Chapter 56- His side.

2.6K 64 11
                                    

Nathaniel's POV



"Nate may visitor ka!" 



Siguro si Trisha na naman yun. Peste naman oh! Ayaw pa ako tigilan ng babaeng yun tsk. Si Trisha Lopez ang soon to be EX girlfriend ko. So ibig sabihin, girlfriend ko pa siya ngayon. Hindi ko kayang makipag break sa kanya kasi hindi ko siya kayang saktan. Naging mabuting kaibigan at girlfriend naman siya sakin eh. HINDI ko siya mahal.. dati lang yun. Si Cassie talaga yung mahal ko simula nung bata pa lang kami.

Noong nasa US ako, unti unting nawawala yung feelings ko kay Cassie. Nung nasa bar ako, doon ko nameet si Trisha. Tapos ayun nalove at first sight ako sa kanya. Naging friends kami hanggang sa niligawan ko siya at naging kami. Pero may gumugulo talaga sa utak ko eh. Iniisip ko kung mahal ko pa ba si Cassie o hindi na. So bumalik ako sa Philippines para malaman ko kung mahal ko pa ba siya. Nung mga panahon na kami ni Trisha, hindi ko sinasabi sa kanila na may girlfriend ako. Syempre may care pa din ako kay Cassie kaya lagi ko siyang kinakamusta. This past few days, i realized na mahal ko pa talaga siya at wala na akong feelings para kay Trisha.



"NATHANIEL! TRISH IS WAITING FOR YOU"  Bigla kong naalala na naghihintay pala siya doon sa baba. Aish ano ba kasing kailangan niya? tss



"Hi yaaam! Let's go to park please? Buy me an ice cream hihi ^.^" Niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko siya matiis kaya sige na nga.


Pumayag ako tapos pumunta na nga kami sa park. Nag bike kami then kumain kami ng street foods. Nung pagabi na, kinuha ko yung blanket tapos humiga kami doon.


Niyakap niya ako. "Yam...." She said. Yam yung tawagan namin pero hindi ko na siya tinatawag ng ganun. You Are Mine yung meaning nun.

Nakasandal yung ulo niya sa braso ko. Paano ba ako makikipag break sa kanya? Paano ko ba sasabihin sa kanya na hindi ko na siya mahal? Hindi ko kayang saktan siya.



"Hmm?"  Tumingin ako sa lake. Kitang kita mo dito yung sunset.


"I love you so much."  Yung boses niya parang bagong gising. Hinigpitan niya pa yung yakap niya sakin.



"Do you love me too?"  Hindi agad ako nakasagot sa kanya. 'Di katulad nung dati, sumasagot agad ako sa kanya.


"Haay nevermind. Basta i don't want to lose you. Please don't leave me. Hindi ko kakayanin pag nawala ka sakin."  Umupo siya tapos unti unti siyang lumalapit sa akin. Nilapit niya yung mukha niya sakin. Nabigla na lang ako nung hinalikan niya ako.



I'm sorry. Namiss ko din siya kaya hindi ko napigilan na hindi siya halikan pabalik. Naramdaman ko sa pisngi ko na may tumulong tubig...? Umupo siya bigla tapos tinago niya yung mukha niya. Narinig ko na umiiyak siya.



Lumapit ako sa kanya. "Hey what's wrong? Tell me."  Inangat ko yung ulo niya. And yes, i was right. She's crying. Nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya.



"Is there something wrong?"  Tanong ko ulit. Pinunasan ko yung mga luha niya.

"M-Mahal mo pa ba talaga a-ako? P-Please don't fool me.."  sabi niya habang umiiyak. Naaawa ako sa kanya.. paano na ba 'to? Fuck.


"I-I don't know."  Dahil sa sinabi ko, mas lalo siyang umiyak. Pumunta ako sa tabi niya at niyakap ko siya.


"Maybe i should give you a s-space."  Sabi niya tapos kinuha niya yung bag niya.


"Where are you going?"  Ano ba 'to argh



"I'll go home."  Sabi niya tapos naglakad na siya. "Wait ihahatid na kita!" Sigaw ko pero hindi niya ako nilingon. Hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.



Siguro tama na din 'to. Okay na din na binigyan niya ako ng space. Niligpit ko na yung blanket.. umuwi na din ako. Dumeretso agad ako sa kwarto ko.


P*ta! Sabi nang ayoko siyang saktan eh! Punyetang buhay to tsk hindi naman pwedeng dalawa ang mahalin ko. Dapat hindi na lang ako bumalik dito eh kaso si Cassie pala. Arrgh tama na nga 'tong pagiisip! Sumasakit na yung ulo ko eh.



Tinext ko muna si Trisha bago ako matulog.

To: Trish

Trish.. i'm sorry. Are you okay now? If you are still awake, please go to sleep now okay? Goodnight sweet dreams.



                                                 Message has been sent.



----------------------

Helloooo~ i hope you'll like this chapter. :) omg may problem na naman!



VOTE

COMMENT

AND

BE

A

FAN!




She's the Cold Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon