[ Chapter 13 ]- Space

38 5 0
                                    

Ashel POV ~

Alas dose na ng tanghali ng magising ako. Wala din naman kaseng pasok kase nga Linggo ngayon.

Pumunta ako ng CR at para maghilamos ng makita ko ang mukha ko sa salamin na parang namatayan.

Sobrang maga ng mga mata ko.

Tinignan ko muna ito at naghilamos nadin at nag toothbrush na.

Hindi muna ako lumabas ng kwarto. Wala din naman kasing tao bukod saakin kase sila Mommy ay nagpunta kung saan kasama si Daddy. Si kuya naman may date ata

So eto ako Home Alone! Kaya kinuha ko nalang ang laptop ko, nag log-in sa fb.

Nakita ko na may mga nag comment and like dun sa pinost ko kagabi. At dahil na curious ako tinignan ko yun.

Nakita ko na nag comment si Paolo sabi nya "Best ano yan ha? May problema ka? Sino ba yan para maupakan ko!"- yan yung comment nya.

"Bakit kaya mo bang upakan ang sarili mo?"- na-type ko yan pero binura ko din. Ayoko munang pansinin sya. Iiwas nalang ako, Malay nyo naman hndi pa talaga ako sigurado sa nararamdaman ko sakanya.

Nilike ko na lang ang comment nya then, nakita ko ang notification ko. Floodlikes ni Nico Paolo Gutierrez. Nagchat ako sa kanya.

"Oy, ano problema mo?" Pagtatanong ko. Pero deep inside gusto ko talaga. Syempre Ultimate Crush mo nagfloodlikes sa'yo. Jusko po.

"Bakit ayaw mo?"sabi nya. Matagal akong nag-isip ng dapat isagot sakanaya. Pero biglang pumasok sa isip ko may GIRLFRIEND na pala sya. 'Yun lang.

Nagmessage sya sa'kin.

"Oyy ano? Ayaw mo ba??" Sabi nya.

Bigla nag-offline ako. Nanghinayang talaga ako minsan na nga lang mag-online si Paolo. Pero nagsisink-in lagi sa'kin lagi na meron na syang girlfriend.

Dumiretso ako sa baba para kumuha ng mocha cake. Habang kumakain ako naalala ko si  Paolo, sabay namin kinakain ang favorite namin na mocha cake dati. Pero ngayon may kasama na syang iba.

Sus! Jusko, ang drama ko. Biglang dumating sila Mommy at Daddy. Namalengke pala, ang sweet nila kulang na lang langgamin sila. Nagiging bitter na talaga ako.

"Ashel, hindi ka na namin ginising namalengke lang kami ng Daddy mo." Patingintingin pa kay Daddy.

"Okay lang po." Simangot kong sagot.

Gabi na nang nagbukas ako ng fb account ko. Hindi naka online si Paolo, sayang talaga yung pagkakataon. Sinearch ko na lang ang pangalan nya. Tiningnan ko na lang ang picture nya.

Kase nakita ko lang naman  yung Picture nila nung nag celebrate sila ng Monthsary nila. Ang sweet nila tignan.

"Micaelly deserves Paolo but I don't think Paolo deserves Micaelly"- nasabi ko nalang sa sarili ko

"Arghhh Ashel! Ano bang pinag sasabi mo? At sinong akala mong deserving para kay Paolo? Ikaw? Tsss Ashel naman!  mamulat kana nga sa katotohanang BESTFRIEND kalang niya! BESTFRIEND KALANG!"- Nasabi ko ulit sa sarili ko.

Humiga nalang ako at piangmasdan ang kisame hanggang sa makatulog ako.

                          °°°°°°°°°°

Pagbaba ko nakahanda na ang breakfast. Pagkatapos naligo. At dumiretso sa CHU-U

Pagdating ko sa CHU-U nakita ko si Paolo at Micaelly naglalandian. Nainggit ako. Diretso lang ang lakad ko. Ang akala ko babatiin nila ako. Pero hindi, ika nga "Huwag mag-expect ng napakataas."

My Bestfriend My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon