[ Chapter 12 ] - It can't be!

39 6 0
                                    

Ashel POV ~

Hayyy ambilis ng panahon. Ilang linggo ko nadin tini-test ang sarili ko pero parang ayaw ko na ipagpatuloy.

Kase naman eh. Lahat tama, lahat nararamdaman ko nga.

Sabado nga pala ngayon at wala kaming pasok. Kaso...Kaso

Busy ako !

First MONTHSARY daw kase nila ni Micaelly at Paolo ngayon eh gusto ni Pao na i-surprise daw si Micaelly, Kaya eto ang dakilang Bestfriend nagpapakatanga sa pagtulong sa kalandiang binabalak  nya kahit ang sakit sakit.

oww no! Mali pero ewan ang gulo ng nararamdaman ko,,

Nandito kame sa park ngayon.

oo dito nya balak ipag diwang yung unang buwan na naglalandian I mean nagmamahalan DAW nila.

So ako Punong abala syempre ayos dito ayos doon.

gusto ko mang sunugin lahat ng inaayos namin ngayon hndi ko magawa. kase napag isip isip ko na medyo mahal din kahit paano ang nagastos dito. HAHA

nandito yung parents ni Paolo. Oh diba full support! Kala mo naman ang tagal tagal na nila eh magsyota palang naman, Mag be-break din yan oyy! Woooh dakilang BITTER na ko! HAHA. Nandito din si Ellie! Kasama sya syempre kambal nya yung isu-surprise eh.

Sinabi sakin ni Paolo ang balak nya. Kunyare mamamasyal lang pero gento yung mangyayari. Nag pi-feeling ewan! Kala mo naman patatayuan sya ng statwa ! Well sa pananaw ko lang ha. Parang ang OA Kasi eh diba 1 month palang sila pero gento pa pano pa kaya kung anniversary na. Hayyy naiinggit ako! Haha

So nag set lang kami ng table. Pero grabe ha ang bongga! Pinagkagastusan talaga. Table for two lang tapos mag candle sa gitna tapos pinasabugan ng petals ng red roses.

7 pm na. Eto na nagtext na saakin si Paolo na padating nadaw sila.

So kami naghulasan nadin at nag tago.

Nag arkila pa si Tita ng mag taga violin. Nandun sa parang pinaka entrance yung mamang mag ba-violin. Sabi ni tita sisimulan lang daw nung mama na tumugtog pag nandyan na sila.

So ilang minuto lang narinig na namin ang magandang tugtog. Instrumental lang kaya sobrang nakakadala. A thousand years yung tinugtog ni kuya. Waaahhh grabe lang.

Ng nakaupo na sila ay nag salita si Paolo. Rinig na rinig ko yung mga sinasabi nya. Yung mga sinasabi nyang pangako para kay Micaelly. Na sana hindi ko nalang narinig. Dahil yung mga salitang yun pala ang tuluyang wawasak sa puso ko.

"Micaelly, Happy first monthsary babe! Alam kong sabi mo ayaw no ng surprise pero hndi ko sinunod. Haha Alam mo mahal na mahal kita, Ikaw yung First at True love ko. Ewan ko din eh pero simula nung nakita kita hndi na ko tumingin sa iba pa. Akala ko nga dati hanggang panaginip lang na makakasama kita pero hndi. Totoo ka. Totoo tayo totoong nagmamahalan tayo, Babe sana lang wag mo ko iwan ha? Kase mahal na mahal kita."- Paolo, hinalikan nya si Micaelly sa pisngi sabay bigay nung regalo nya para kay Micaelly.

Hindi ko na nakita kung ano yun dahil nangigilid na ang luha sa mga mata ko.

"Ash, okay ka lang ba?"- tanong saakin ni Ellie

Hndi ko sya sinagot. Tumakbo nalang ako papalayo. Dito ako napadpad sa tabing dagat. Dito lagi kami ni Paolo nanunuod ng sunset eh.

"Ang tanga mo Ashel, ang tanga tanga mo!"- Sabi ko sa sarili ko habang sinasampal sampal ko ang sarili ko

"Pwede naman iba nalang eh! Bakit sya pa? Bakit sa Bestfriend mo pa?!"- hndi ko na talaga napigilan ang sarili. Humagulgol na ko dun

Wala na kong pakeelam, kase isa lang ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Nasasaktan ako, Sobrang nasasaktan ako.

"Ashel"- te-teka boses yun ni Kuya ha, pero bakit nandito sya

Pinunasan ko muna ang luha sa mukha ko sabay humarap sakanya.

"Ku-kuya anong ginagawa mo dito?"- sabi ko sakanya

Umupo sya sa tabihan ko

"Tinawagan ako ni Tita sabi parang nawawala kadaw. So eto si Kuya mo to the rescue."- sabi nya sabay ngiti

Hndi na ko sumagot pero nagulat ako nung bigla nya kong yakapin

"Kuya"- this time umagos nanaman ang luha ko. Hndi ko alam kung dahil sa sakit o dahil kay kuya. Minsan lang kasi kami maging gento eh

"Mahal mo sya no?"- tanong sakin ni kuya habang yakap padin ako

"Opo kuya, pero ang tanga tanga ko! Kuya bakit ganun? Bkit sa dinami dami ng lalaki sya pa? Kuya bakit sa bestfriend ko pa?"- sabi ko

"Ashel walang masama kung nagmamahal. Ayos lang yan natural lang sa tao ang magmahal"- kuya

"Pero kuya may mali"- sagot ko saknya

"Ano naman yun?"- kuya

"Mali yung taong minahal ko. Haha antanga ko no kuya, ako yung mag pumilit kay Paolo para ayusin ang sarili nya at para magustuhan sya ng mga ibang babae. Pero ngayon pati ako nagkagusto sakanya Haha pati ako nahulog sakanya"- Sabi ko yan kay kuya habamg umiiyak padin

"Ayos lang yan. Marami kapang makikilalang lalaki dyan. At saka masyado kapang bata para sa ganyan. Pagdating ng araw makikita mo din yung taong mamahalin ka at hindi ka paiiyakin"- kuya habang hinahagod yung likod ko.

"Eh kuya pano kung sya yun? Pano kung sya yung taong yun?"- tanong ko ulit sakanya

"Hndi natin masasabi yan Ash, Si Lord lang ang may alam nyan"- kuya

Hndi na ako umimiik at umiyak nalang ako sa dibdib ni kuya.

Haha grabe hndi ako makapaniwala. Akalain mong na- inlove alo sa bestfriend ko? Hahaha! Nakakatawa naman yun! Pero sana sa isang tawa ko lang wala na ang sakit. Pero hndi eh, Kung gaano kadali ang ma-inlove, ganon naman kahirap ang mag move-on

Hayyy! Haha antae ko! Andrama! yakkk! Haha grabe Ang OA ko

Kase naman ni hndi nga naging kami nung tao brokenhearted ako ako? Tapos mag mo-move.on ako?  Emegasssshh! Ewwwww Talaga, HAHA

"Kuya uwi na tayo?"- ng mahimasmasan ako eh niyakag ko na si Kuya umuwi.

Um-oo sya, naglakad lang kami para mas masulit namin ang mga oras na magkasama kami.

Nang makauwi na ko sa bahay ay wala sila Mommy at Daddy, so dumaretso nalang ako sa kwarto ko.

Humilata ako sa kama at nag isip isip

"Wahhh totoo ba to? In love ako sa bestfriend ko? Wahhhh! It can't be It can't beeeeeeee!!!"- sinisigaw ko yan ng paulit ulit. Nang mapaos na ko ay

sinusubukan matulog pero 1:00 na ng madaling araw ay hndi padin ako dinadalaw ng antok.

Para pampalipas oras ay nag kinuha ko yung laptop ko, binuksan ko yung facebook ko. Grabe lang kase pag ka log in ko  pambungad yung picture nila Paolo at Micaelly! Mukang ang saya saya nila HAHA

Aaarrrggh! Kainis, binaling ko nalang ang pagkainis ko sa pag status sa Fb ko.

"Yes I'm smiling but deep in side I'm dying"- yan yung ni-post ko

Pagtapos ko yang i-post ay pinatay ko na agad yung laptop. Medyo inantok na kasi ako eh.

Umayos na ko ng higa. "Sana pag gising ko okay na ko, sana pag gising ko wala na yung sakit, sana pag gising ko hndi na ikaw yung mahal ko"

Nasabi ko nalang yan sa sarili bago ipikit ang mata ko para matulog.

My Bestfriend My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon