3

15 0 0
                                    

..

If living is the best choice, I would. Even if it pains me. Even if it kills me. But I sometimes wonder? What difference does it make? Ngayong ngang buhay pa ako ay para na akong pinapatay.

A few weeks before my graduation. Hindi na kami masyadong abala. Wala din kasing masyadong activities at tasks. May ilang pahabol ngunit usually ay panonood ng character development-related movies ang ginagawa namin bago antayin ang hudyat ng simula ng practice.

We spend most of our time at school rehearsing our graduation performances and the graduation ceremony. Medyo magulo noong una dahil nangangapa pa kami.

"Very good, Sarada!" Napapalakpak si teacher pagkatapos 'kong sayawin ang performance ng class namin.

She chose me to represent our class. Actually, we have two performances. Ang isa nga lang ay buong klase na. Tinuro naman lahat sa amin ang sinayaw ko. Sadyang nakuha ko lang agad kaya ako na ang napili.

I have a keen memory. I have a sharp mind. Kaya madalas sa klase ay hindi ako hirap. I was able to be the top of the class. Having this skill helps me in different ways. But I sometimes think if this is actually a gift or some kind of a curse. Mas mahirap kasing kalimutan at mas tumatatak sa utak ko ang mga sinasabi sa akin. Both good and bad.

"Humanda ka sa akin."

I remembered what Ingrid has told me months back. Simula nang magpang-abot ang mga nanay namin, she also started doing things to me.

Hindi ko makakalimutan ang bawat sandali na pinipigilan ko na gumanti. I always have clenched fists. Palagi na akong ganoon simula nang bantaan ako ni Ingrid, and it was like so unsual for me to not do that now.

"Ang galing mo. Nakabisado mo na agad." Ngiting-ngiti ang natutuwang guro.

Binawian ko naman siya ng ngiti. I was beyond happy right now. I can imagine both of my parents infront of the stage, cheering me and taking videos as I dance to the rhythm of a classic song. Pumapalakpak at maligaya.

Hindi ko napigilan ang ngiti at nagtagal pa iyon ng ilang sandali, kahit pa tapos na akong magbow at nagmamando na ang guro na pumilang muli. My smile faded so easily though. Gaya ng mabilis na pagkibot ng labi para sa isang matamis na ngiti ay ganoon din kabilis nawala nang mamataan ang masamang titig ng isang batang babae, kaedad ko, at mukhang katatapos lang din sa pagsayaw.

Gaya ko, Ingrid was the chosen one in her section. She's bright and brilliant. Sabi din naman iyon ng mama niya noon at kapansin-pansin din naman. She's glaring at me like she loaths me at the ends of the earth. Medyo pawis at nakapameywang. Nakataas ang kilay at mataas ang tingin.

Kinagat ko ang labi at dahan-dahan na yumuko. I can't help but to falter. Naaalala ko ang ginawa ng mama niya at ng mga kaibigan nito sa nanay ko. Even if few months had already passed, still the memories of it remains like a fresh wound.

Simula din nang mangyari iyon ay masama na din ang tingin sa akin ng mama niya tuwing makakasalubong ko ng tingin sa umaga.

"Pumila na tayo. Class, form a straight line."

Sumunod na ako at dahil medyo walang height ay nasa may bandang unahan ako. Pumila ang mga kaklase bago inayos ng guro ang pagkakahanay namin dahil may mga katabi kaming ibang klase na nakapila din.

I was busy looking at my teacher infront, listening as she shouts for the others to listen to her. A foot stomped on my foot. Bumaba doon ang tingin ko at nakita kung paano nagdumi ang kaninang puti na rubber shoes.

She smirked before raising a brow. Naghahamon ang tingin ni Ingrid. I feel like she's mocking me without saying anything. Tumingin ako sa harap para hulihin ang mga mata ng teacher ko para humingi ng tulong ngunit parang hindi nagagawi ang tingin nito sa banda ko, kahit pa malapit lang ako.

Sunken ShipsWhere stories live. Discover now