11

104 7 0
                                    

Leigh's P.O.V

Monday nanaman tsk!

Mas tinatamad akong pumasok ngayon dahil hindi na si Sir aedrian ang teacher namin sa International Relations,tsk tatamarin nanaman akong makinig!

Habang nagbibihis may nagtext!

May himalaaaa!

Chineck ko kaagad kung sino ang nagtext dahil minsan lang naman may nagtetext saakin dahil hindi rin ako palabigay ng number ko,at isa pa hindu naman ako araw araw nag cecellphone.

I don't like using my phones especially when I'm studying,I don't want anything to dusturb me.

*New Message*
From:09123456789
Goodmorning,I'm on my way to my law firm. Eat your breakfast beforebyou leave your condo and be good In class. I would still have my eyes on you even though I'm not In school. I love you.

Number lang 'yung nagtext pero alam ko na agad kung sino dahil sa typings at sa word na 'law firm' It's obviously Aedrian's text message.

Agad kong nireplayan 'yun dahil nagtaka ako,hindi ko naman naibigay kahit kailan ang number ko sakan'ya.

To:Aedrian
Uhmm..excuse me bit how tf did u get my no.?

'Yan ang nireply ko,habang nagaantay ng reply n'ya tinignan ko muna kung sino 'yung Isang nagchat.

From:Alipin ko
Gising na baby,ay joke baka mabatukan mo nanaman ako. Anyways,see you sa school hehe libre mo ako ha?ilang beses na kitang nalibre pero never mo akong nilibre. Kapal ka sis?!

Si kenzo 'yan,at hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa sa message n'ya.

Ang aga aga tinawag akong makapal,s'ya na nga 'tong nagpapalibre ako pa ang tinawag na makapal.

Ihampas ko sakan'ya 'tong tsinelas ko na mas makapal pa sa mukha n'ya.

From: Aedrian
I kind of uhmm..Pinakialaman ko phone mo just to look for your number.

Sabi n'ya dahilan para mainis at magulat ako!

SANA HINDI N'YA NAKITA ANG GALLERY KO!

To: Aedrian
Did my prof just searched my phone without my permission?What kind of prof,lawyer,and boyfriend are you?!Number lang ba hinanap mo?! Binuksan mo ba gallery ko?!putcha!

Kinakabahan na sabi ko.

Hindi n'ya pwedeng makita ang gallery ko dahil puro pabebe pics ko 'yun pero ayos lang,maganda parin naman ako do'n duh!

Hindi ko na hinintay ang reply n'ya dahil kailangan ko ng pumasok dahil may kailangan pa akong suyuin.

None other than,Shaya Marisse Bolivar.

Tumigil ako sa pagdadrive sa Isang Milktea shop,may fries,shawarma,at siomai rin. Naisipan kong bumili dahil favorite namin 'tong lima. Madadaan ko sa pagkain ang mga 'yun dahil ganon naman lagi ang sistema.

Food Is the key for forgiveness.

Bumili ako ng 8 na Milktea dahil hindi kasya saamin ang lima. Bumili din ako ng anim na large bff fries with 5 large gravy at maraming ketchup. Next na binili ko ay ang shawarma,bumili ako ng 5 dahil sakto na saamin 'yun.

After ko bumili ng ipanliligaw ko,ay este ipangsusuyo ko sa mga kaibigan ko ay dumiretso na ako sa school.

Pagdating ko sa school mukha akong Patay guts sa dami ng dala ko.

Pagdating ko sa room pinatinginan ako ng lahat,nakita kong napalunok si seiko dahil sa nakita n'yang mga dala ko. Si laurel naman ay hindi maialis ang tingin sa dala ko. Si shaya ay ganon din.

Syempre Si kenzong makapal nasa harap kona at nanghihingi!

Punyemas!

"Goodmorningg,hehe masarap 'yan?penge ako." Akala mong di nakatikim ng dala kong sabi n'ya.

"Kapal mong gago ka,para saating lima toh ipangsusuyo ko sa tatlo tsk! Tabi mamaya kana." Naiinis na sabi ko at tinabig s'ya.

Lumapit ako kila seiko,shaya,at Laurel at agad naman silang nagseryoso at tumingin saakin.

"Seiko..Shaya..Laurel.. guys sorry sa nagawa ko at sa nasabi ko. Masyado lang talagang masakit ang ulo ko noon at naapektuhan no'n ang paguugali at pananalita ko. Kaya I'm so sorry. I bought these food for the five of us."  Seryosong sabi ko,pero nagtaka ako ng tumawa silang tatlo.

Anong nakakatawa!?

"Tsk tsk tsk,kahit kailan uto uto ka talaga! hahahaha" sabi n'ya kaya nakatikim s'ya ng isang malutong na batok galing saakin.

"Aray!"

"Anong nakakatawa?!anong uto uto?!" Naiirita na sigaw ko.

"Girl,hindi talaga kami galit sayo at naiintindihan ka namin,nagkunware kaming nagtatampo dahil alam naming bibili ka ng pagkain!" Pageexplain ni shaya habang nakangiti.

"Ay ang kakapal" nagkakamot batok na sabi ko.

"Ayy uto uto" natatawang pangaasar ni laurel.

"Tss. Tama na nga,kumain nalang tayo habang maaga pa." Sabi ko at sabay sabay na kaming nagchibog.

Nagtawanan at nagdebate kami habang kumakain katulad ng dati.

"Mhm..Btw,alam n'yo na ba na nagresign daw si sir Aedrian?" Sabi ni shaya habang kumakain dahilan para malungkot ako,agad naman akong tinignan ni kenzo at parang nagets ang pag iba ko ng mukha.

"Oh?bakit daw?" Tanong ni seiko.

"Gusto daw bumalik sa sarili n'yang law firm,ayon sa chismis ata na narinig ko." Pageexplain ni laurel.

"Hayaan n'yo na 'yun." Sabi ni kenzo at nag agree naman lahat tyaka kami nagsimulang kumain ulit.

'Yun nga ba talaga ang dahilan?

Hindi ko mapigilang hindi magover think lalo't na hindi na kami araw araw magkikita.

Sana nga wala ng ibang dahilan.

______________________________

End of chapter 11

Sorry medyo maiksi hehe,hahabaan ko sa mga next chapters promise.

Salamat sa pagbabasa!

We are almost on 200 reads!

Made For Two (ON-GOING)Where stories live. Discover now