[ Chapter 10 ] - SADturday

44 6 0
                                    

Ashel POV ~

Sabado na ngayon, mabuburo nanaman ang maganda kong mukha sa pamamahay namin. Hayyy pero ayos nadin to no. Kesa naman makita ko ang pagmumuka nung Lovers na yun. Tssss umay na umay na ko sa dalawang yun PROMISE! Ganun ba talaga pag nagkaka-boyfriend? Dapat laging magkasama? Yakkk! Hmm well Hindi po ako dakilang Bitter ha! Siguro ganto lng pananaw ko sa love-love na yan dahil wala pa kong  experience. Haha :)

Sa totoo lang wala naman talaga kaming Saturdate ng pamilya ko eh. Nagdahilan lang ako kila Paolo para 'wag makasama. Ayoko lang talaga, Ayoko pa kasing mamatay! Gege OA ko na ulit.

10 am palang, nanamnamin ko pa sana ang bawat minuto na pagkakahiga ko sa kama pero binulabog naman ako ng mabait kong kuya!

"Ashelllllllll!!!"- Kuya Lance sabay bukas ng pinto ng kwarto ko.

Ako naman halos mapatalon sa pagkakahiga ng marinig ko ang sigaw ni Kuya.

"Kuya naman! Ano bang problema mo? Makasigaw ka naman oh! Pagka aga-aga pa!"- pasigaw ko ding sabi sakanya. Syempre naman no nakakahiya! Anlakas lakas ng boses nya eh ang aga aga pa, Nakakahiya naman kase no. Baka mamaya nakakabulabog na sya ng kapit bahay! Tsssss

"Hehe sorry naman Ash. Nandyan kase si Paolo sa baba"- kuya, nagkamot sya ng ulo nya . Parang ewan lang.

Pero ng marinig ko ang pangalan nya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang nagtatatalon dahil nandito sya ngayon. parang nag expect ako ng kung ano.

"S-si P-Paolo po kuya?"- Yakk! Ano ba yan? Nauutal ba ko!

"Ow yes princess may kasama nga lang babae. Micaelly daw, Ang ganda nga eh type ko yun!"- kuya sabay ngiti.

Parang gusto ko nalang bumalik sa pagkakatulog ng marinig ko ang pangalan ni Micaelly.

"Tsss, Mas maganda ako dun kuya"- sabi ko ng walang kabuhay buhay.

Bumaba na ko para tignan ang Lovers ng dumalaw sakin.

"O, anong ginagawa nyo dito?"- mataray kong tanong. Ewan ko ba naman parang biglang mag-iba ang ihip ng hangin

"Haha, Taray mo Ashel ha!"- Micaelly na tumawa.

Hutang na loob! Pakialis yung mga hayop este taong maglalandian sa harapan ko!

Ba naman kase nakapulupot pa si Micaelly kay Paolo!

"Ahm. Ash pumunta kame dito-----"- Hndi ko pinatapos si Paolo sa pagsasalita. Napansin ko kasing wala si Ellie eh. Diba sabi nya sasama sya ? Pero nasan sya ngayon?

"Nasan si Ellie?"- nagtataka kong tanong.

"Ahm. Masama kase pakiramdam ni  Ellie kaya sabi ko sakanya magpahinga nalang muna sya sa bahay"- Micaelly sabay ngiti sakin.

"As if naman, sabihin nyo ayaw nyo lang syang kasama"- hndi ko masabi yang ng malakas kaya syempre binulong ko nalang. Hehe

"Ash may binubulong ka?"- Paolo. Seryoso? Napansin nya padin yun?

"Ah wala. O bakit nga pala ulit kayong nandito?"- ako

"Ano.  Wala kasi si Ellie kaya pwede bang ikaw nalang ang sumama sa amin?"- Paolo

Parang gusto kong sumabog dahil sa narinig ko. Tanga na ba tong dalawang to? Pinuntahan pa ko sa bahay para lang samahan sila?

Tae yan! Ano gagawin ko dun? Alalay? Magiging chaperon nila? Mygeshhhhh! Ilibing nyo nalang ako ng buhay!

"Thanks but no thanks! :), akyat na ko ha? Ge alis na kayo,  para naman mag enjoy kayo"- ako

Genyan dapat ang pagpapaalis sa bwisita este bisita pala. Paalisin nyo sa paraang nice para hndi naman mahalatang pinag tatabuyan nyo sila!

Ashel! Pinagsasabe mo! Bad bad! haha. Adk na

Pagkahatid ko sakanila sa may pintuan ay umakyat na ko sa taas at dumaretso sa kwarto ko.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakakita ako ng isang bangkay. Ay mali buhay pa pala to. Nakahiga lang at Pinapakeelamanan pa cellphone ko.

Tumabi ako sakanya sa pagkakahiga.

"Kuya"- Tawag ko sakanya

"Hmmm.?"- sya

"Bakit mo pinapakeelamanan cellphone ko?"- tanong ko sakanya.

"Wala. Naghahanap ako ng magandang kanta kaso wala akong makita, Ano ba naman tong Playlist mo Ashel! Bulok! atsaka Bakit puro pam bestfriend kanta mo dito?"- tanong ni kuya.

Natigilan ako, Hndi ko din kase alam eh, Basta nalang na may nag udyok sakin na nag download  ng ganoong mga kanta.

"Wala kuya. Genyan lang trip kong genre ngayon."- sagot ko nalang. Nakakahiya kase no! Nakita nya yung playlist ko!

"Ashel umamin ka nga saakin. Inlove kaba sa bestfriend mo?"- seryosong tanong ni kuya, gusto kong magpalamon nalang sa lupa dahil hndi ko alam ang isasagot ko

"Kuya!!"- sabi ko sakanya sabay palo

"Haha jk. Lang Ash, sagutin mo nalang pagdating ng tamang panahon"- kuya

Natawa ako dahil naalala ko yung sinabi ni Mamang nagtitinda ng Fishball. Pareho sila ng sinabi ni kuya.

"Kuya, kaibigan lang nya ko"- sabi ko nalang. Ewan gusto kong humagulgol, pero para san pa? Walang magyayari kung iiyak lang. Kaya minabuti ko nalang na pigilan ang mga luha ko

Naiinis ako sa sarili ko. Dahil hndi ko alam kung in-love na nga ba ako sa bestfriend ko.

At dahil nga matalino ako alam ko na ang gagawin ko!

Aalamin ko kung Mahal ko na nga ba sya!.aalamin ko kung in-love na nga ba ako sakanya

Emegassshhh wag naman sana!

My Bestfriend My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon