Chapter 9

57 6 27
                                    

Andrea Asterielle Pedrosa

Masayang kasama ang ate ni Elicopter at saka masarap rin siyang kausap yung tipong hindi kayo nauubusan ng topic, kaya nong oras na para sa first period ngayong hapon ay nanghinayang ako, dahil sa gusto ko pa si ate Els na kausap.

Mag-paampon nalang kaya ako sa kanya? Charot! Baka makurot pa'ko ni mama sa singit, masakit pa naman yon.

Last subject narin naman ngayon kaya ang iba kong kaklase ay hindi na nakikinig kay ma'am. Habang ako nama'y ginagala nalang ang magaganda kong mata sa labas.

May nakikita akong magkakaibigan na nagtatawanan. Magjowang magkasabay na naglalakad, may mga grupo ng mga babae at lalaki, may mga athletes rin na mukhang magpa-practice.

Meron ring demonyong nakatayo sa labas ng classroom namin, kasama ang tatlo niyang alalay. Tsk.

Alam niyo na'yan kung sino 'yan, alangan naman bigyan ko pa kayo ng scientific explanation?

Ay pasenya, pasyenya! Tumataas lang talaga ang altapresyon ko pagnakikita ko ang liwanag na yan! Sarap niyang katayin, ilagay sa sako, at ipaanod sa ilog. Charot!

Napairap nalang ako ng magtama ang tingin namin. Maya maya, sa wakas ay natapos narin ang lecture. Dali dali akong umalis at ng makalabas ay sindya ko pang banggain si Liwanag sa may balikat, para ma feel niya yung galit ko! Err, kagigil!

Ni hindi malang natinag sa pwesto niya ang luko, kaya nagdadabog akong umalis na ng tuluyan.

"Oh, anyare?" Narinig ko pang tanong ni Savior.

Habang binabaybay ang daan papuntang gate, kamalas malasang may humarang sa harapan ko.

Napa-angat ako ng tingin ng makitang tatlong magkakaibang kulay ng sapatos ang suot nila. Muntik pa akong mapanganga dahil sa nakita.

Tatlong babae na magkakaiba ulit ang kulay ng kanilang buhok at 'yon ay pink, blue, at saka green. Pwedi ba 'yan dito?

Mataray akong tiningnan no'ng nasa gitna at tinaasan ba naman ako ng kilay?!

Lakas makataas ng kilay, eh mukha namang peke!

"Ikaw!" Sigaw niya sakin at ghorl! Kita ko yung tinga niya! Eww ha.

"Ako?" Turo ko pa sa sarili.

"Of course! Sino pa ba?!" Sabat naman ni ate mo gurl blue.

"Aba! Malay ko ba kung duling siya!" Sabat ko naman, napaawang naman ang bibig niya at hindi makapaniwalang tiningnan ako.

Ano ba, ako lang to!

"Bitch." Napatingin naman ako sa babaeng nasa gitna, na si ate mo gurl pink.

"Baghak." Balos ko naman este sagot ko rin sa kanya. Kumunot naman ang noo niyang lubak lubak.

"The heck? Whatever! I'm here to say sayo na... Huwag mong malandi landi si bebe Bright kung ayaw mo sa dirty na mud ka pupulutin!"

Napabuntong hininga naman ako sa pinagsasabi niya at dahil narin siguro sa ka-conyohan niya.

"Yeah right! At ang kapal rin ng face mo na make lapit-lapit kay baby Eli ko!" Usal rin ni green ranger at siyempre hindi rin nagpatalo sa blue ranger.

"If you make papansin pa sa mga boys, makikita mo ang hell sa under ng earth!"

Napahilot na lamang ako ng sintido sa mga pinagsasabi ng mga to! Sino ba sila?! Power Puff Girls or Power Rangers!?

"Teka teka! Sino ba kayo'ng mga...crayons?" Nakangiwi kong say este sabi.

"Oh my ghad!" Sabay pa nilang react. Si green na nasa magkabilang tenga nakatakip ang mga kamay. Si blue naman na sa mga mata nakatabon ang kamay, habang si pink naman ay nakatakip ang dalawang kamay sa bibig.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Enemies InloveWhere stories live. Discover now