Chapter 44

3.1K 80 7
                                    

Sabby's POV

Hanggang ngayon, sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Ang tanga ko kasi eh! Hindi ko naisip na magagalit si Nathan pag nalaman niya yung nangyari kay Zach & Cassie. Unexpectedly, nadulas ako tapos nakatanggap ako ng malakas na sampal from Cassie. Masakit yung pagkasampal niya sakin at napaiyak talaga ako. Hindi ko naman sinasadya eh, nadulas lang yung makulit kong bibig. First time akong sinampal ni Cassie.. naintindihan ko naman kung bakit niya ako sinampal eh. Ako naman talaga yung may kasalanan pag nag away silang dalawa. I deserve her slap at tanggap ko naman yun kahit gaano kasakit pa yung sampal niya sakin.

Ngayon, hinahabol ko si Cassie. Magsosorry ako sa kanya. Dumaan ako sa madaming tao kasi doon siya dumaan pero nawala siya sa paningin ko. Naglakad muna ako kasi pagod na din ako. Then biglang may narinig akong sumigaw.. biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Teka, boses ni Cassie yun ah! Nagmandali akong tumakbo. Hinanap ko kung saan nanggaling yung boses niya. Pag turn ko sa left side, nakita ko si Cassie na nakahiga sa sahig at walang malay. Pinuntahan ko siya agad. Kinabahan ako kasi symptoms yun ng leukemia.

Tinawagan ko agad si tita pati sila Kye. Naiiyak na ako! Natataranta na ako kasi ang tagal nilang dumating.

Maya maya narinig ko si tita na sumisigaw at tumatakbo palapit samin. Umiiyak siya. Sumunod na dumating sila Kye. Dali-dali naming dinala si Cassie sa hospital. Iyak ng iyak si tita Amber habang on the way na kami sa Hospital. Pagdating namin sa hospital, inihiga agad si Cassie sa hospital bed. Sumunod kami sa mga nurses.

Tinanong ni tita yung doctor kung bakit nahimatay si Cassie at kung symptoms ba yun ng luekemia. Habang kinakausap ni tita yung doctor, bumaba muna ako. Doon ako umiyak sa labas. Ako yung may kasalanan kung bakit nahimatay si Cassie eh. Binigyan ko siya ng problema kaya nastress siya. Dahil sa akin, nagalit pa sa kanya si Nathan. Ang boba ko talaga! Nakakainis :(

Nagtext si Zara.. pumunta na daw ako doon sa room ni Cassie. Gising na daw si Cassie eh. Haay thank you po Lord! :') pumunta na ako sa room niya. Nung nasa harap na ako ng pinto, nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba o hindi. Kinakabahan at natatakot kasi ako eh. Baka ayaw na akong makita ni Cassie baka palabasin niya lang ako. Hinawakan ko na yung doorknob..... bahala na kung anong mangyari. Tanggap ko naman na galit siya sakin eh. This is my fault.

"Sabrina, sit here. :)" sabi ni tita tapos tinap niya yung upuan sa tabi niya. Tinignan ko si Cassie, hindi niya ako tinitignan. T.T Nakatingin lang siya sa ceiling.

"Sabi ng doctor, hindi daw symptoms ng leukemia yun. Nadepress lang siya sa nangyari. Ano bang nangyari kanina?" Tanong ni tita. Magsasalita na sana si Kye pero inunahan ko siya.

"Nadulas po kasi ako. Nasabi ko po na "kinasal" sila Cassie & Zach. Eh ang gaga ko po, hindi ko po naisip na kasama pala ni Cassie si Nathan. So ayun nalaman ni Natha then nagalit po siya kay Cassie. Hindi ko po talaga sinasadya na madulas kanina. I'm sorry Cassie.." Nakatingin lang ako kay Cassie habang sinasabi ko yun. Hindi pa rin siya umiimik. Siguro nga galit pa siya sakin until now.

"Ah.. oh sa susunod 'wag ka nang madudulas ah? Be careful next time. Hye, hindi niya pala sinasadya eh. Dont worry hindi naman magagalit ng husto sayo si Kurt eh. Oh siya sige magsiCR muna ako. "  Buti na lang talaga mabait si tita. Hindi pa din nagsasalita si Cassie.

"Ay tita sama po ako. I really have to pee na." -Kye

"Ako din po." -Zara

Lumabas na sila and naiwan kaming dalawa ni bes dito.

"Bes, i'm so sorry. I'm really sorry. I didn't mean to say that. Nadulas lang talaga yung bibig ko. Sorry talaga Cassie ah.. please forgive me. :'("  And then finally, tumingin na din siya sakin. May tumulong luha sa pisngi niya. Waaah! Sobra ko atang nasaktan si Cassie :(

She's the Cold Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon