Mahina siyang napamura at nakapamewang na nagiwas ng tingin sa akin. Pati ata ang tingnan ako ay ayaw niya ng gawin. Para bang diring diri siya sa akin. Na tama ang sinabi niyang tinitiis niya lang ako.

"Mahal ko si Sera, kahit naman nung nalaman kong ampon siya hindi nagbago ang tingin ko sa kanya. Naipit lang talaga ako sa sitwasyon..." paliwanag ko.

Hindi siya nagsalita kaya naman nagpatuloy ako. Gusto ko lang malaman niya yung side ko, siya na ang bahala kung maniniwala at tatanggapin niya iyon. Kung hindi, maiintindihan ko. Iintindihin ko.

"Si Kenzo lang ang naisip kong pagdalahan sa bata, at gusto ko talagang umuwi dito...para makita" pagamin ko na pumiyok pa.

Marahan kong pinunasan ang mukha kong napuno ng luha. "Bakit hindi mo sinabi sa akin!? Hindi ba't nagalok ako ng tulong nuon!?" sigaw niya sa akin.

Halos mapaiktad ako dahil sa lakas ng sigaw niya. "Natakot ako..." mahinang sabi ko.

Mas lalong naginit ang aking mga mata. Mas lalong tumulo ang aking mga luha, kay Frank ko lang sasabihin ito. Sa kanya ko lang sasabihin ang totoo kong nararamdaman.

"At inggit na inggit ako kay Sera..." pumiyok na sabi ko. Napasinghap siya.

"Inggit na inggit ako, kasi maraming nagmamahal sa kanya. Pareho lang kami ng naranasan kay Daddy pero maraming nagmamahal sa kanya...sa akin wala" sumbong ko.

Nanginig ang aking kamao kaya naman napahawak ako ng mahigpit sa akinh suot na damit, halos malukot iyon. "Tapos, madadagdagan pa ng anak niya..." pahabol ko.

"Walang kasalanan ang bata!" sigaw niya. Napadaing ako ng haklitin niya ang braso ko, mukhang ubos na ubos na ang pasencya niya.

"Frank, please!" umiiyak na pakiusap ko ng sinubukan niya akong hilahin papunta sa pintuan, papalayasin niya na talaga ako. Itatapon na parang basura.

Dahil sa pagpupumiglas ko ay nahirapan siya. Pagod niya akong binitawan dahilan para mapaupo ako sa sahig.

"Hindi kasalanan ng kapatid at pamangkin ko kung nararamdaman mong walang nagmamahal sayo, Stella! Wala kang karapatang gawin iyon sa kanila" nangiggil na sabi niya at muli akong napatakip sa aking tenga ng may kung ano nanaman siyang ibinato na kaagad tumama sa pader at nabasag.

Bumagsak ang tingin ko sa sahig. "Pagod na ako..." sumbong ko sa kawalan.

Pagod na akong gawin ang lahat wag lang mawalan ng kasama. Wag lang mawala ang mga taong mahal ko. Pagod na akong maging perkpektong anak para lang maging proud si Daddy. Pagod na akong magpakabait para lang mahalin.

"Akala ko, mahal mo ako. Mahal mo lang pala ako dahil may kailangan ka sa akin, kagaya ka din nila...mahal niyo lang ako pag may pakinabang ako" umiiyak na sabi ko, punong puno ng pait.

Paano naman ako sa mga madidilim na parte ng buhay ko? Sino ang magmamahal sa akin sa mga oras na iyon? Stars isn't always shining.

Hindi ko na kinaya kaya naman napahagulgol na ako. "Dapat lang yun kay Sera, tama lang ang ginawa ko!" sigaw ko sa kanya. I did not mean it, nasabi ko lang iyon dahil sa bigat ng aking nararamdaman.

Napatingala ako ng mahigpit na hinawakan ni Frank ang aking panga para maglebel ang aming paningin. Ramdam ko ang gigil niya dahil sa pagkakahawak.

"Dapat lang din sayo ito" madiing sabi niya sa akin at marahas akong binitawan.

"Alfred! Ilabas ang lahat ng gamit ng babaeng ito, wala kang ititira na kahit anong magpapaalala sa akin sa kanya" utos niya dito.

Do Stars Fall? (Sequel #1)Where stories live. Discover now