Prologue

121 8 8
                                    

Maraming nagsasabi na ang swerte ko raw dahil sa libo libong naghulog ng entry nilang ticket para maka pasok sa pinaka prestigious na paaralan ng bansang Pilipinas. Na swerte daw ako dahil makikita ko daw ang limang nilalang na nagagwapohan sa campus na'yon. Like, what the shell dai! Wala akong pake!

Noon palang grade six ako ay pangarap ko na talagang maka pag-aral sa Brilton High University. Balita ko kasi ay maraming nagtapos sa BHU na pagkatos maka graduate ng College ay makakapagtrabaho na agad dahil ang School na mismo ang maghahanap ng trabaho para sayo, mag pasa ka lang ng bio data mo at sila na ang bahala.

Kaya pangarap ko talaga na doon makapagtapos para pagka graduate ko ng college ay may trabaho na kaagad ako. Pero hindi naman kasi basta basta na nakaka graduate ang mga estudyante don. Utak talaga dapat ang puhunan mo para maka graduate at maging succesful sa buhay.

At sa isang iglap ay nagbago ang lahat..

Nang dahil sa raffle draw ay nakapasok ako sa dream school ko!

Akala ko talaga 'yon na ang simula ng maganda kong pangarap, pero don ako nagkakamali.

Kung sana hindi ko nalang nakilala ang limang itlog na'yon, edi sana matiwasay at payapa pa ang buhay estudyamnte ko! Mga animalis talaga sa buhay!

Sinusumpa ko talaga silang lima na maging kuto at pangtitirisin ko!

Lalo na yang si Liwanag na yan! Akala mo kung sino e gwapo lang naman at ang sama sama sama sama pa ng ugali! Sarap niyang ilagay sa sako at ipaanod sa pasig river!

Pakiramdam ko araw araw na nalalagas ang buhok ko dahil sa kunsume ko sa kanilang lima. Silang lima na tinaguriang heartthrobs pero ugaling bully!

Tinatawag silang Cinq Beau. Oh diba ang corny ng tawag sa kanila in French pa yan ha, pero di naman talaga maikakaila na ang gagwapo nila yun nga lang masasama ang ugali pero medyo pwera sa isa.

Nang dahil lang sa pa raffle ay nagbago ang takbo ng buhay ko, meron akong mga naiwan, at meron rin akong mga bagong nakakilala.

Hanggang saan kaya ang kakayanin ko, huwag lang mahulog sa patibong ng asungot na si Liwanag? Hanggang kailan kami magiging magkaribal na magkaaway kung habang tumatagal ay nakikilala ko ang ugaling sakin niya lang pinapakita.

Nagsimula sa magka-away, naging magkaibigan, o mauuwi sa magkaIBIGAN.

______________________________________________________________

DON'T FORGET TO VOTE AND LEAVE A COMMENT MGA BABIESSS!

A/N: Hello guys! Sa mga nagtataka kung bakit nag iba ang flow ng story, at ang name ng mga characters (pwera kina Andy at Bright) ay dahil po sa gusto ko lang, wala kayong pake, char! Joke lang, noong sinulat ko kasi to ay parang minadali lang tapos kulang or bitin yung mga scenes bawat chapter kaya aayosin ko na lang ulit, tapos yung flow ng story mabagal pero yung pagka developan ng ating dalawang bida plus nong isa ay masyadong mabilis. Kaya naisipan kong ayusin masyado kasing jejemon ang pagsulat ko HAHAHA.., Pero sana this time ay maayos na siya at maapreciate niyo! Yun lang naman, good night, MWAH!

- KATKAT

Enemies InloveWhere stories live. Discover now