[ Chapter 11 ] - Symptoms

47 6 0
                                    

Ashel POV~

Lunes na. Meaning may pasok NANAMAN!

Pero okay lang kase ngayon ko na ite-test ang sarili ko.

Nag search nadin ako sa google ng mga symptoms kung inlove ka nga sa isang tao. HAHA

Bright idea no? jk lang.

Dali dali akong kumilos at pumasok sa school, May flag ceremony pa kaseng nalalaman eh! Init init kaya. Kahit sabihing once a week lang at kahit sabihing vitamins pa yan. Palibhasa hndi nila nararamdaman yung nararamdaman ng mga estudyanteng natutusta sa initan eh. Like duh! Kase nasa stage sila at may bubong! Pero kami naka nakababad sa ilalim ng araw!

Nandito na ang mga students sa field. Dito ginagawa yung flag ceremony para DAW kasya lahat ng studyante. Eh heller! Anong silbi nung covered court na pagkalaki lali din? tsss palibhasa malayo yung mga faculty room dun eh.

Ang a-ano mag lakad. Ang a-ano. Ang ta----- Wala jk lang. Hello sa mga teachers ko dyan! HAHA

Ge pinaglalaban ko ba? Ahh yung karapatan ng studyante na hndi dapat ganoong natutusta!

Nandito na ko sa Line namain. Pero wala pa sya.

Hayyy mabuti naman. May panahon pako may ayos ng konti. Hehe

aayusin ko sana ang buhok ko ng biglang may tumawag saakin galing sa likuran ko. Yung boses na yun....

"Ashel" dugdugdugdug biglang bumilis ang puso ko na parang kinabahan o ano.

"A-He-Hello Pao!" Hindi ako makatingin sakanya ng daretso

Humagaddddd ! Nabasa ko to sa mga sintomas na na-search ko!

Una bibilis ang tibok ng puso  mo na parang may nag tatakbuhang na mga kabayo kapag nakita mo sya. Tapos pag kinakausap ka nya nauutal ka. Tapos, tapos Hndi ka makatingin sa mata nya. Waaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh! Hndi ito maari! Bawal bawal!

Ashel kalma! Tatlo palang yang sintomas na yan marami kpang kailangan patunayan para masigurado mong inlove ka na nga sakanya.

Natapos ang Flag ceremony. Daretso na agad ako sa classroom

Si Paolo nandun nanaman sa Girlfriend nya

Si Ellie naman wala pa. Hayyy okay naman sana si Ellie kung hndi lang talaga laging late.

pasalamat sya dahil may meeting NANAMAN ang mga teachers.

Nakaupo ako mag-isa sa labas ng classroom namin ng mabaling ang tingin ko sa may bandang kaliwa. Nandun yung room nila Micaelly. At bigla akong nakakita ng Demonyo e-este mag jowa na nag haharutan NANAMAN.

pumasok muna ako sa loob at kinuha ang isang notebook na nasa bag ko.

Dito sa notebook na to nakasulat yung mga na-search kong symptoms.

1. Bigla kang kakabahan pag nakikita sya. ( chinekan ko dahil tama sya. naramdaaman ko nga)

2. Nauutal ka pag kausap sya (nilagyan ko din ng check kase tama NANAMAN)

3. Hndi makatingin sa mata nya ng daretso (Tama NANAMAN)

Hanubayaaannnnn! Tatlo na agad?

Binasa ko yung number 4

4. Nalulungkot o nasasaktan pag nakita syang may kasamang iba.

Tumingin ako sa may kaliwa ko at pinagmasdan sila.

Tama NANAMAN sya. Nasasaktan nga ako.

Che-chekan ko na sana yung pang apat ng biglang may bumatok sakin.

Punyetaaa! Panira ng moment!

"Aray ko naman Ellie! Aga aga nambabatok ka!"- oo si Ellie nga! wala pa kaming isang taong mag kaibigan pinapakitaan nya agad ako ng pagka amasona nyang babaeng yan!

"Ano Ashel na-miss mo ko? Don't worry bestfriend I Miss you too!"- Ellie sabay beso saakin.

pinunasan ko ang pisngi ko na hinalikan nya

"Yakkk!kadiri ka Ellie. HAHA"- Ako pero totoong na-miss ko to.

Pumasok muna sya sa loob ng room para ibaba ang bag at lumabas ulit. Tumabi sya saakin

"Ashel ano yan? Bakit may notebook kang dala? May test ba? Pahiram nga"- hinatak saakin ni Ellie yung notebook.

Babasahin nya na sana yung nakasulat doon na akala nya ay Lecture ng bigla kong hinila pabalik saakin ang notebook.

"Akina nga yan Ellie! Wala tayong test okay? May sinusulat lang ako."- sinabi ko sakanya. Nakakahiya kase

kahit na sabihing Bestfriend ko tong isang to nakakahiya padin na sabihin sakanya na tine-test ko ang sarili ko kung may gusto ako sa isang tao.

"Anu bang meron dyan? Pabasa naman"- Pangungulit sakin ni Ellie

"Kahit ano nalang basahin mo wag lang to"- seryoso kong sagot sakanya.

Nanahimik nalang kaming dalawa.

Lunch break na. Pero walang dumating na teacher kahit isa. Wow no? Akala ko ba meeting lang yun eh bakit parang iba ang nangyayari?

Hndi ako kumain ng Lunch. Medyo hndi kase ayos ang kundisyon ng puso ko este kundisyon ng katawan ko.

Nag Nap nalang ako sa table ko dahil wala naman akong maka kwentuhan.

1:00 na. Umpisa na ng klase. Hayy salamat may teacher na!

Filipino  yung first subject namin sa hapon.

"Okay class. Sino ang maaring mag kwento saakin nang buod ng storyang Noli Me Tangere?"- Ma'am Mendoza Filipino teacher namin.

At dahil alam ko naman ang storya nun dahil nabasa ko na yon eh tumaas ako ng kamay.

Nakita kong nakataas din ang kamay nila Paolo, Ellie at iba pa naming clasamate

Pero sorry sila dahil ako ang natawag ni Ma'am Haha. Dagdag grade din to ba!

Tumayo ako at naglakad na papuntang unahan. Pero bigla akong nawalan ng malay.

Pagmulat ng mata ko ay nasa clinic na ko. At nakabantay sa tabi ko Paolo.

Bigla akong natuwa dahil pagbukas ng mga mata ko ay isang anghel na katu----- teka! Ang Oa ko nanaman! Oo gwapo sya pero anghel? Emegasshh! Hindi ko matatanggap! Haha

Magsasalita palang sana ako ng biglang may pumasok sa loob ng clinic at nagsalita na agad.

"Ow Hi Ashel! Gising kana pla, So pwede na kaming mauna ni Paolo?"- ang impaktang si Micaelly.

"Babe, pwede bang dito muna ako? Baka kasi kailangan pa ko ni Ash eh"- Paolo

Wait tama ba ang narinig ko? Babe daw? Hahaha! so babe ang endearment nila? Shift ang corny! HAHA gusto kong masuka! parang pambaboy naman kase! Haha laptrip men.

"Hndi na Pao. Sige una na kayo okay lang ako"- sabi ko habang pinipigilan ang tawa

"Sigurado ka Ash? Sige tinawagan ko na naman din sila Tito at Tita papunta nadaw sila para sunduin ka"- mahaba nyng sabi

Tumango nalang ako at umalis na sila.

Hanubayan! Hindi ko man lang natanong kung bakit ako nandito at hindi ko man kang masolo si Pao---- what the! Ano ba tong iniisip ko!!!

Pagkaalis nila ay natawa ako dahil nga dun sa tawagan nila.

Pero ilang sandali lang nakaramdam nanaman ako ng sakit.

Dahil na realize ko na mali ako. Hndi pala sila corny dahil sweet pala sila.

Pagdating nila Mommy ay umuwi na kami. May lagnat pala ako kaya parang wala ako sa mood. Hayyyy ano ba yan.

Pagkauwi sa bahay ay dumaretso nalang ako sa kwarto ko para magpahinga.

Kunuha ko yung notebook ko kung san nakalagay yung mga symptoms kung in love. Binasa ko yung pang lima at binalik na agad yun sa bag ko.

Natulog nalang muna ako para makapag pahinga.

Haaaayyyyyyy Ang hirap

My Bestfriend My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon