4

17 0 0
                                    

..

Tahimik akong dumating sa school. Si nanay na ulit ang naghahatid sa akin pagkatapos noon. Hindi siya ang naghahatid sa akin ng mga nakalipas na buwan dahil sa nangyari. Tatay was the one who picks me up and fetches me to school.

Hindi dahil sa nadagdagan ang 'ban' ni nanay kundi dahil sa usapan nila ni tatay. Hindi pa din nya matanggap ang nagawa niya. She was feeling guilty even if my father tried everything to console her. Sinisisi pa din ang sarili sa pagpapadala sa galit.

"Bye, pumpkin." My mother kissed me on my both cheeks.

Ngayon ay medyo natutuwa na ako dahil kahit papaano ay muli na akong hinahatid ni nanay. Hindi na nga lang siya nagtatagal hindi katulad ng dati na inaantay niya ako hanggang mag-uwian. Ngayon ay pagkapasok ko ng classroom ay aalis na siya.

I waved her a goodbye before walking towards my classroom. She did a 'flying kiss' and after assuring that I was already inside, in the window, I saw her walk away.

Ganoon palagi ang senaryo tuwing ihahatid ako ni nanay. I don't feel anything about it. Iniisip ko na mas makakabuti 'yon kesa magmukmok si nanay at isipin ng paulit-ulit ang insidente.

Pumunta ako sa locker sa likurang bahagi ng room tsaka ko hinubad ang sapatos at nagpalit ng indoor sandals. May mga nakakasabay akong kaklase na pareho din ang ginagawa.

The class started promptly. Our teacher turned on the television for us to watch a new character-development movie. Like the usual, my classmates quited down once the movie started.

Hindi pa buong nakakanta ang theme song ay nakilala ko na ang palabas. Napatingin ako sa guro na nakaupo at nakatingin sa klase. When our eyes met, she smiled to me with an earnest gleam. Tumango ito ng bahagya at muli nang binalik ang tingin sa harap.

It was the movie I loved watching! The black-skinned princess! My heart pumped with excitement and glee. Hindi ko maitago ang tuwa lalo pa nang tuluyan nang ipakita ang bida ng palabas.

I heard a few groans infront but I didn't mind it because of pure ecstacy. I've been wanting my classmates to watch this movie. Siguro napanood na ng iba ito dahil isa ito sa mga sikat na palabas para sa mga bata ngunit iba pa rin kung papanoorin namin ito ng magkakasama.

"Teacher, ano pong palabas 'to?"

"Ayan yung palabas tungkol sa maitim na babae. Napanood ko na namin 'yan ng kapatid ko. Hindi namin nagustuhan."

"Oo nga. Ako din. Nilipat nga ni mama kasi ang panget daw ng kwento. Sino kasing magki-kiss sa frog? That's eww!"

"Tsaka ayoko nga na maging maitim kagaya niya. She looks different! Like..."

As if on cue, they looked at me all together. My teacher was astonished and wasn't able to react immediately. Siguro hindi niya inaasahan na ganito ang magiging reaksyon ng klase, katulad ko na nagulat din sa nangyayari.

My heart was desperately pumping now, with the excitement depleting, it got back to pumping for a living. I bowed my head, defending the movie I adore, in my mind.

"Uh..class. M-maganda ang story ng movie. Kaya napili ko kasi, the girl is beautiful inside-out and we have to--"

"Wag na teacher. Iba na lang. Ayaw namin 'yan!" Astrid exclaimed.

Masama ang tingin ng schoolmate na nakiseat-in ngayong araw kasama ng ibang kaklase niya sa kabilang section. Fifteen kami sa klase. Pitong babae at walong lalaki. Pinagsama kami ngayong araw dahil mahuhuli daw ang teacher nila Astrid.

Inismiran ako nito habang patuloy sa pagbibigay komento sa palabas na dapat panonoorin.

"At magki-kiss sya ng frog!? Eww kaya 'yon, diba? Baka magkasakit pa kami." Patuloy na kinukuha ang atensyon at pag-sangayon ng lahat.

Sunken ShipsWhere stories live. Discover now