"He must've thought that his daughter's life will be ruined because of him," sagot ni Dad. "That she would suffer because of him. Inisip n'ya sigurong hindi magagawa ni Amara Jean ang mga gusto n'ya sa kagustuhan na mapalaya ang ama. Na hindi magiging masaya ang anak n'ya hangga't hindi s'ya nailalabas sa kulungan."

"Oh, God..." I heard my mom muttered. "He must've been blaming himself for what happened to his wife."

"He got scared that it would happen to his daughter, too. Lalo pa't alam din n'ya ang nangyaring pambu-bully kay Amara Jean sa dati n'yang school dahil sa pagkakakulong n'ya. That's why he agreed of us adopting her even if that was the first time he met us."

I silently cried. Pigil na pigil ako sa paghikbi. Ito rin naman ang natutunan ko simula nang hulihin si Papa ng mga pulis. To endure everything. Na sarilinin na lang ang mga hirap at sakit na nararamdaman ko para hindi na pag-alalahanin si Mama noon.

Iyon ba ang mga dahilan ni Papa kaya mas pinili n'ya ang mamatay? Para hindi ako mahirapan? So that I wouldn't be branded as the killer's daughter anymore?

Kaya ba n'ya sinabi ang mga salitang iyon noong huli kaming magkita? Para sabihin na huwag kong sirain ang mga pangarap ko para sa kanya? Na gawin ko kung ano'ng gusto ko, kung ano talaga ang pangarap ko? Natakot ba s'ya na baka masira ang buhay ko hangga't nabubuhay pa s'ya?

Tama ako. He is the best father in this world. Sana man lang ay nasabi ko sa kanya iyon bago s'ya nawala.

"Pero alam n'yang inosente s'ya. He was even planning to file an appeal, right? He wasn't someone who will give up easily without a fight," dinig kong sabi ni Mommy.

"But that fight might've put his daughter in danger. You know how powerful his enemy is."

I heard my mom sighed. "They even paid Eduardo's lawyer para kusang ipatalo ang kaso n'ya. How pitiful."

Ibinurol si Papa at wala man lang sa mga kamag-anak n'ya ang dumalaw sa kanya. Lalo pa at maraming mga reporter ang nakaabang sa labas ng memorial chapel. Ayaw nilang malaman na may koneksyon sila kay Papa. Kahit wala na si Papa ay hindi pa rin s'ya tinitigalan ng mga taong ang gusto lang ay may maibalita tungkol sa kanya.

Mas lalo akong pinagkaguluhan ng mga reporter. They tried so hard to get an interview from me. Wala na silang pakialam kung pangha-harass na ang ginagawa sa akin. Kaya nagpalagay si Dad ng maraming bodyguards sa labas ng memorial chapel para protektahan ako.

I was staring at my father's coffin. Tulala lang ako at hindi na makaiyak. Parang naubos na yata ang lahat ng luha ko. O baka nakalimutan ko na rin kung paano ang umiyak dahil sa madalas na pilit kong pagtatago ng sakit na nararamdaman.

Pinagpiyestahan din ang pagkamatay ni Papa. Some were even happy that he died. Na nararapat lang daw iyon para sa isang rapist at mamamatay tao. Ang iba ay humiling pa na sana ay sa impyerno raw mapunta ang kaluluwa ni Papa.

Ang papa kong walang ibang ginawa kundi ang magtrabaho para sa amin. Para may makain kami. Para maitaguyod ang pamilya namin. Ang papa ko na masipag. Ang papa ko na mabait. Ang papa ko na mahal na mahal ang pamilya n'ya.

Ang papa ko... Ang papa ko...

Narinig ko na parang may pinagkakaguluhan ang reporter sa labas. Hindi ako gumalaw sa inuupuan ko at pinanatili ang titig sa kabaong nasa harapan ko. Bahagyang lumakas ang mga boses ng mga reporter at saka ko narinig ang matatalas na tunog ng takong na papalapit sa akin. Nilingon ko na iyon.

A woman who's around the same age as my mother was walking towards me. She looked so sophisticated with her black ruffled dress that reached her knees. Sa balikat n'ya ay nakasabit ang isang pulang sling bag.

Chess Pieces Aftermath: Kylo VillarazaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon