I can't blame her, kahit sinong babae ay mamamangha sa kagwapuhan ng lalakeng ito.

Umupo si Kale sa isang bakanteng table at doon inilapag ang tray niya na may pagkain kaya umupo naman ako sa harapan niya. Nakita ko na naman ang naiirita niyang ekspresyon dahil sa ginagawa kong pagsunod sa kanya.

"Can you just leave?" Sabi niya sa naiirita niyang ekspresyon.

Umiling naman ako. "I just want to be closer with you. Mukha kasing wala ka pang kakilala dito since you're a transferee student kaya-"

Nagulat nalang ako nang biglang hampasin ni Kale ng malakas ang table dahilan para mapatingin sa amin ang iilang estudyanteng nasa Cafeteria rin.

"I don't want anyone else who keeps bothering me. I don't want you in my sight." May diin niyang sabi at pagkatapos ay padabog siyang tumayo at iniwan ang pagkain niya sa table.

Nang makaalis na si Kale sa Cafeteria ay nagsimula nang magbulong-bulungan ang mga estudyanteng nakakita sa eksena na nangyari sa amin.

"Gosh! Ang gandang babae tapos naghahabol doon sa gwapong transferee student?"

"Kapag maganda talaga ay gagawin ang lahat para lang akitin ang mga gwapong lalake dito sa Southern Academy."

"Si Ash nga binasted niya, e. Baka strategy niya lang 'yan para dumami ang mga lalake niya."

"Kung ako ang nilalapitan ni Bliss ay baka kaagad na akong sumuko sa kanya at dadalhin ko siya sa lugar na kami lang ang nandoon,"

"Me too, dude. Nakakainggit naman 'yung transferee na 'yon. May isang pretty hot chick na lumalapit-lapit sa kanya,"

Pinigilan kong huwag maiyak sa mga sinasabi nila patungkol sa akin. They don't know me at wala silang karapatang husgahan kaagad ako.

Nakita ko naman na papasok sa Cafeteria si Ash kasama ang mga kaibigan niyang sina Kevin at Loen. Kaagad niya akong nakita kaya kinawayan niya ako at naglakad siya papalapit sa akin.

Kaagad umiwas ng tingin ang mga estudyanteng pinag-uusapan ako nang makita nila sila Ash at bumalik na sila sa kanilang mga ginagawa.

They are afraid with Ash dahil alam nilang makapangyarihan ang pamilya nito. His father is a Governor in our town. Hindi siya pumapasok sa Northwest Academy dahil mas gusto niya raw na makasama ako sa iisang school.

"Bliss, you're here. Kanina pa kita hinahanap at mabuti na nandito ka. Kumain ka na ba? I'll buy you food." Ash asked while he's smiling at me saka ito umupo sa tabi ko habang sina Kevin at Loen naman ay nginitian ako. I smiled them back.

"Yeah, kumain na ako sa bahay. How about you?" Tanong ko.

"I'm done, too." Bigla ay tumingin siya sa suot niyang relo.

"May 30 minutes pa bago ang klase. Do you want to go somewhere else? Pwede naman tayong lumabas muna dito sa school at mamasyal." Tanong niya.

Umiling naman ako. "Hindi na. Dito lang muna siguro ako."

"Nice one, Bliss! Alam mo bang kanina pa parang badtrip 'tong si Ash? Pero nung makita ka niya ngayon ay bigla na lang nagbago ang mood niya. Malakas talaga ang tama nito sa'yo!" Natatawang sabi ni Kevin na sinang-ayunan naman ni Loen.

Humarap naman ako kay Ash na nagkamot nalang ng ulo dahil sa sinabi ni Kevin.

"Bakit ka naman badtrip? May nangyari bang masama?" Tanong ko.

"Well, uh.. Si Dad kasi, nahuli niyang tinakas ko 'yung motor ko kagabi kaya pinagalitan niya ako at pinatago 'yung motor ko sa mga assistant niya." He confessed.

Obsessed KaleDonde viven las historias. Descúbrelo ahora