[00:00] BOY WITH LUV

175 12 26
                                    

[last part]

dedicated to: Ace_Taegguk090130

third person's pov

"so you're saying that he already know that i'll transfer here even though he's abroad?" tanong ni taehyung habang umiinom ng soda.

mabilis na tumango si hoseok na busy naman sa pag-aayos ng sandwich sa plato nito. nautusan ito ni jungkook na gawan ng merienda si taehyung na sinunod naman nito.

"yes, tae. matagal ka na nyang hinahanap at matagal na rin nyang alam kung saan kayo nakatira ng parents mo. sya lang yung takot na lapitan ka dahil alam nyang hindi mo sya naaalala." sabi ni hoseok saka nilagay ang plato sa harap ni taehyung.

umupo sya sa upuang nasa harapan ni taehyung at pinanood ang bawat emosyon sa mukha nito. "so he's hurting for so long? ngayon ko lang sya ulit naalala. huling pagkikita namin ay nung mga bata pa kami.." bulong nya kaya tumango si hoseok.

"oo, matagal ka na nyang hinihintay, tae. kita mo naman, kahit sobrang sikat nya dito ay di sya pumatol sa kahit na sino, kasi ikaw lang talaga." sabi pa ni hoseok.

"naaalala mo yung letter na may lyrics na nakuha mo sa book na kinuha mo sa library?" tanong ni hoseok na tinanguan ni taehyung. "si jungkook ang naglagay nun." sabi ni hoseok na kinagulat ni taehyung.

"ano? pano nya nalamang yun yung aklat na kailangan ko?" tanong ni taehyung sa nagtatakang tono. bahagyang tumawa si hoseok nung may maalala. "he told us to searched and gather everything about you. nakuha pa naming tanungin yung mga profs mo, maski block mates mo." sabi ni hoseok.

"mabuti nga at di na sila nagreklamo o nakiusisa pa nung nagtanung-tanong kami. natakot yata sa aura ni suga hyung." natatawang sabi ni hoseok. "sino bang di kakabahan kapag tinitigan na ng nakasimangot na suga hyung?" tanong ni taehyung

"si jungkook." sagot ni hoseok habang nakakibit balikat. "okay, back to the story. nung nalaman namin yung partikular na aklat na hinahanap mo o maari mong hanapin ay sinabi namin yun kay jungkook. nung araw na na-meet mo sya, kababalik lang nya galing abroad at sa library agad sya dumiretso para ilagay yung letter na yun." paliwanag ni hoseok.

"kaya naabutan ko sya dun?" tanong ni taehyung. "oo, yung part na nakatulog sya, totoo yun. pagod na kasi sa biyahe tas sayo pa yung diretso. matigas ang ulo, eh." sabi ni hoseok na kinangiti ni taehyung.

Boy In Luv (TaeKook FF) [ONESHOT]Where stories live. Discover now