Chapter 4

9.2K 231 4
                                    

Denzo's POV

Tita Jears and tito Allan told me na papuntahin si Lezil sa bahay. I'm just wondering what they will talk about. I went to our room and knocked.

"Bukas 'yan!" I heard Lezil yelled.

I opened the door and saw her facing the left side of our room where she can see our picture on a frame. Sinabihan ko siyang kumain na pero busog daw siya. Halos matawa ako nang marinig kung tumunog ang sikmura niya. 'Yan yung hindi daw gutom. Pinigilan ko na lang ang pagtawa ko at bumaba na pero may naisip akong kalokohan. Narinig ko yabag ng mga paa ni Lezil kaya alam kong bababa na siya at kakain.

"Gotcha!" Pang-gugulat ko sa kanya. Oh! Her expression was so priceless. I just laughed kaya medyo nag-away pa kami. Nagpaalam na ako sa kanya pero bago pa ako maka-alis ay narinig kong may sinabi siya.

"Makakaganti din ako sa'yo balang araw." Bulong niya pero rinig na rinig ko naman.

"I heard that and I'm looking forward to it." Mapanukso kong sabi sa kanya at sinabihan ko na siya about doon sa sinabi nila tita na pupunta siya sa bahay nila.

I'm driving right now. Pupunta ako sa isang shop ngayon. Kanina ko pa tinatawagan si Sandy pero hindi siya sumasagot. Hinayaan ko nalang baka kasi may ginagawa siya at maistorbo ko pa. Pagdating ko sa pupuntahan ko ay may sumalubong sa akin na babae.

"Good morning, sir. What do want, sir?" Tanong sa akin nong babae.

"An engagement ring." Nginitian lang ako noong babae.

"This way, sir." Iginiya niya ako patungo sa kinaroroonan ng mga engagement ring. I saw a different engagement ring. Tinignan ko isa-isa ang mga singsing at masasabi kong magaganda ang mga ito. Dapat nagpasama ako para naman may makatulong sa akin at dapat babae pero kung si Sandy kasi baka hindi na siya masurprise. Sino kaya ang pwede?

"Sir? Do want me to help you? This ring is the most selling here." Pakita niya sa akin sa isang infinity ring.

"Wait, I'll just call someone."

"Okay, sir."

Lumabas muna ako sa shop at nag-hahanap na pwedeng makontact pero wala ako mahanap. Si Lezil... Yes, I want her help for this but I don't have a  number of her. Naka-uwi na kaya siya?

Tinignan ko ang relo ko at mag-iisang oras na ang lumipas noong umalis ako. Siguro naman nasa bahay na 'to. Napagpasyahan ko munang umuwi kaya ngayon ay nagmamaneho na ako. Nang makarating ay pumasok na ako pero wala akong nakitang tao dito sa baba.

Pumanhik ako para tignan siya at nadatnan ko siyang nakayuko at yakap-yakap ang kanyang nakatiklop na tuhod.

"What's wrong?" Tanong ko sa kanya at nilapitan siya. Hindi niya ako sinagot kaya naman ay umupo na ako at tinap ang kanyang likod.

"Masama bang magmahal?" Tanong pero nakyuko pa rin ito at nakayakap sa kanyang tuhod.

"Why? Hindi naman? Why? What's wrong?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"I just love Zander at walang masama doon diba? Aaminin ko na gusto kong makipagbalikan kay Zander pero kasi.." Mas lumala ang pag-iyak niya kaya naman ay todo ako sa pagpapatahan sa kanya." Hindi ko naman ginustong suwayin sina mom at dad pero ito kasi 'yung gusto ng puso ko." Pagpapatuloy niya sa sinabi niya kanina.

"Walang masama sa pagsunod sa ating puso."

"Pero kasi... si Zander. Papahirapan sila nina mom at dad. Pababagsakin daw nila ang kompanya nila. Ayaw ko namang mangyari 'yon sakanya. Ayaw kong sirain 'yung magandang buhay niya ngayon dahil sa pagmamahal ko sakanya. Kaya kong kalimutan siya para sa kapakanan ng kompanya pero kasi... pero kasi mahal ko siya."

Forced Marriage (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon