PROLOGUE

24K 321 9
                                    

This story is a work of fiction. Names, characters, places, and events are either fictitious or the products of the author's imagination. Any resemblance to real persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this book may be reproduced, distributed, transmitted in any form or by any means without prior permission of the author.





































"You may now kiss the bride." The priest declared.

Unti-unting itinaas ni Denzo ang belong kulay puti na suot-suot ni Lezil. Walang pag-aalinlangang hinalikan nito ang dalaga.

It's just a light and fast kiss, a peck one.

Nagsipalakpakan ang mga taong nagsidaluhan sa simbahan sa pag-iisang dibdib ni Denzo Husion Ledigal at Lezil Hera Hodger.

Nag-iisang anak si Lezil kung kaya't ipinakasal ito kay Denzo na nag-iisang anak din ng mga magulang nito.

Isa sa mga plano ng kanilang mga magulang ang ipakasal ang kanilang kaisa-isang mga anak.

Tanging si Lezil lamang ang magmamana sa kompanyang minamanage ng kanyang mga magulang, ganoon din si Denzo.

Matagal ng pinagkasunduan ito ng kanilang mga magulang ngunit wala silang kaalam-alam dito.

Pinatawag ang mga pamilya ng mag-asawa dahil kukunan sila ng litrato.

Mapapansin sa mga ito ang ngiting nangangalugan ng kasiyahan. Ngunit mas kapansin-pansin sa mag-kabiyak ang pilit na ngiti. Ipinapakita sa mga taong kunwari'y sila ay nasisiyahan sa nangyayari.

Ang 'di alam ng karamihan ay mauuwi sa isa ring agreement ang kanila sanang magiging honeymoon.

Nakaupo sa kama si Denzo habang hawak-hawak ang kanyang cellphone. May mga ngiti sa kanyang labi. Ngiting tanging si Sandy lamang ang makagagawa.

Si Sandy ang kasalukuyang girlfriend ni Denzo. She knew about Lezil and Denzo's wedding but it's okay to her as long as Denzo loves her.

Si Lezil naman ay kalalabas lamang ng banyo. Napatingin sa kanyang direksyon si Denzo.

"Do you think na maakit ako sa'yo? Kahit maghubad kapa sa harapan ko, hinding-hindi kita gagalawin." Sabi ni Denzo kay Lezil na bagong labas ng banyo at tanging ang puting tuwalya lang ang suot.

"Huh? Akala mo naman inaakit kita? Akala mo ba nasisiyahan ako sa mga nangyayari? Nakipag-break lang naman ako sa boyfriend ko these past few days dahil sa letseng kasalan na 'to."

"Ako din naman ah, napilitan lang. My parents will disown me if I won't follow them." Halatang iritang-irita na si Denzo sa pakikipag-usap kay Lezil. Ibinalik na lang ang atensyon sa hawak na cellphone.

"Don't worry, mag-asawa lang naman tayo sa papel. Hinding-hindi din ako ma-iinlove sa isang katulad mo." Sabi ni Lezil habang nagpapahid na ng lotion sa katawan.

Napahinto sa pagta-type si Denzo at napatingin sa dalaga.

"Then let's make a deal."

Napahinto na rin si Lezil sa pagpapahid ng lotion at kunot-noong humarap kay Denzo.

"A deal?"

"Yes, a deal." Sagot ni Denzo sa tanong ni Lezil.

"What deal?" Tanong ni Lezil habang nakakunot pa rin ang noong nakatingin kay Denzo.

"Total wala namang may gusto sa kasalang ito, let's make a deal. You said na nakipag-break ka sa boyfriend mo? Why not be his girlfriend again? I'll help you with that and you'll help me with Sandy, too." Nakataas ang kilay na sabi ni Denzo.

"Sandy? Who's she?" Tanong ni Lezil. Mababakas sa kanyang mukha ang kuryusidad.

"Why so curious? Well, Sandy is my current girlfriend. She knew this, our marriage. But I love her so much and she loves me too. Kaya hindi ako nakipagbreak sa kanya kasi alam ko naman na maghihiwalay tayo. I'll make ways for us to be together." Tinutukoy nito ay si Sandy.

"Deal."

"That's good." Nangiting sabi ni Denzo sa pagsang-ayon ni Lezil.

"What's the plan?" Tanong ni Lezil.

"Plan? Actually, I already had a plan. Plano ko sanang mag-propose kay Sandy, 2 months from now. We've been together for 1 year. Why not marry her already. 'Di naman na tayo mga bata kaya help me on the preparation."

"You love her that much, huh? Okay then, I'll help you with that."













Author's Chicka

Super duper daming error. For now, hindi ko muna maeedit and tinatamad din ang chickadorang author niyo.

Forced Marriage (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon