaga nila ko.

Inayos ko na lang ang mga gamit ko dahil sa tingin ko ay di na sila darating. Baka nga nauna pa sa cafeteria si Jin samantalang si Jimin ay baka nasa tapat na naman ng Main building at hinihintay ang pinakamamahal nya. Nung matapos kong mailagay lahat ng gamit ko sa bag ko ay agad rin akong tumayo.

Kakain na muna ko ng lunch bago ako tumungo sa opisina ni Sir Torres para maipacheck ang SOP ng research ko. Habang naglalakad sa hallway ay inabala ko ang sarili sa pagtingin-tingin sa paligid.

Nature friendly ang academy na ito kaya natipuhan ko. Napapaligiran ito ng malalaki at malalabong na puno na syang nagpapresko sa paligid. Bawat gilid din nito ay mayroong mga halamang namumulaklak at may katabi pang mga bench.

Malawak rin ang quadrangle na napapaligiran ng berdeng damo. Maganda pa dun ay pwedeng humiga o tumambay sa ilalim ng mga puno dahil napakalinis ng paligid. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang pagkalaki-laking announcement board. Buong wall yata ng building na iyon ay ginawang announcement board. 

"Our Campus King already came back. We'll going to have a welcoming party this evening at the auditorium. Please, wear your most beautiful dresses and formal tuxedos. See you there at exactly 9PM. Thank you" nangunot ang noo ko sa nabasa. Halatang kanina pa ito pinost dito pero di man lang ako sinabihan ng dalawa kong kaibigan.

Kahit kelan talaga yung dalawa na yun. Nilampasan ko na ang announcement board at lumiko para makarating na sa cafeteria.  Ganun pala kahalaga si Jungkook sa academy. Talagang magdaraos pa ng isang party para sa kanya mamayang gabi.

Nung makapasok ako sa cafeteria ay agad na nilibot ko ang paningin ko upang mahanap si Jin dahil paniguradong si Jimin ay abala na naman sa paghahanap kay Yoongi.  Nung makita ko si Seokjin ay agad akong naglakad palapit sa kanya.

"Di mo man lang ako inaya" sabi ko matapos umupo sa harapan nya. Nagpatuloy sya sa pagkain ng spaghetti at burger, may katabi pa sya nung dalawang cupcake para sa dessert. Halatang katatapos nya lang rin kumain ng kanin at ulam na menudo. Pasalamat na lang talaga tong lalaki na'to at mabilis ang metabolism nya kaya di sya tumataba.

"Tinatamad na'kong maglakad papunta sa tapat ng quadrangle para lang tawagin ka. Alam ko namang pupunta ka rin dito" sabi nito kaya napatango na lang ako. May punto nga naman sya dun.

"Si Jimin?" Tanong ko kahit alam ko naman kung ano ang pinagkakaabahalan ng isa na yun.

"Nasa tapat ng Main Building, hinihintay si Yoongi" sagot ni Seokjin kaya nakumpirma ko ang hinala ko. Inuuna pa talaga si Yoongi kesa sa sarili nyang pagkain.

"Alam mo na ba yung tungkol sa party mamayang gabi?" Tanong nya sakin kaya tumango ako.

"Ngayon ko lang nalaman. Nung napadaan ako sa announcement board ay dun ko lang nabasa. Ganun pala sya kahalaga sa academy,noh?" Pagtatanong ko kay Jin. Uminom muna sya ng juice bago ako tingnan.

"Sobrang halaga nya rito. Di lang sya basta Campus king, nasabi na naman sayo ni Jimin kung gaano sya ka-talented diba? Di na nakakapagtakang ganun na lang sya kung pahalagahan ng academy" paliwanag nya sakin.

"Teka may susuotin ka na ba? Kung ako kasi ay meron akong mga damit na natabi sakin dahil lagi namang may biglaang party dito" tanong nya sakin kaya napaisip ako. Kinalkal ko sa isip ko kung may mga damit nga ba kong nadala para sa ganitong klaseng event.

Boy In Luv (TaeKook FF) [ONESHOT]Where stories live. Discover now