Chapter 17

8.9K 197 9
                                    

Lezil's POV

"Imagine, I've been here for more than a month." Nag-iimpake ngayon si manang. Naiiyak tuloy ako dahil sa ginagawa niya.

"Manang mag-iingat ka po doon."

"Don't worry, iha. I'll still come back." Uuwi ngayon si manang sa kung saan siya nakatira. Higit isang buwan na rin magbuhat noong nagtrabaho siya rito. Tinuring ko na rin siyang pamilya.

"You promise manang?"

"Yeah, don't cry. I'll come back in just two days. You're crying! It's just two days, okay?" Nasanay na rin ako sa pagsasalita ni manang ng english. Mas magaling pa yata siyang mag-english kaysa sa akin.

"Sige na po manang, mukhang uulan. Baka mamaya hindi kayo maka-uwi niyan." Hinatid ko si manang sa labas.

"Tell Denzo about this. Don't worry,I'll be back in two days." Niyakap ko na lang si manang. Mamimiss ko 'yung pagsasalita niya ng english.

"Babalik ka pa talaga manang dahil tuturuan mo akong magluto ng pancake." Ngumiti ako kay manang at pinunasan ang luhang pumatak.

"You're being OA. Stop crying." Tumigil na nga ako sa pag-iyak. OA na ba talaga ako dahil doon? Mamimiss ko lang talaga kasi si manang. Napamahal na rin kasi ako sa kanya dahil parang lola na rin ang tingin ko sa kanya. Hindi naman matanda si manang pero para siyang lola kung kumilos at parang itinuring na niya akong apo niya.

"Stop na nga manang. Don't call me OA again. Mamimiss lang talaga kita." Kumalas na ako sa yakap at nagpaalam na ng tuluyan dahil dumating na 'yung susundo sa kanya.

Napansin kong makulimlim ang langit. Mukhang uulan pa yata ngayon. Pumasok na ako sa loob at muling tinignan ang plato kung saan nilalagay ni manang ang kanyang nagagawang pancake pero wala itong laman. Naubos na kasi naming kainin kanina.

Nanood na lang ako ng palabas pero hindi na horror movie kundi yung mga nakatatawa na. Sunod kong pinanood ay hindi pamilyar sa akin na palabas. Sinubukan ko na lang itong panoorin. Hindi ko inaasahan na hindi magkakatuluyan 'yung guy at girl doon sa palabas kaya grabe 'yung iyak ko. Ako 'yung nasasaktan para doon sa babae kasi mahal pa pala no'ng guy 'yung ex niya. Binalikan no'ng guy 'yung ex niya dahil narealize niyang mahal niya pa pala ito.Naiwan namang luhaan 'yung babae. Pati ako naiiyak na rin pakiramdam ko ako 'yung babae sa palabas.

Ilang oras din ang ginugol ko sa panonood ng mga palabas. Nagutom ako kaya naman ay naghanap ako ng pwedeng kainin sa kusina pero wala akong nahanap. Parang gusto kong kumain ng pancake pero hindi ako marunong magluto. Wala rin si manang dito.

Kinokontact ko si Mathew pero ayaw niyang sagutin. Sa kanya nalang sana ako magpapatulong pero hindi niya nga sinasagot yung mga tawag ko. Gusto ko mang abalahin si Denzo pero hindi ko rin ginawa. Alam kong busy na tao 'yon. Masyadong workaholic kaya 'wag na lang. Nahihiya na rin ako dahil marami na rin akong nirequest sa kanya na lutuin na pagkain.

Mukhang kailangan kong magsikap. Bakit pa kasi hindi ako naturuan ni manang kung paano gumawa ng pancake? Pumunta akong kusina at may nakitang flour. Inilagay ko ito sa mangkok. Hindi ko na alam kung anong susunod na gagawin.

Nilagyan ko na lang ng asukal yung flour pagkatapos ay tubig. Pinag-halo-halo ko ito hanggang sa medyo lumapot. Siguro tama 'tong ginagawa ko kasi 'di ba matamis yung pancake kaya nilagyan ko na lang ng asukal.

Niready ko na rin 'yung kawali pagkatapos ay nilagyan ng konting oil. Nang binuhos ko na 'yung pinaghalong asukal, tubig at flour ay biglang may tumalsik sa kamay ko. Pinatay ko muna 'yung stove. Tinignan 'yung parte na natalsikan ng langis. Iniwan ko na lang sa kusina 'yung ginagawa ko at hindi na pinagpatuloy ito. Hindi ko talaga alam kung ano 'yubg procedure ng pagluluto. Nilagyan ko pa ng langus kaya ayon, natalsikan ako.

Forced Marriage (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon