THE KING'S MOVE PART 1

44 13 44
                                    

Ang pagmamahal ko sa'yo ay parang ulam namin kagabi.

Ubos na!

---○-●-○-●---

Tatay: Anak! Ano itong F sa card mo ha?!

Anak: (Nag-iisip) Tatay, Fasado po ibig sabihin niyan.

Tatay: Ahh... akala ko Ferpect!!

---○-●-○-●---

May nakapagsabi na ba sayo na ang cute mo?

Kung wala pa, eh wala tayong magagawa ganun talaga!!

---○-●-○-●---

Isang bahay may nakasulat na "Ice For Sale".

Bata: Pabili!
Tindera: Ano bibilhin mo?
Bata: Kendi nga po.
Tindera: Wala.
Bata: Coke.
Tindera: Wala!
Bata: Juice.
Tindera: Wala nga! Kita mong "Ice for Sale" yong nakasulat, malamang ice lang tinitinda namin! Tanga mo talaga!

Bata: Ikaw nga yong mas tanga. Kita mong ice lang tinitinda niyo nagtatanong ka pa kung anong bibilhin ko.

---○-●-○-●---

"IYONG-IYO NA AKO!!! IYONG-IYO NA AKO!!!"

-Yan ang sabi ng ngongo pagbaba sa roller coaster.

---○-●-○-●---

Masama magtanim ng galit sa kapwa. Pero mas masamang magtanim ng bata sa 'di mo syota.

---○-●-○-●---

Hindi ako tamad. Hindi ko lang alam kung saan ko ilalaan ang aking kasipagan.

---○-●-○-●---

Anak: Tatay! Andaming lamok!
Tatay: Patayin mo ang ilaw para hindi tayo makita.

(Pagkapatay ng ilaw. Lumitaw ang mga alitaptap)

Anak: Tatay! Bumalik sila! May dalang flashlight!

---○-●-○-●---

Ang lalake kapag nahuhuli sa kalokohan, magpapalusot muna tapos sumusuyo kaagad.

Pero ang babae kapag nahuhuli sa kalokohan, naggagalit-galitan muna tapos mababaliktad.

---○-●-○-●---

"Magiging babaero lang ako kapag dumami ka."

---○-●-○-●---

Boy: Kapag niligawan kita, sasagutin mo ako?

Girl: Oo naman!

Boy: Ayeee:"> anong isasagot mo?

Girl: AYOKO :"> Caps lock oa yan para ramdam mo :)

---○-●-○-●---

Killer: Father mangungumpisal po ako.
Father: Ano ba kasalanan mo?
Killer: Pumatay po ako ng 20 katao.
Father: Bakit?
Killer: Kasi po naniniwala sila sa Diyos. Kayo po ba naniniwala?

King of PunsWhere stories live. Discover now