"Maganda? Mas maganda ako, no!"

At marami pa akong mga narinig na hindi na bulong kung tutuusin dahil rinig na rinig naman namin ni Ash ang pinag-uusapan nila.

Lumapit bigla sa akin si Ash at may iniabot siyang isang lunch box.

"I made these foods for you. Nagpatulong na rin ako kay Mom magluto niyan. I hope na magustuhan mo." Nakangiting sabi niya.

Tinignan ko ang laman ng lunch box at nakita ko na puno ito ng sushi

Sushi is one of my favorite food at alam ni Ash iyon dahil sa tuwing niyayaya niya akong kumain sa labas ay sa Sushi House ako parating nagyayayang kumain.

"Wow! Thank you, Ash. May kapalit ba 'to?" Pagbibiro ko.

"Sagutin mo lang ako at ayon lang ang kapalit." Sabi naman niya na ikinatahimik ko.

Tumawa naman siya at umiling.

"I'm just kidding," he said.

Saka lang ako nakahinga ng maluwag dahil sa huli niyang sinabi.

Nang dumating na ang teacher na magtuturo sa amin ay kaagad ko nang itinabi ang lunch box sa bag ko at tinuon na ang atensyon sa teacher namin.

"Good morning class. I'm Ms. Flora De Leon. Your teacher for English class. Since I'd already know all of you ay hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Magsasama tayo sa klase for 1 year at ito na ang huling taon niyo bilang high school student so please cooperate with me."

"Yes, Ma'am." Sagot naming lahat.

"Good. Since it's our first day of class ay may bago tayong transferee student ngayon. He's from Northwest Academy at sana ay maging friendly kayo sa kanya."

Sa sinabi ni Ma'am De Leon ay nagbulong-bulungan naman kaagad ang mga kaklase ko.

Northwest Academy was one of prestigious school in our town. Mga anak mayayaman at galing sa royal family ang nakakapag-aral doon kaya nakakapagtaka lang na may transferee student na lilipat sa paaralan naming nasa middle class lang.

Binuksan ni Ma'am De Leon ang pintuan ng classroom namin at doon ay pumasok ang isang lalakeng matangkad, maputi at may nakaka-intimidate na mga mata.

Napanganga halos lahat ang mga kaklase ko pagkakita sa kanya maging pati na rin ako ay namangha rin sa physical appearance niya.

This guy in front of me is so goddamn handsome. Alam kong gwapo si Ash pero kakaiba ang lalakeng ito.

Halos perpekto na ang itsura niya at wala ka nang ibang maipipintas pa sa kanya but one thing that I noticed was his emotionless eyes. Ni wala akong makitang kahit anong emosyon mula sa mga mata niya.

Nagulat nalang ako nang tumingin siya sa akin at tinitigan ako. His face was emotionless too, dahil sa hindi ko na nakayanan ang pagtitig niya sa akin ay ako na ang unang nagbawi ng tingin.

Hindi ko kayang matitigan ng matagal ang kaniyang mga mata sa hindi ko malamang dahilan.

"Please introduce yourself," Nakangiting sabi ni Ma'am sa lalake.

"I'm Kale Marco." Pagpapakilala ng lalake sa amin.

Even his voice was so handsome, too. He had a deep voice pero bagay iyon sa kanya. Para siyang anghel na ipinadala dito sa lupa idagdag pang napakaamo ng mukha niya.

"Okay, Mr. Marco, please sit down beside Ms. Santiviel." Utos ni Ma'am De Leon at itinuro nito ang bakantang upuan sa kaliwang side ko.

Nag-init naman ang mukha ko at medyo kinilig dahil magkatabi pa pala kami ni Kale sa subject namin. Sana sa ibang subjects ay magkaklase rin kami.

Tumango lang si Kale sa sinabi ni Ma'am De Leon at walang lingon itong umupo sa upuang katabi ko. Hindi na niya ako tinignan pang muli. Saglit namang lumabas si Ma'am De Leon sa classroom namin at sinabi niyang may kukunin pa siya sa Faculty Room.

It's my chance na siguro para kausapin ang transferee student na si Kale.

"Hi, Kale!" Masayang bati ko kay Kale pero hindi niya ako pinansin.

Naglabas lang ito ng libro mula sa bag niya at nag-umpisa na siyang magbasa.

Nakita ko naman ang pagsulyap sa akin ni Ash pero hindi ko iyon pinansin.

"Ako nga pala si Bliss. It's nice to meet you!" Sabi ko at naglahad ng kamay sa kanya pero hindi niya pa rin ako pinapansin.

Aw! Unang araw palang pero basted na kaagad ako sa lalakeng ito.

Hindi ko alam kung ano 'tong ginagawa ko pero ang gusto ko lang ay ang mapalapit sa kanya. Para kasing loner siya at walang kaibigan kaya kung wala ay ako na siguro ang magiging first friend niya o kung papalarin ay baka first girlfriend na rin.

Na love at first sight na ba ako kay Kale? Ang bilis naman yata pero interesado talaga ako sa kanya.

I sighed at nagsalita na ulit.

Hindi pwedeng susuko kaagad ako. Nag-uumpisa palang kami kaya dapat lang ay gagawin ko ang lahat mapansin niya lang ako.

I've never done this in my life. Nasanay ako sa atensyon na nakukuha ko sa mga tao pero iba ang lalakeng ito. Ni hindi niya ako kinakausap o pinapansin man lang.

Mabait naman ako pero bakit dinededma niya lang ako?

"Bakit ka nga pala lumipat sa school namin, Kale? Ang balita ko ay maganda sa school niyo-"

"Can you just shut up?"

Nagulat ako nang bigla siyang magsalita at halatang kanina pa siya naiinis sa akin.

Ngumiti naman ako. "Sorry pero gusto mo bang-"

"Don't talk." May diin niyang sabi kaya wala na akong nagawa kundi ang bumuntong-hininga at napayuko nalang sa kahihiyan.

"Sorry."

Hindi na siyang muling nagsalita pa at itinuon nalang niya ulit ang sarili niya sa pagbabasa ng libro.

"Bliss, are you okay?"

Lumapit naman sa akin si Ash na mukhang nakita ang ginawa sa akin ni Kale.

Tumango ako at ngumiti. "Yes. I'm okay. Why?"

He shook his head. "Mukhang ayaw naman niyang makipagkaibigan sa'yo then why you're pushing yourself to him? Bliss, don't do that again." Concern niyang sabi.

"I think I like him, Ash." Mahina kong sabi dahilan para magulat doon si Ash.

"Y-You like him that fast?" he asked.

I nodded. "Yes, and I will do everything para lang napansin niya ako." Determinado kong sabi.

Hindi na nagsalita pa si Ash sa sinabi ko na tumango nalang at bumalik na sa upuan niya.

Tumingin ulit ako kay Kale na abala pa rin sa pagbabasa ng libro niya.

Watch out Mr. Kale Marco, gagawin ko ang lahat mapansin mo lang ako. Hindi ako susuko sa'yo kahit snob at masungit ka pa sa akin.

You will fall for me sooner or later.

---
#

Obsessed KaleWhere stories live. Discover now