Kumain ba ako kaninang tanghali?

Nakita ko ang pag-angat ng kaniyang kaliwang kilay habang nakatitig sa akin pagkatapos ay nagpakawala nang mabigat na hininga. "Iyon lang, sige na makakaalis ka na," aniya.

Yumuko naman ako ulit bilang paggalang saka lumabas ng silid. Sumilip ako sa pwesto ng mga kaibigan ko at isinenyas na bibili lang ako sa labas. They both rolled their eyes with annoyance flashed through their faces. Tamad silang tumango sa akin at tuluyan ko na silang tinalikuran para umalis.

Ilang minuto ang lumipas at nakahanap na nga ako ng magtititinda ng turon. Muli naman akong nakaramdam ng liyo kaya mariin akong pumikit at namahinga. Mabuti na lamang at nakuha sa pahinga ang pagkatapilok ko noon kung hindi ay siguradong putol na ang aking paa ngayon dahil sa paglalakad sa tuwing may inuutos siya.

"Kailangan ko na rin sigurong magmeryenda," bulong ko sa hangin bago ako lumapit sa tindera.

Tulad ng gusto ni Achetbir ay pinili ko iyong babagong luto, bumili rin ako ng para sa akin bago ulit naglakad pabalik sa kumpanya. Hindi ko alam kung bakit nitong nakaraan ay napapadalas ang aking pagkaliyo, ganoon na rin ang aking pag-ihi, at pagiging antukin. Naisip ko rin na epekto siguro ito ng gamot na inilagay sa akin ni Doktora noong nakaraan kaya ipinagkibit-balikat ko na lamang ang lahat.

Halos labing limang minuto rin ang lumipas bago ako nakabalik sa loob ng opisina ni Achetbir. Magtatatlong araw na ring hindi napapadpad si Patriza rito sa kumpanya dahil sa isang photoshoot nito sa labas ng bansa. I am lowkey thankful because of it. Dahil kahit papaano isa lamang ang nagpapahirap sa aking sa pagbili ng kung anu-ano.

Tahimik kong inilapag sa tabi ni Achetbir ang pinabili niyang turon. Inilagay ko 'yon sa isang platito at nilagyan ng tinidor pati na rin isang munting kutsilyo. Tiningnan niya naman iyon bago bumalik sa inaasikasong papeles. 

"Ikaw na ang kumain niyan," usal niya.

Natigilan ako sa aking pagkakatayo. "Po?" pagpapaulit ko.

He stopped doing his thing and took a deep breath before giving me a cold glare. "Sabi ko ikaw na ang kumain niyan, nawala na ang gutom ko," walang emosyong paliwanag niya.

Gustuhin ko mang ipakita sa kaniya ang pagkaasar ko ay pilit ko iyong itinago. Wala na akong nagawa kung hindi ang kuhanin muli ang pagkain at yumukod bilang paggalang. Hamit na hamit na umalis dahil baka kung ano na lamang ang masabi ko sa inis.

"May kailangan pa po ba kayo?" iniwasan kong magtunog sarkastiko 'yon ngunit talagang kumakawala ang pagkainis sa aking sistema.

He raised his left eyebrow at me and leaned on his swivel chair. "Ibibigay mo ba ang hihingiin ko?" naroon ang mapaglarong tinig sa kanyang tanong.

I secretly gritted my teeth. Pinaglalaruan na naman ako ng isang ito.

"Kung kaya ko po."

He smirked and continued to focus on his work. "You can now leave," aniya.

Mabilis ko namang sinunod ang kaniyang utos dahil baka hindi ko mapigilan ang aking sarili na irapan siya at pagtarayan.

"Oh, bakit dala mo iyan?" puna ni Serah.

I gave out a deep breath and sat on my chair. "Tinopak ang depungal at sa akin nalang ipinapakain," tugon ko.

Napangiwi naman siya dahil doon. "Kung hindi lang siya tigre ay iisipin kong gusto ka lang niya talagang pakainin kaso imposible iyon," aniya.

Natawa ako nang mahina sa kaniyang sinabi. "Imposible."

Itinabi ko ang ibang papeles upang hindi marumihan nang kakainin ko. Hinati ko ang turon at tinusok ang maliit na parte at saka ko iyon astang isusubo, ngunit mabilis ko iyong nabitiwan kasabay nang pagtakip ko sa aking bibig.

Hiding The Billionaire's Heir (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ