Chapter 5

57 7 33
                                    

Andrea Asterielle Pedrosa


Nasa labas na'ko ng airport at kitang kita ko ang mga naglalakihang mga buildings, billboards, at magagarang kotse na kaliwat kanan na dumadaan. Mainit at medyo mausok dito hindi katulad samin na fresh air.




Iba pala talaga pag nasa probinsya ka, mas sariwa ang hangin na nalalanghap.




Hawak ko sa kanang kamay ang maleta at nakasuot ng isang backpack na malaki. Hinihintay ko na rin kasi yung susundo sakin at maghahatid sakin sa boarding house, na syempre sponsor ng BHU.




Para akong naligaw na bata dito at palinga linga sa paligid. Suot ng mga tao ngayon dito ay mga pormahang estetik.




Ebaaaa deeen!




Natigil lang ako kakalinga ng may huminto na van sa tapat ko. May lumabas na mamang nakapang driver na suot at naka shades. Pumunta siya sa tapat ko at binaba ang kanyang shades sa bridge ng kanyang ilong.




Jdg@sjsh$shjsv&$skakc




"Ikaw ba si Ms. Andrea Asterielle Pedrosa?" Sabi ni kuya habang ako nama'y gulat parin na naka tingin sa kanya.




Nakatingin ang kanang mata niya sakin pero yung kaliwang mata niya ay nakatingin sa gilid ko.




Napangiwi tuloy ako at napa kamot sa pisnge sabay tango. Ito na yata ang sundo ko. Wew!




"Oki." Yun lang ang sabi niya at bigla nalang kumindat ng nakakaloko!




Luh




Napangiwi naman ako at inayos ang suot na bag sa balikat. Sinuot niya ulit ang kanyang shades at kinuha ang dala dala kong bagahe. Pinagbuksan niya pa'ko ng pintuan, nagpasalamat naman ako at umupo narin.




Malinis at talaga namang maginaw ang loob ng van, kinuha ko na lamang ang aking cellphone at saka earphone at nagpatugtog ng playlist ko. Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako sa gitna ng byahe.




Naalimpunatan ako ng biglang huminto ang van at pumasok sa isang village, napanganga pa ako ng makita ang mga naglalakihang mga bahay ay mali mansion pala. Mga rich nga ang mga nakatira dito, my goodness!




Natigil lang ako ng huminto ang van sa isang bahay na two storey. Lumabas narin ako ng lumabas si kuyang naka shades. Napanganga pa'ko dahil ang ganda! Hindi man siya ganon kalaki katulad ng mga mansion dito ay maganda naman dito at mukhang homey.




"Miss Pedrosa, simula ngayon ito na ang tutuluyan mo. Huwag kang mag-alala dahil malapit lang naman dito yung BHU at saka pweding lakarin." Nakangiting sabi ni kuyang naka shades kaya tumango rin ako at ngumiti.




"Ahh... Thank you po kuya..." Tumaas naman ang isang kilay niya at hinubad ang shades sabay ngiti.




"Coco.. Coco Melon."




Napakurap kurap pa'ko at talagang na shock ang kagandahan ko dahil sa pangalan niya.




"Ahh.. hehe thank you ulit kuya C-coco." Sumaludo pa siya at kumindat na naman kaya napaiwas ako ng tingin at alanganing ngumiti.




Jusme




Nang makaalis na si kuya Coco ay kaagad akong nag doorbell at hindi naman ako nabigo ng biglang bumukas ang gate at lumabas ang isang babae na sa tansya ko ay mas maliit sakin.




Enemies InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon