Chapter 51

2.6K 67 3
                                    

Zach's POV

Hindi pumunta si Cassie kahapon. Sabagay sino ba naman ako para puntahan niya sa park. Para lang talaga akong bula sa kanya. Wala siyang pakialam sakin. Oo, matagal ko nang alam yun. Nung una okay pa kami eh pero nung dumating si Nathaniel, hindi na niya ako pinapansin. Nakatuon kasi yung attention niya sa ugok na yun eh. Dapat sasabihin ko na yung nararamdaman ko para sa kanya kahapon. Hinintay ko siya doon sa park. Saka lang ako umalis nung nakita ko sila Cassie at Nathaniel. Hindi tinted yung kotse nila kaya nakita ko sila.

Hanggang kailan ba ako aasa kay Cassie?

"Huy Zach! Ba't ka nakatulala? Ang lalim ata ng iniisip mo." Napatingin ako kay Drake

"Wala." Sabi ko.

"Sus wala daw! Ang sabihin mo, iniisip mo si Cassie! Hahahaha!" Sinamaan ko ng tingin si Kyle. Malapit lang yung table nila Cassie sa amin e. Baka marinig nila yung pinagsasasabi ng mga unggoy kong kasama.

"Ay sorry HAHAHAHA!" -Kyle. Nagtawanan sila doon.

Tinignan ko sila Cassie. Psh kasama na naman nila si Nathaniel na yun =______= nagtatawanan pa talaga sila ah. P*ta nakakairita yung mukha ng lalaking yun! Napatingin si Nathaniel sakin, nginitian niya ako ng pang asar na ngiti. Sinamaan ko siya ng tingin. Lumabas ako sa cafeteria. Mas lalo akong nabwibwiset eh.

Habang nag lalakad ako sa hallway, nakasalubong ko si Janel. Hmm.. may naisip ako. Inakbayan ko siya agad.

"Hi Min! Problem?" Sabi niya. Well maganda naman siya lalo na kapag nakangiti siya.

"Just go with me. Go with the flow okay? I'll just do something. Pretend that we're a couple." Dinala ko siya sa cafeteria. Nagulat naman siya.

"O-Okay" she said while blushing.

Pinagtitinginan kami ng mga students. Yung iba nagbubulungan pa.

"Huh? Sila na ba ni Janel?"

"I ship them!"

"If Zach really love her, then okay fine."

Pumunta kami sa gitna. As in sa gitna ng cafeteria. Tumingin ako kala Cassie. Mukhang nagtataka siya. Ganun din sila Kye. Magugulat silang lahat sa gagawin ko ngayon.

I'll announce that she's my girlfriend. Starting today, we'll act like we're together. Titignan ko lang naman yung mga reactions nila.

Inakbayan ko ulit si Janel. Pulang pula na siya hahaha

"I will announce today that this girl beside me, Janel, is now my girlfriend. :)" Nagtilian silang lahat. Yung iba naman ang sama ng tingin kay Janel.

Then may sumigaw. "REALLY? PROVE IT MR. ZACHARY." Tss ayaw talaga nila maniwala ah? Nashock sila sa ginawa ko.

I kissed Janel. Smack lang naman. Natulala si Janel sa ginawa ko.

"CONGRATS!"

"BAGAY KAYO"

Etc. Umalis na agad kami sa cafeteria. Parang bigla akong nahiya sa ginawa ko. Humarap ako kay Janel.

"It's not true ok? 'Wag mo sanang bigyan ng malisya yun."

"I-I'm sure na nakita tayo ni Cassie. Baka magalit siya.."

"Bakit naman siya magagalit? Eh wala nga siyang pakialam sakin. Tch let's go it's almost time" Pumunta na kami sa classroom. Sumunod na pumasok sila Cassie. Nakaakbay sa kanya si Nathaniel. Umupo na si Cassie sa tabi ko.

Time flies so fast at uwian na naman. Lumabas agad si Cassie sa classroom.


"Zach! Is it true na you and Janel are together na?" Lumapit sila Zara sakin.


"Yeah. Why?" Bigla naman sila nalungkot. Lumapit si Zara sakin at may binulong siya sakin.


"Nagsawa ka na ba kay Cassie?" Bulong niya. Anong pinagsasasabi niya? Alam niya ba na gusto ko si Cassie?


"Ha? What are you talking about?" Pero paano naman niya nalaman?

"Duh i know na gusto mo si Cassie. Sinabi sakin ni Kyle. Now, hindi mo na ba gusto si Cassie?" Halatang malungkot siya. Sa mata pa lang niya eh.

"Hindi na." Napalayo siya sakin nung sinabi ko yun.

Yes, i lied to her. Para naman na hindi na niya ako kaawaan. Para alam niya na hindi na ako nagpapakatanga kay Cassie until now. Umalis na din sila. Tsk tumayo na ako tapos lumabas na ako sa classroom.

Mabuti nang makauwi na.

||||||||||||||||||||||||||||

Hey readers! Happy new year's eve!

VOTE

COMMENT

AND

BE

A

FAN!

She's the Cold Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon