24

154 7 6
                                    

Leigh's P.O.V

"Bakit mo nga ba nagustuhan 'yung lalaking 'yun?anong meron sakaniya?eh mas gwapo pa ako dun." Proud na proud sa sarili na sabi ni seiko.

Tss.

"Di ko rin alam,basta ang alam ko nung first day palang gusto ko na siya alam mo 'yung feeling na parang matagal na kayong magkakilala ganon." Nakayukong pageexplain ko.

"Marupok spotted hahaha-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil binatukan ko siya dahilan para umiling iling siya.

Tss,marupok spotted pala ha.

"Ba't nananakit?"

"Nananakit karin eh."

"Parang tanga"

"Ansabi mo?"

"Sabi ko ganda mo!haba ng hair mo" natawa ako sa sinabi niya dahilan para hampasin ko ang braso niya,agad naman akong nagsorry ng makita ko siyang umiling.

"Nanakit ka na huh, pagkatapos mo ivaccum laman ng wallet ko hahampasin mo lang ako?pft." Halatang inis na sabi niya dahilan para matawa ako.

Agad naman niya akong sinamaan ng tingin. "Gaga ka boang!"

Nawala ang tawa ko dahil sa sinabi nya, boang daw ako?

"Eh kung sampalin ko kaya utak mo punyeta ka?" Naiinis na sabi ko habang nakatingin sakaniya.

Mas lalo akong nainis ng makita ko sa mukha niya ang pagtataka.

Bobo talaga hayst..

"Nasasampal ba ang utak?" Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.

"Tanga talaga ang tanga!" Pangiinis na sabi ko.

"Ako pa naging tanga! Ikaw ang tanga! Hindi naman nasasampal ang utak! Palibhasa wala ka kasing utak." Naiinid na sabi niya habang kinakamot ang ulo kahit hindi naman makati.

Tapon ko 'toh sa payatas eh.

Sasagot pa sana ako pero may biglang ibang nagsalita...nawala ako sa mood ng marinig ko ang boses na iyon.

"Ingay."

Si aedrian....

"Pft. Anak ni satanas spotted." Pangungulit ni seiko habang nakatingin kay aedrian. Hindi ko tinanggal ang tingin ko sa lapag.

Ayokong makita ang pagmumukha niya dahil baka ano ang masabi ko, ayokong gumawa ng eksena.

Tumayo ako at hinila si seiko, naging dahilan yun ng pagtataka niya.

Tanginang baboy 'toh! Ang hirap hilain!

"Shutaka! Baboy ka ba ang bigat bigat mo hihilain ka na nga lang!" Paninigaw ko habang nakatingin sakaniya.

Nasa likod niya si aedrian kaya sa mismong mata si seiko ako tumingin.

"Pft! Hindi ako baboy sadyang payatot kalang! Kulang sa aruga! Sampalin ko lungs mo eh. Ganda ganda ng abs ko tapos tatawagin mo'kong baboy!" Parang batang naiinis na sabi niya dahilan para kumunot ang noo ko.

Tss kulang raw ako sa aruga.

Medyo slight.

"Gago! Makisama ka nalang sampalin ko utak mo eh ng liparin sa mars sayang naman kasi eh, walang kwenta utak mo! Alam mong babae ako tapos magpapabigat ka!"

"Magsampalan nalang kayo." Biglang singit ni aedrian pero hindi yun naging dahilan ng pag tingin ko sakaniya.

E P A L

"If you don't have anything na matino to say, can you just leave? Ang epal mo eh, sampalin ko dila mo eh." JUSKO MARIYA ANG SEIKO NAGING CONYO NG SAGLIT!

Natawa ako pero pinigilan ko dahil mukhang seryoso si seiko. Pero shutakels! hahahah lumabas ang pag ka conyo ni tanga.

Nagulat ako ng bigla kaming nagpalit ng posisyon, siya naman ang humihila saakin ngayon.

Hindi na ako nagpabigat kasi kahit anong gawin ko, hindi naman talaga ako mabigat!

Nung makalayo na kami dun sa garapatang epal bumitaw ako sa pagkakahawak niya at tyaka inilabas ang tawa ko na kanina ko pa gustong ilabas.

Nakita ko sa mukha niya ang pagtataka kaya mas natawa ako.

"Utak mo may ubo?ba't ka ba tumatawa?!" Naiinis na tanong niya saken kaya mas natawa ako.

Para kasi siyang tanga sa itsura niya.

"HAHAHAHAH nyeeee If you don't have anything na matino to say can you just tahimik na lang? Your face and boses kasi is so nakakainis eh HAHAHAHAHHAHAHA!!!" Tawang tawa na pang gagaya ko sakaniya kaya mas kumunot ang noo niya.

"Di ako nainform conyo ka pala!" Dugtong ko.

"Pft, shut up." Sa sobrang inis niya ay nauna siyang naglakad kaya hinabol ko siya.

"Can you bili me egg waffles?" Pangaasar ko sakaniya.

HAHAHAHAH pag ito napikon mwhehehe panalo nanaman ako.

"What the fuck leigh?!" Halatang inis na sabi niya.

Mas natuwa ako ng makita ko ang inis sa mukha niya kaya hindi ko siya tinigilan.

"Dali na kasi I want egg waffles eh."

"Tigilan mo'ko baka ikaw ang gawin kong egg waffles." Nagulat ako sa sinabi niya kaya nanahimik nalang ako hehe.

Sige ikaw na panalo.

Ayoko maging egg waffles 'noh! Dami ko pang pangarap!

Isa na dun ay ang malaman ang totoo..

Feeling ko kasi may tinatago ang mga tao sa paligid ko.

___________________________________

Nyeee bulaga! HAHAHA bitinin ko muna kayo, bukas na ulittt

Sorry pala sobrang tagal ko ng di nag update medyo busy lang ang ate niyo ghorl.

Happy 2k reads!!🥺 mahal ko kayong lahat! Thank you sobra!😙

Follow niyokooo sa tiktok and ig hehe.

ADVANCE MERRY CHRISTMAS PALA!

ig: tamaracara_
Tiktok: tamaracaranvm

Babawi ako promise!

Made For Two (ON-GOING)Where stories live. Discover now