JC was the son of my mom's friend. Nasa iisang subdivision lang din ang bahay, or mansion rather, nina JC kaya kahit kailan n'ya gustuhin ay nakakadalaw s'ya sa bahay.

Naaalala ko pa noong unang beses na dumalaw sila sa bahay. I was just eleven years old that time habang si JC ay mas matanda ng ilang buwan sa akin. I was still not used with people around me. Nagka-trauma rin kasi ako noon dahil sa nangyari kay Papa. I was scared that the new people I will meet will judge or bully me. Kaya hindi ko sinubukang makipagkaibigan sa iba.

Pero masyadong makulit si JC. 'Yung kulit n'ya pa ay 'yung tipong nakakairita. Palagi s'yang nakasunod sa akin kahit na anong taboy ang gawin ko sa kanya noon. Pero s'ya naman ay panay ang yaya na makipaglaro ako sa kanya.

Isang beses, sa sobrang inis ko sa kakulitan n'ya ay nasaktan ko s'ya. He suddenly pulled my arm while I was sitting alone in our garden. Sa sobrang gulat ko sa ginawa n'ya ay natabig ko ang kamay n'ya pero tinamaan ng kamay ko ang mukha n'ya. He got a black eye because of that.

Pinilit ako ni Mommy na mag-sorry kay JC dahil sa nangyari. Natakot naman ako sa nanay n'ya noon so I said sorry to him, na sinamantala ni JC kaya no'ng nagyaya s'ya sa harapan ni Mommy at ng nanay n'ya na makipaglaro sa akin ay hindi na ako nakatanggi.

Thus, that was the start of our friendship.

"Hi, Tita!" bati ni JC kay Mommy pagkapasok n'ya sa bahay. Mas nauna pa nga s'yang pumasok kaysa sa akin.

"Oh, Johann, ikaw pala," Mom said. Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi n'ya. "Thank you sa palaging paghahatid kay Amara Jean."

"Wala 'yon, Tita," he said and looked at my dad who was watching the news in our living room. "Magandang gabi po, Attorney Abella."

My dad who was so engrossed with the news looked at us. Mukhang ngayon lang napansin ang pagdating namin kahit na malakas ang boses ni JC nang batiin n'ya si Mommy kanina.

"Nandyan na pala kayo," my dad said. I walked to him and kissed him on the cheeks. "Magandang gabi rin, Johann. At sinabi ko nang tawagin mo akong Tito."

JC chuckled. "Saka na 'yan, Attorney. Darating din tayo r'yan."

Pareho silang natawa ni Daddy nang sabihin n'ya iyon. Napailing na lang ako at pumunta ng kusina para tulungan si Mommy sa paghahanda ng dinner namin. Iniwan ko sina Daddy at JC sa living room na alam kong parehong magkakasundo sa ibinabalita ngayon.

"Dito mo na pakainin ng dinner si Johann," my mom said when I entered the kitchen. Naghugas muna ako ng kamay bago tumulong sa kanya.

"Kaya gustong-gusto n'yang nandito, e," I said as I got the plates. "Palagi n'yo kasing pinapakain."

Tumawa si Mommy. "Mabait na bata naman. Buti nga at kinaibigan ka kahit palagi mong inaaway noon."

Napanguso na lang ako. Paano ba naman kasi ay sobrang kulit talaga ni JC noon. Kahit noong naging magkalaro kami, madalas pa rin akong naiinis sa kanya. At 'yung mga laro pa n'ya ay mga hindi ko kaya! Niyaya ba naman akong mag-basketball? One on one pa raw kami! Parang tanga.

"May naiisip ka na ba kung saan mo gustong mag-OJT?" sabi ni Mommy habang patuloy sa pag-aayos sa hapag.

Pinili ko na lang na maupo sa dining table kaysa sa tumulong dahil na-realize ko na nakakagulo lang ako. I waited for my mom to come back to the dining area before I answered her question.

"Wala pa nga po, e," I said. "Iniisip ko kung susubukan ko sa radio o TV stations."

"Ayaw mo sa mga law firm?" tanong ni JC na noon ay pumasok na sa may dining area. Mukhang narinig ang sagot ko at nagka-idea agad sa itinanong ni Mommy. Nakasunod sa likod n'ya si Daddy na pumasok na rin sa dining area.

"Sino'ng may sabing umupo ka d'yan?" I asked when he sat down beside me, ang madalas n'yang inuupuan kapag kumakain s'ya tito. "Hindi pa naman kita niyayang dito mag-dinner."

"Your dad invited me," he simply answered. Iniharap n'ya ang katawan n'ya sa akin habang nakaupo pa rin. "Ayaw mo sa mga law firm?" he asked again.

"Pwede ba 'yon? E, journalism ang course natin."

"Pwede 'yon. We'll say that we're planning to go to law school and it's our pre-law course."

Tumingin ako kay Daddy to get his confirmation. Nakaupo na sa tabi n'ya si Mommy. He nodded his head when he saw me looking at him. Muli akong napatingin kay JC.

"Ano namang gagawin ko r'on? Wala pa nga akong idea about sa law," I said.

"Anong wala? With a lwayer as your father? For all I know, kabisado mo na ang lahat sa Republic Act," JC said. Kinuha n'ya ang kanin at nilagyan ang plato ko. "We can be a secretary. We can help organizing their files for their cases."

I regarded that. Napatango-tango ako. Pwede nga naman iyon. Magkakaroon din kami ng idea kung ano'ng nangyayari sa loob ng law firm.

"Plano kong mag-apply kay Attorney Villaraza," JC said after a while.

"Sino 'yon?" tanong ko habang pinapanood s'ya sa paglalagay ng ulam sa plato ko.

"One of the youngest lawyers this day," it was my dad who answered.

"Imagine?" si JC na halos kumislap na ang mga mata. "Right after he got his liscense, nakatanggap agad s'ya ng kaso. And a murder case!"

"Oh... He's a criminal lawyer?" tanong ko at tumango si JC. Sunod-sunod at mabilis.

"At naipanalo n'ya ang kaso! And in just a year of being a lawyer, dalawang kaso agad ang nahawakan n'ya. And he won both cases!"

Napakamot ako sa pisngi ko. Wala naman kasi akong interest sa kung sino-sino ang mga lawyer ngayon. I have my own goal. Malapit ko nang maabot ang goal ko kaya hindi ko kailangang ma-distract sa ibang mga bagay.

"He has his own firm," tahimik na sabi ni Daddy. He drank his water. "Why don't you apply there as well, Amara Jean?"

"Oo nga!" JC said. Mukhang masayang-masaya s'ya sa idea na iyon. "Doon ka na rin mag-apply, AJ, para magkasama tayo.

I raised an eyebrow at him.

"Feeling mo naman matatanggap ka?" I asked. Agad na nabura ang ngiti sa mga labi ni JC.

"Bakit naman hindi?"

I laughed. A mocking laugh.

"Ikaw na tamad gumawa ng mga assignment kaya nangongopya na lang sa akin? Baka magreklamo ka lang nang magreklamo sa mga trabaho roon."

Naramdaman ko ang pagsipa n'ya sa paa ko sa ilalim ng lamesa. Hindi naman masakit. Paraan n'ya iyon para patigilin ako dahil sinabi ko lang naman iyon sa harapan ng mga magulang ko. Pinandilatan n'ya rin ako ng mga mata pero pinapatuloy ko lang ang pagkain ko.

"Oh? Nangongopya ng assignments si Johann sa 'yo?" tanong ni Daddy. Napansin ko na napatuwid ng upo si JC sa tabi ko.

"Naku, Attorney, nagbibiro—"

"Opo, Dad," putol ko sa sasabihin sana ni JC. Lumabi ako.

JC kicked my foot again. I looked at him. Binelatan ko nga.

"Aba, JC, hindi dapat gan'yan. When you became a lawyer, mas mabigat pa ang mga mararanasan mo kaysa ngayon," my dad said. Tahimik lang si Mommy na napapangiti nang magsimulang pagsabihan ni Daddy si JC.

I continued eating silently. Tahimik ring napapangiti.

Chess Pieces Aftermath: Kylo VillarazaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon