[ Chapter 5 ] - All about that girl

61 6 0
                                    

Ashel POV ~

Nandito kami ngayon ni Paolo sa bahay namin . Binalita kase namin sa mga magulang namin na kame yung napili bilang Muse & Escort para sa 3rd year . Kaya ayun Ang OA nila Mommy at Tita kailangan daw mag celebrate ! Haha

Habang nagluluto si Mommy eh nasa kwarto ko kami ( uyyy wala kaming ginagawang masama ah ) HAHA nandun kase sa Salas yung mga Daddy namin na puro Business yung topic eh Hndi naman kami maka relate . Yung mga mommy naman ayun nasa kitchen nagluluto , gusto ko sana makigulo dun kaso kawawa naman si Pao kung maiiwanang mag-isa kaya sinamahan ko nalang . Haha

Nag kukwentuhan kame dito sa kwarto ko.

"Pao anonga pala yung binulong sayo kanina ni Micaelly? Pansin ko parang kinilig ka ha! Pag-ibig naba yan? Haha"- Tanong ko sakanya

"A-an-ano kase . Wahhhh ayoko nababading na kooooo !"- sya

"Luh? Anong nababading? Babae yun bakit ka mababading ?- naguguluhan kong tanong sakanya

"Eh kase Best kinikilig ako!"- sya

"Tanga! Normal sa lalaki na kiligin ! Palibhasa ngayon lang kinilig eh!"- paliwanag ko sakanya

"Sorry naman"- sya na mukang napahiya HAHA

"Ano ba kse yung sinabi nya sayo?"- pangungulit ko sakanya

"I like you" - sabi nya . Nabigala ako at parang nanigas sa kinauupuan ko

"H--huh ? A-nn-ong sa-sabi m-mo ?" - tanong ko habang nauutal

"Best ? Na-abnormal ka ata ? Diba tinatanong mo kung ano yung binulong nya sakin ? 'I like You' yun yung sabe nya. Haha Best assuming kana ? Haha Hndi kita maguguatuhan no !"- paliwanag nya habang tinatawanan ako

"Huh ? Sinong assuming ? Nabigla lang ako kase may nagkakagusto na sayo ! At lalo namang hindi ako mag  magkakagusto sayo no! Ikaw tong assuming sa ating dalawa eh!"- Depensa ko . Kahit sa totoo eh nag assume talaga ako na ako yung sinabihan nya . Emegassshhh ! Ano tong iniisip ko ?

"Easy lang Ashel Defensive  kana masyado! Haha"- sya

"Ewan ko sayo" - ako

Lalabas na sana ako ng kwarto pero bigla na yung binuksan ni Mommy

"Oh nandyan lang pala kayo . Bumaba na kayo dyan at kakain na"- Mommy

"Yes Tita"- Paolo . Sya lang ang sumagot

At ayun bumaba na kami

Habang kumakain ay naisipan kong ikwento sa lahat na Inlove na ang Bestfriend ko para makaganti sa kahihiyan ko kanina. Haha

"Tito , Tita may sasabihin po ako sainyo"- tawag ko sa parents ni Pao

"Ano yung ashel? kayo na ni Paolo?"- Tito , nabigla ako sa sinabi nya at natigilan

"Ano ka ba Pare! Wag mong minamadali ang mga bata! Haha"- Daddy

"Ayyy sorry pre HAHA"- Tito

"Hoy ! Tumigil nga kayo ! Ah sige Ash ano nga pala ulit yung sasabihin mo?"- Tita

"Hmmm. May nagkakagusto na po kay Paolo!"-proud na sabi ko

"Ano? talaga ? Sino ? Sino ang babaeng unang mabibiktima ng anak ko ?"- Tito , Haha yan eto talaga plano ko eh

"Si Micaelly Madrigal po !"- Agad kong sagot

Tumingin ako kay Paolo at halatang hiyang hiya HAHA

"Micaelly? Sounds Familiar"- Tita

"Yes Tita sya po yung crush ni Paolo simula 1st year."- ako

"Ano nak? Ligawan mo na!"- Tito

"Ano ba naman ba yan Dad? Kumain na nga lang po tayo"- Paolo na muka talagang hiyang hiya

"Tito , Daddy turuan nyo po si Paolo mangligaw ha! Para may pag-asa naman po sya kay Micaelly HAHA"- Ako  , balak ko talaga syang asarin

Natapos na kaming kumain .

Nag kwentuhan muna saglit at pauwi nadin si Paolo at ang pamilya nya.

Hinatid ko sila sa may gate . Syempre no mabait ako eh HAHA

"Ingat po kayo ah, ikaw Pao . Mag ayos kpa para tuluyan nadin ma.fall sayo si Micaelly Haha" - ako

"Tumigil ka na nga Ash!"- Paolo

"Tama na yan . Sige Ash una na kame ha ? salamat sa dinner paki sabi din sa mommy & daddy mo"- Tita sabay Beso saakin

"Sige ingat po kayo :)" Paalam ko sakanila

At ayun sumakay na sila ng kotse , pinaandar yon at tuluyan ng umuwi.

Pumasok nadin ako sa bahay at dumaretso sa kwarto ko.

Hindi maalis sa isip ko kung bakit ako mabigla at ng assume dun sa sinabi kanina ni Paolo

Hmm. Well baka nabigla lang talaga ako na may gusto sakanya ang isang Micaelly Madrigal Ang Certified HeartBreaker ng Buong Chu-U

Next operation: Makilalang maigi ang isang MICAELLY MADRIGAL

My Bestfriend My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon