《00》BOY IN LUV

616 19 5
                                    

Kim Taehyung's POV

Kahit kelan mula pagkabata ko ay di pa'ko nagkagusto sa kahit na sino. Ramdam kong di ako straight pero di ako kailan man nagkaroon ng relasyon sa isang lalaki maski sa babae. Para bang naka-reserve ang puso ko sa isang tao at titibok lang rin sa isang tao. Masyadong kakaiba pero iyon ang nararamdaman ko.

Ramdam ko rin na may malaking kulang sa pagkatao ko. Bagay na di ko alam kung saan ko hahanapin at kung kailan ko mabubuo. Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung may nalampasan o kinalimutang parte ba'ko ng buhay ko pero mukhang wala naman.

Natatandaan ko naman lahat ng detalye at bawat parte ng buhay ko. Sabi nina Mom ay nagkaroon ako ng amnesia at alam kong bumalik na lahat ng alaala ko pero bakit parang kulang pa rin?

"Taehyung!!!" Nakangiti kong nilingon ang tumawag sakin. Pero agad ding nabura iyon nung makita ko ang kasuotan nya. Lumapit sya sakin habang hinahabol ang hininga nya samantalang ako ay nakatitig pa rin sa anyo nya.

"Bakit... bakit ganyan ang suot mo? Parang aalis ka?" Tanong ko sa kanya kaya umangat ang tingin nya sakin. Huminga sya ng malalim bago hawakan ang magkabilang balikat ko. Para syang may gustong sabihin pero di nya alam kung san sisimulan. Nanatili akong tahimik at tiningnan lang sya.

"I'm sorry.." bulong nya bago napayuko. Umatras ako dahil alam kong di ko magugustuhan ang sasabihin nya. Bumitaw naman sya sakin kaya tumalikod ako at tiningnan na lamang ang mga puno at halaman sa paligid.

"Taehyung, please listen to me--"

"Bakit di mo na lang ako diretsuhin?" Tanong ko bago sya lingunin. Napangiti sya ng mapait habang pilit na pinipigilan ang sarili nyang luha.

"Di na tayo magkikita pang muli. Lilipat na kami ng bahay, pati school ay lilipat ako. Nagalit ako kina Mom nung una pero pinaintindi nila sakin ang dahilan. Kailangan naming bantayan ang main branch ng kumpanya namin. Taehyung, ayokong iwan ka. Ayokong umalis pero---"

"Okay lang.." nanlalaki ang mga matang tiningnan nya ko. Namumuo na ang luha sa mga mata nya. Ngumiti ako bago hawakan ang pisngi nya.

Sino, alin, ano ba ang kulang sakin? Kailan ko ito mabubuo? Sana malapit na dahil di ko magagawang sumaya o tumawa ng totoo hangga't ramdam ko ang pagkukulang sa pagkatao ko.

Boy In Luv (TaeKook FF) [ONESHOT]Where stories live. Discover now