02

257 12 8
                                    

Leigh's P.O.V

"ARAY KO!" Malakas na sigaw ko dahil isang malakas na batok din ang natanggap ko galing kay laurel.

Sakit shuta,mas masakit pa sa break up.

"Tanga,tinuturo ka ni sir. Introduce yourself raw. Kanina ka pa nakatulala nakakahiya ka hoy!" Pabulong na sabi ni laurel,kaya tumingin agad ako kay sir na seryosong nakatingin sakin,napangiwi nalang ako.

Natulala ako,ang gwapo kasi ano na sir baka naman,ehe.

"Uhm..s-sorry for that sir." Sabi ko sabay tayo agad. Jusko me is so nakakahiya first day na first day leigh!

"No problem. Introduce yourself. Now." Seryosong sabi ni sir habang nakatingin parin sakin. Nagpilit naman ako ng ngiti,pero feeling ko nagmukhang ngiwi yun imbes na ngiti. JUSKO!

"I-I'm Leigh Cohen, I like yo-- ay mali. I like reading b-books. Yun lang sir." Sabi ko sabay kamot sa batok. Ngumiti naman si sir,kaya umupo na ako. Pero pinatayo ulit ako. ANOBAYAN!

"B-bakit po sir?"

"Can you tell me why you chose political science as your course?" Tanong n'ya na ikinagulat ko. Shuta 'di ako ready sir. Pero sasagutin ko para sayo. Ehe!!!

Lande mo self ha,behave!

"Ahh..I chose political science as my pre law course actually,I chose polsci since I want to be a lawyer,and based on what I hear polsci is the best pre law course to take. Based on my own knowledge as well,Polsci would give me so much advantage whenever I would proceed to law school." Sobrang confident na sagot ko na mas nagpangiti kay sir.

SIR WAG KANG NGUMITI NATUTUNAW AKO.

ANG GWAPO KASI LALO PAG NGUMINGITI.

nakakarupok yung ngiti,eneberyen.

"I like your confidence ms. Cohen" sabi ni sir habang nakangiti na nagpakilig saakin.

SIR BA'T CONFIDENCE KO LANG LIKE MO?!DAPAT AKO DIN LIKE MO.

Pag upo ko isang batok nanaman ang natanggap ko galing kay laurel.

"Bobo mo" pabulong na sabi n'ya kaya sinamaan ko s'ya ng tingin.

"Kanina ka pa batok ng batok ah,ayaw mo na bang masikatan ng araw?" Nananakot na sabi ko na ikinagulat n'ya. "Mamaya ka sakin paglabas ng room,'di lang dalawang batok makukuha mo." Sabi ko at dumiretso ng tingin.

Or should I say bumalik yung tingin ko kay sir?HAHAH.

"Okay,now kilala ko na kayong lahat. Today is our first day at mabait naman ako,kaya hmm.. I won't discuss muna. Pero I would like all of you to write an essay more about yourself and why polsci. I want 550 words." Nakangiting sabi ni sir sabay tingin sakin,kaya naginit pisngi ko.

Gago sir,pinapatay mo'ko.

Pero nagulat ako sa 550 words,'di ako ready!

Tumingin ako kila laurel,seiko,shaya,at kenzo. Seryosong seryoso silang nagsusulat sa yellow pad ng essay nila. Habang ako 'di parin kumukuha ng yellow paper dahil tinatamad ako! At wala ako sa mood para magsulat ng essay.

First day na first day essay agad,kainis! Pasalamat ka talaga sir at gwapo ka kung hindi nako. Kanina pa ako nag rant dito. Charot.

"Ms. Cohen?ba't di ka pa nagstastart?" Seryosong sabi ni sir kaya napa buntong hininga nalang ako.

"Sabi ko nga magsisimula na ako sir eh." Sabi ko habang kumukuha ng yellow pad. Pagkakuha ko ng yellow pad tinignan ko si sir na nakatingin saakin habang nakangiti.

Made For Two (ON-GOING)Where stories live. Discover now