Chapter 80

2.5K 56 14
                                    




Cassie




Napanaginipan ko si zach. Idk why and it's weird. Wala na kami diba? Ba't ko pa siya napaginipan? Nevermind. Unti unti ko nang naeenjoy yung single life ko hahaha ang saya kaya kasi wala ka nang iintindihin na iba tas ang dami ko pang pagkain 😂
Home alone ako ngayon huhu wala si kuya alex eh. Idk kung san siya pumunta haha. Ang bilis ng oras, 6:00 pm na agad. Well pagnag eenjoy ka kasi hindi mo mamamalayan yung time wala naman akong ginagawa pero ba't ang bilis ng oras? haay.

Ah alam ko na! Lilinisin ko na lang yung kwarto ko. Maglilinis na ko hangga't sinisipag ako hahahaha! Grabe ngayon ko lang narealize na ang kalat ng walk-in-closet ko. Next na inayos ko ay yung bed ko. Lininis ko na din yung ilalim ng kama ko. Ano to? May nakapa akong parang box.

Pinagsisihan ko na na kinuha ko 'tong box na 'to. Nandito lahat ng pictures namin ni zach simula nung nagkakilala kami. Hindi naman masamang balikan yung memories diba? Kaso nga lang masakit.
Okay lang kahit masakit, sanay naman ako na masaktan. Hahaha joke lang wala ako sa mood humugot ngayon! Tinignan ko yung mga pictures namin then memories hit me. Sabi ko nakamove on na ako pero parang hindi pa rin. Or feeling ko lang nakamove on na 'ko? Hahaha napakaabnormal ko talaga. Parang kahapon lang nangyari yung lahat ng 'to. Naaalala ko pa kasi yung mga ginawa namin nung araw na yun.

Nawalan ako ng gana na maglinis ng kwarto. Gusto ko lang magmuni muni dito haha. Binalik ko na yung box sa kama ko.. hindi ko muna itatapon yun 'di naman ako bitter noh!

"Miss you have a visitor." Sabi ng maid. Sino kaya yun? Hindi naman si zach kasi 'di niya alam kung saan ako nakatira diba? Kaya wag ka mag assume cassie kasi sa huli, masasaktan ka din. Boom!
Tumango ako sa maid pinasabi ko sa kanya na pakisabi sa kung sino man nandon na bababa na ko.

Nag ayos muna ako bago ako humarap sa bisita. Natuwa ako sa nakita ko pagkababa ko hahahaha!


"Hey zaraaaa! How are you?" Aba tinatanong ko siya ng maayos tas babatukan lang ako? Huwala.

"Wag mo 'ko englishin englishin dyan oy. Marunong ka naman magtagalog diba? Then speak in tagalog!" Binatukan ko din siya. Gaga pa rin siya. Alam niyo yon? Huhu. Syempre hindi ko trinanslate sa tagalog yung sinabi ko. Bahala siya diyan.

"Hoy excuse me. Pumunta ka ba dito para inisin ako ha? Sabihin mo na, bago pa kita mapalayas dito sa pamamahay ko." Kakagaling ko lang sa pag eemo eh tas gaganyanin niya ako? Baka mapatalsik ko siya agad.

"Hahaha syempre joke lang 'to naman! I'm fine naman. Ikaw? Tara gala tayo ngayon. Sobrang boring sa bahay grabe." Natakot siya eh hahaha! Naisipan niya pa pumunta dito kahit gabi na ah.

Of course hindi ako tumatanggi sa bruhang yan. Pareho kami palagi ng taste eh. Gusto namin na magparty party lang yung tatambay lang kami sa bar. Ngayon lang ulit ako iinom gusto ko lang naman makalimutan yung mga memories namin kahit ngayon lang. Gusto ko din mawala yung konting sugat sa puso ko. Basta gusto kong makalimutan ang lahat.
Habang nagbibihis ako, daldal ng daldal si Zara. Tinatanong niya ako tungkol kay Zach, kung nakagetover na ba ako sa kanya, kung nagkita ba kami etc. I told her na nagkita kami ni Zach yesterday. Grabe 'di ko ineexpect yung reaction niya kilig na kilig siya pramis. Sabi niya shiniship niya parin kaming dalawa ni Zach tss. After 30 minutes, nakapili na din ako ng susuotin ko. Nag iwan ako ng note sa ref para alam nila kung saan ako pumunta.



Nagtext nga pala si Nathan sakin. Sabi niya pupunta daw siya dito sa bar. Nakauwi na siya kahapon galing vacation. Yes! Makikita ko na siya ulit omg.

"Shet pupunta talaga si nathan?" Sumisigaw na siya kasi super lakas ng music. Hindi naman ako masyadong bingi kaya naririnig ko pa si Zara. Talon siya ng talon eh hahaha



She's the Cold Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon