THE KING'S MOVE PART 5

4 4 0
                                    

Hindi ako sumusugal sa pag-ibig, wala kasi akong pera.

---○-●-○-●---

Biology Class:

4 live earthworms were soaked in 4 different types of liquid and placed in 4 test tubes.

First in beer, second in wine, third in whiskey, and fourth in mineral water.

Next day, teacher shows the result:

First worm in beer, dead!
Second worm in wine, dead!
Third worm in whiskey, dead!
Fourth worm in mineral water, alive and healthy.

Teacher asks her students, "What do we learn from this experience?"

A child responds, "Whoever drinks beer, wine, and whiskey, will not have worms."

---○-●-○-●---

Reporter: Sir, mainterview ko lang po kayo saglit tungkol sa mga kalabaw niyo.

Farmer: Okay, sige po.

Reporter: Saan niyo po sila pinapaliguan?

Farmer: 'Yong itim o yung puti?

Reporter: 'Yong itim po.

Farmer: Ah, sa sapa yung itim.

Reporter: Eh, 'yong puti?

Farmer: Sa sapa rin.

Reporter: (tumaas ang kilay) Ah ganoon po ba. Ano naman po pinapakain niyo sa kalabaw niyo?

Farmer: 'Yong itim o yung puti?

Reporter: 'Yong itim po.

Farmer: Ah, damo.

Reporter: Eh 'yong puti po?

Farmer: Damo rin.

Reporter: (medyo napipikon na) Eh saan niyo naman po sila pinapatulog?

Farmer: 'Yong itim o yung puti?

Reporter: 'Yong itim!

Farmer: Sa ilalim ng puno

Reporter: Eh, 'yong puti???!

Farmer: Sa ilalim din ng puno.

Reporter: ('di na maitago ang inis) Bakit mo pa tinatanong kung itim o puti eh parehas lang naman ang sagot mo?!

Farmer: Ah, kasi 'yong itim na kalabaw sa akin kasi yon.

Reporter: Eh 'yong puti kanino?

Farmer: Sa akin din.

---○-●-○-●---

May nagtext.

Unknown number: Musta na kayo diyan? Eto na new number ng roaming ko. Magpapadala ako sa inyo next week. Pa-loadan mo muna kong 500, wala lang mapaloadan dito. Text back.

Me: Tita Fel kayo po ba 'to?

Unknown number: Oo, musta na? Paloadan mo muna ko.

Me: Kayo pala yan. Kakalibing
lang namin sayo kahapon. May signal sa langit? Ingat. Miss you!

---○-●-○-●---

Nagkaroon ng paligsahan sa kaharian.

Hari: Kung sino man ang makatatawid ng buhay at walang galos sa ginawa kong swimming pool na punong-puno ng piranha, pating at buwaya ay ibibigay ko sa kanya ang anuman na kanyang hilingin. Babae, pera o kahit ano.

Walang nangahas na sumubok hanggang sa ...

Biglang may narinig na tampisaw sa tubig at nakita nila si Juan at sila'y namangha.

Napakabilis na lumalangoy at hindi mahabol-habol ng mga mababangis na hayop sa tubig si Juan hangang sa makatawid sya.

Hari: Dahil sa katapangan mo, humiling ka at ibibigay ko ito kaagad sa iyo.

Juan: (hinihingal na sinabi) Ma-mahal-  mahal... na-na hari! Hayy! Gusto ko lang pong malaman kung sino ang put*ng in*ng tumulak sa akin?!

---○-●-○-●---

Pasyente: Doc, takot po ako sa bunot.

Dentista: Eto, gamot pampatapang ng loob.

Pasyente: (ininom ang gamot)

Dentista: Ano, matapang ka na ba?

Pasyente: Oo, Doc! Kapag may gumalaw ng ngipin ko, basag ang bungo!

---○-●-○-●---

Teacher: Juan, give me a sentence.

Juab: Ma'am is beautiful, isn't she?

Teacher: Very good! Please translate in tagalog.

Juan: Si ma'am ay maganda, hindi naman di ba?

---○-●-○-●---

Girl: Patay na daw girlfriend mo?

Boy: Oo, eh

Girl: Condolence ha?

Boy: Mahirap man pero kelangan kong tanggapin na wala na siya.

Girl: Pwede bang ako na lang pumalit sa kanya?

Boy: Pwede naman, ewan ko lang kung papayag ang punerarya.

King of PunsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon