xi. bangungot

15 0 0
                                        


binibisita mo ako sa aking pagtulog,
at tila hindi ako makahinga.
dahil sa aking bawat panaginip
ay ikaw pa rin ang nakikita.

nakarehistro ang iyong mukha
sa aking alaala.
at ang 'yong boses ay umaalingawngaw
sa aking mga tainga,
na tila nagsasabing
wala akong karapatang maging masaya.

katahimikan ang namutawi sa ating dalawa,
dahil iyon ang aking hiniling sa ating huling pagkikita.
ngunit bakit sa iyong paglisan ay mas lumakas ang pandinig?
bakit ako nakakaramdam ng takot sa iyong mga tinig?

A Snippet of SolaceWhere stories live. Discover now