"Gusto mo ng kape?" tanong ko sa kanya pagkababa ko ng hagdan. Tapos na akong mag shower at nakapagbihis na din.

Tumango siya habang nakatuon pa din ang mata sa laptop. "Yes, please" sagot niya sa akin na kaagad kong tinanguan.

Bago dumiretso sa may kitchen ay nakita ko pa ang mga nagkalat niyang documento sa may center table. Para nanaman iyong dinaanan ng bagyo.

Habang naghihintay sa may harap ng coffee maker ay napatulala nanaman ako. Nabalitaan kong ikinasal na si Sera kay Kenzo Herrer. Civil ang wedding at inti.ate lang ang celebration. Ang pinagtataka ko ay kung bakit hindi alam nina Mommy at Daddy. Bakit hindi niya sinabi sa amin?

"Ito na ang kape po, may gusto kang kainin sa dinner?" tanong ko sa kanya matapos kong ilapag ang isang tasa ng kape sa kanyang harapan.

"Ikaw na ang bahala" sagot niya sa akin.

Sandali akong napatitig sa kanya. Halos malukot ang mukha niya dahil sa pagkakakunot ng kanyang noo. Kung nakamamatay lang ang matalim na titig ay baka kanina pa pumutok ang kanyang laptop.

Hinawakan mo siya sa balikat kaya naman tumigil siya sa pagtipa. Tiningala niya ako, punong puno ng pagtatanong ang kanyang mukha. Marahan akong ngumiti sa kanya.

"Relax, kaya mo yan" pagpapalakas ko ng loob niya at humalik pa sa kanyang pisngi.

Nang humiwalay ako sa kanya ay duon ko nakita ang unti unting pagpungay ng kanyang mga mata. Ang kaninang tensed sa kanyang mukha ay unti unting nawala.

"Magluluto lang ako ng dinner. Kumain ka ng madami para mas makapagtrabaho ka ng maayos" nakangiting sabi ko sa kanya.

Hindi ko na hinintay pang magsalita siya. Mabilis akong tumalikod at nagpunta sa kitchen para makapaghanda at makapagluto. Naisip kong sinigang na lang ang iluto para sa kanya, gusto din naman niya iyon at mas maganda kung makakahigop siya ng mainit na sabaw.

Sa kalagitnaan ng aking pagluluto ay nagulat ako ng maramdaman ko ang bigla niyang pagyakap sa aking likuran. Para siyang bata kung makayakap. Kaagad niyang ipinatong ang baba sa aking balikat. Napangiti ako, alam kong mahirap para sa kanya ang aming pwesto dahil sa kanyang tangkad.

"Thank you..." marahang sabi niya sa akin. Inabot pa niya ang pisngi ko para halikan.

Nilingon ko siya at nginitian. "Para saan?"

Napatitig siya sa akin at nagtaas ng kilay. "For being here" sagot niya sa akin.

Napaawang ang labi ko. Ako dapat ang magsabi sa kanya nuon. Ako ang thankful na nandito siya sa tabi ko, na kasama ko siya.

"I'll always be here for you, Frank" paninigurado ko sa kanya.

Dahil sa aking sinabi ay mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

Kahit papaano ay umayos ang mood ni Frank pagkatapos naming kumain ng dinner. Pinauna niya akong matulog dahil baka gabihin daw siya, imbes na umakyat ay duon ako humiga sa kabilang sofa para may kasama siya. Tahimik akong nagbabasa mg libro, gusto ko siyang samahan. Gusto kong iparamdam sa kanya na may kasama siya.

Iyon kasi ang gusto kong maramdaman. Na palagi akong may kasama. Sa sobrang takot kong magisa nuon, ginagawa ko ang lahat para hindi iwanan ng mga taong nasa paligid ko.

Sa kalagitnaan ng pagbabasa ng libro ay hindi ko na namalayang unti unti na akong kinain ng antok. Nagising na lamang ako kinaumagahan na nakahiga pa din sa may sofa.

Do Stars Fall? (Sequel #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن