Chapter 63 - Prank

2.4K 67 1
                                    

Zachary's POV

Ano bang meron kay nathaniel na wala ako? Bakit ba gustong gusto niya yung g*gong yun? Sana umalis na yung lalaking yun dito sa phil. Niloloko niya lang si Cassie eh tsk pag umalis na yun dito, masosolo ko na si Cassie at sisiguraduhin ko na makukuha ko si Cassie.

"Psst min! Ang lalim ng iniisip mo ah? Anyway, may sasabihin ako sayo hihihi ^___^" sabi ni Janel habang kinikilig. Hindi pala ako pumasok ngayon. Mataas yung lagnat ko. Hindi rin pumasok si Janel. Kahapon pa siya 'di pumasok ah. Tamad talaga tss

"Oh?" Sinabunutan niya muna ako bago siya magsalita. Pucha ang sakit -.-

"Nagkasalubong kasi kami ni Lance nung Monday tapos nagkatitigan kami. Omg kinikilig akooo~

"Bakit, crush mo siya no? Hahaha!" Asar ko sa kanya. Akala ko maiinis siya pero kinilig pa siya lalo.

"Oo! Crush ko siya. Hihi hindi na kita gusto si lance na yung gusto ko! ^.^v" Sinabi niya pa talaga yun. Okay na din na nagustuhan niya si lance. Hindi na siya magseselos samin ni Cassie hahaha

"How about you? Tell me kung sobra ka nang nasasaktan kay Cassie." Napasabunot ako sa buhok ko. Kung sasabihin ko, may maitutulong ba siya?

"Yeah. Nasasaktan na 'ko. Minsan nga naiisip ko na lang na sumuko na sa kanya. Umaasa kasi ako sa taong may gustong iba. Sabi niya sakin kagabi, ayaw niya daw na mahalin ko siya kasi masasaktan lang daw ako.... may mahal na daw kasi siya. Sigurado ako na si Nathaniel yung tinutukoy niya. P*ta. Ilang beses na 'kong umamin sa kanya pero hindi pa din siya naniniwala. Ikaw daw yung mahal ko at hindi siya. Kahit sabihin ko pa na hindi kita mahal, 'di pa rin siya maniniwala." P***** ***! Ang manhid manhid niya! Hindi niya man lang naiisip na sobra na niya akong nasasaktan. Ganun ba siya ka manhid?

Hindi ko namalayan na may tumulong luha sa pisngi ko. Nakakabakla naman oh! Pinunasan ko agad yung luha ko para hindi ako magmukhang mahina.

Niyakap niya ako, "Sige lang. I'm willing to be your shoulder to cry on. Best friends tayo diba? 'Wag ka nang mahiya sakin. Ikaw naman! Hahaha. Kakausapin ko si Cassie bukas don't worry. *sniff* ayan naiiyak na tuloy ako. Nasasaktan ako para sayo eh" Umiyak lang ako na parang tanga. Buti na lang nandito siya palagi sa tabi ko.

Humiwalay na 'ko sa kanya. Hinawakan niya yung noo at leeg ko tapos nagulat siya pagkatapos niya 'kong hawakan.

"Aww ang init mo Min! Humiga ka lang diyan. Magpapaluto ako ng soup sa maid. Mag pahinga ka lang diyan okay? 'Wag matigas ang ulo!" Nagmandali siyang lumabas sa kwarto ko. Ang bait niya talaga. Bakit kaya 'di ako nagkagusto sa kanya? Nasaktan ko pa tuloy siya dati.

Humiga ako sa kama. Ang sakit ng ulo ko shit. Hinawakan ko yung noo ko, ang init nga. Naulanan kasi ako kagabi eh. Diba hinabol ko si Cassie tapos umuulan pa? Yan nagkasakit ako.

"Min oh soup mo. Ito na yung gamot mo. Kumain ka muna bago mo inumin yung gamot ha? Kailangan ko na kasi umuwi eh. Aalis kasi kami ni mommy. Dito ka lang ah? Magpahinga ka lang dito. May surprise ako sayo mamaya hahaha :D byeee!" Lumabas na siya. Ano kaya yung surprise niya? :)

Lance's POV

Uwian na! :D ginawa na namin yung pinapautos ni crush. Haha i mean Janel. ;) may sakit si Zach ngayon. Nagtext samin si Janel sabi niya gawin na daw namin yung utos niya. Gusto niyo malaman kung ano yun? Isasama namin si Cassie sa bahay nila Zach. ;)

Nakita namin si Cassie kasama si Nathaniel. Naglalakad sila papunta sa parking lot. Sumakay kami sa van tapos binilisan namin yung takbo para maabutan namin sila.


"Cassie sama ka samin!" Hinila namin siya papasok sa kotse. Si Nathaniel hinahabol kami hahahaha! Sorry bro kailangan talaga namin kidnapin si Cassie eh :P


"SAAN NIYO AKO DADALHIN? STOP THE CAR! BABABA NA 'KO!" Hinawakan namin siya sa kamay niya. Sinusuntok niya kasi si Drake na nagdadrive. Nako baka mabangga pa kami eh.


"Saan niyo ba kasi ako dadalhin?!" Ang maldita niya talaga haha nakakatakot eh.

"Kay Janel. Pinapapunta ka ni Janel sa kanila. :)" Napabuntong hininga siya. Sorry Cassie lol tumingin ako kay Kyle. HHAHAHAHA NGITING TAGUMPAY EH HAHAHA!


Pagbaba namin sabi ni Cassie, "Malaki din pala yung bahay nila Janel." Biglang tumawa si Kyle at Drake. G*go talaga! Mahahalata kami eh.

"Anong nakakatawa?" Sabi ni Cassie habang nakataas yung isa niyang kilay. Tinarayan tuloy sila hahahaha!


"Si Kyle kasi hahaha butas yung pants niya." Inirapan sila ni Cassie.


Nag ring yung phone ko. Si Janel 'to. Lumabas ako para sagutin.


"Hello?.... ok sige... bye"


Iwanan daw namin si Cassie doon. Hahaha kalokohan namin no? Pumasok ako sa loob tapos tinignan ko sila Kyle. Nag ok sign naman sila.

"Cassie punta ka na lang sa taas ha? Pangatlong room :) kailangan na kasi namin umuwi eh." Tumango naman siya. Lumabas na kami sa bahay ni Zach.

"HAHAHAHA GRABE INTENSE HAHAHAHA JOKE!" Hindi na napigilan ni Drake yung tawa niya. Nandito na kami sa kotse. :D


Hanggang sa nakauwi na kami tawa pa rin sila ng tawa. Ano na kayang nangyayari doon? Hahaha!


--------

VOTE

COMMENT

AND

BE

A

FAN!


She's the Cold Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon