Chapter 6

65 8 21
                                    

Andrea Asterielle Pedrosa


NAKANGITI akong pumasok sa University at intindihin kung paano ako magkakaroon ng mga bagong kaibigan at ang galingan sa pag-aaral. Hayy, namiss ko tuloy yung mga kaibigan ko sa probinsiya, lalong lalo na si Riley.




Nang tuluyang makarating sa loob ay grabe ang pagkamangha ko dahil ang laki talaga ng school na to at, wow! grabe hindi ako na inform na kailangan magaganda at gwapo pala ang mga estudyante dito!




Shet eng demeng gwepe!




Mukhang gaganahan akong pumasok dito ah, ganyang mga mukha ba naman ang masisilayan mo araw-araw dabah?? Charing!




Grabe naman ang mga nag-aaral dito mayayaman na nga ang gaganda at gwa-




"Waaaaaaaah!"


"Ihhhhhhhhhhh!"


"Huuuumayyyghaddd!"


"Andiyan na sila!"




Oh, may artista ba??
Grabe magsitili mga tao dito parang ngayon lang nakalabas sa kweba!




Sa di kalayuan ay nakita ko ang biglang paghawi ng mga grupo ng estudyante na animoy may dadaan na hari. Dahil may pagkachismosa ako, pumunta ako malapit don kung saan makikita ko kung sinong mga poncio pilato ang tinitilian nila.




Kaya nakipagsiksikan ako sa estudyanteng parang binudbudan ng asin dahil sa kangingisay sa kilig.




Nang mapunta ako malapit sa una ay doon kona nakita ang mga nagagwapohang nilalang na nakita ko. Grabe, para silang mga F4 ang kaso lima sila kaya F5. Ang lalakas ng dating nila.




Doon natuon ang pansin ko sa gitna na naglalakad na naka pamulsa at naka poker face po siya katulad ng katabi niyang may headphone na nakasabit sa leeg, maliban sa mga kasama nilang dalawa na hanggang tenga kung makangiti at makakaway sa mga fans nila.




Yung nasa gitna! Siya yung nakabunggo sakin kanina! Ang lampagak!




"Wahhhh! Bright I lab u!"


"Kyaaahhh! Eli be my boyfriend!"


"Buntisin mo ko Lendon!"


"Barinahin mo ko Savior!"


"Krypton laplapin mo ko!"




Jusko ano ba ang nangyayari sa mga kabataan ngayon?? Buntisin?!Barinahin?! Laplapin?! Mga bata talaga ngayon. tsk. tsk. tsk.




Kaya nagdesisiyon akong umalis na don, dahil pakiramdam ko masisira ang ear drums ko sa kakasigaw nila mga peste!




Mga kagrupo pala ng unggoy na yon, ediwow sila na sikat basta ako maganda padin.




Ngek. Anong connect?




Bago ko pa sila mabato ng sapatos ay tumawag nalang ako kina Kie na andito na'ko sa Univirsity. Kaagad naman nila akong pinuntahan at sinamahang pumunta sa faculty ng Senior High para makuha ang schedule ko at kung anong section ako nabilang.




12 HUMSS-MILTON




Yan ang nakalagay sa nakuha kong schedule. Napanguso naman ako ng bigla nalang nag ring yung bell. May flag ceremony.




Enemies InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon