14

104 7 7
                                    

Leigh's P.O.V

"That's all for today's class. Please do pass your essays tomorrow 1:00 since I would be your first subject at 1:00 pa ang pasok n'yo." Sabi ni Ms. Leuk.

Natapos na ang klase pero wala parin si kenzo.

Since uwian naman na,nagligpit na ako ng gamit para umuwi na sana pero niyaya ako nila seiko.

Hindi ko naman sila matiis.

"Pakipot pa eh,libre kita milktea tara na!" Si seiko. Ngumiti naman ako bilang pagsagot.

Iba talaga manuyo 'tong si seiko,mapapa oo ka agad.

"Ay sorry,hindi ako pwedeng sumama hehe mag kikita kami ng bebe ko." Si shaya.

"Ay oh,may bebe ka?" Nangaasar na tanong ko.

"Hay nako Leigh,wag 'yan ang hamunin mo. Nakabingwit kami ng boylalu sa ateneo hahahah..kaya hindi din ako pwede so..kayo nalang!" Sabi ni Laurel sabay hila kay shaya palabas.

"Tss. Alam mo ba 'yun?" Naiinis na sabi ko.

"Hayaan mo na sila,tara na!" Sabi ni seiko sabay akbay saakin inakbayan ko rin naman s'ya.

Notoissue.

Ganito na talaga si seiko,napaka clingy pero ayos lang ganito naman na kami since highschool.

Naglalakad na kami ngayon paputa sa parking ng school habang nagbibiruan.

Namiss ko 'yung ganito,kulitan with seiko panget.

"Ba't ang panget mo?" Pangaasar ko sakan'ya habang naka akbay parin kami sa isa't isa.

"Ba't ang nega mo?" Pangaasar n'ya pabalik.

"Tss. Gago! Dalawang milktea ha!birthday ko bukas." Sabi ko.

"Kapal mo ah,pero dahil love kita sige." Sabi n'ya habang nakangiti tyaka kami dumiretso ng sakay sa kotse n'ya.

Nasa front seat ako,nagkakabit ako ng seatbelt habang nakangiti pero may biglang nagtext.

*New message*
From:Aedrian
Ba't hindi ka sumasagot sa texts ko?are u with that kenzo.

Hindi ko s'ya sinagot dahil wala ako sa mood sumagot sa mga texts n'ya.

Pagdating namin ni seiko hinila ko kaagad s'ya sa Isang karaoke room yung kaming dalawa lang at walang makakarinig sa boses namin.

Naghulog kami ng coins sa karaoke tyaka kami kumanta kanta.

"SANA ALL MAY JOWA!" Sigaw ni seiko,mukhang natamaan na ng alak toh.

Umorder kasi kami ng alak at pulutan.

"Sabi sayo ako nalang jowain mong lasing ka eh." Pangaasar ko.

"Manahimik ka ha,baka halikan kita dyan. Tyaka isa pa di ako lasing noh." Nakangising sabi n'ya dahilan para manahimik na ako.

After namin magkwentuhan,uminom,kumain, at kumanta ay lumabas na kami dun sa karaoke thingy.

Papunta kami ngayon sa milktea shop para bumili.

"Okinawa,large,with extra pearls." Sabi ni seiko saakin habang nakaturo sa mukha ko.

"ALAM NA ALAM!HEHE"

Ang galing kasi,alam na alam n'ya 'yung lagi kong inoorder.

After namin umorder ng milktea akala ko uuwi na kami pero hinila n'ya ako sa  Penshoppe.

Made For Two (ON-GOING)Where stories live. Discover now