Note 90

93 3 0
                                    

(Flashback)

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

(Flashback)

"Daisy pwede humingi ng favor?" tanong ni Zeira sakin.

"Sige. ano ba yun?"

"Pwede bang hindi muna ako sumali sa paglinis ngayon?May kailangan kasi akong puntahan." nahihiya nitong saad sakin.

Kami kasi ang cleaners ngayon.

"Hala! Oo naman okay lang. Next time ka nalang tumulong samin."

Okay lang naman sakin na hindi muna siya tumulong samin. Naiintindihan ko naman at may mga kasama pa naman ako dito sa paglilinis kaya okay lang muna na palampasin ko siya. Palagi din naman siyang tumutulong samin kapag kami ang naatasan na maglinis.

"Thank you talaga ha. Don't worry babawi ako next time." She said then she hurriedly left the classroom.

Pinagpatuloy ko ang paglinis. Matapos naming maglinis at umuwi na ang mga kasama ko. Naiwan akong mag-isa sa classroom. Kailangan ko pa kasing itapon ang mga basura sa likod ng school. Doon kasi nakalagay ang malaking tapunan ng mga basurahan.

Naglakad ako patungo doon. Pagkarating ko tinapon ko agad ang mga dala ko. Babalik na sana ako sa classroom pero napatigil ako ng may narinig akong nagsasalita. Familiar sakin ang boses kaya naman lumapit ako doon sa pwesto ng nagsasalita.

Nasaharapan ko ngayon si Kuya at Zeira nag-uusap sila at ang lapit nila sa isat-isa.

"Babe na miss kita." Saad ni Zeira

"I missed you too. Sobrang busy mo kasi kaya hindi na tayo masyadong nagkikita."

"Sorry na. I promise babawi ako sayo next time. Kaya huwag ka ng magtampo ha." Malambing na saad ni Zeira.

Di ako makapaniwala sa nakikita ko. Akala ko walang girlfriend si kuya. Kasi kapag tinatanong namin siya palagi niyang sinasagot na wala. Okay lang naman sakin na may jowa siya pero bakit kailangan niya pang mag sinunggaling samin.

He promised me na ako ang una niyang sasabihan kapag nagka girlfriend na siya. Nakakatawa kasi di ko aakalain na malalaman ko ito sa sarili ko.

Umalis ako doon at bumalik nalang sa classroom. Pagkatapos kung mag-ayos naghintay agad ako sa gate. Ilang sandali lang ay nag pumarada na si kuya sa harapan ko. Kaya naman pumasok agad ako. Tahimik lang ako sa byahe. Kinakausap niya ako pero hindi ko siya sinasagot.

I know nagmumukha akong childish sa inasta ko. Pero kasi di naman ako mag kakaganito kung hindi siya nagsinungaling samin. He shouldn't lie and deny na may girlfriend na siya. Ang sakit kayang ma deny. Ang echoz ko naman.

"Daisy, Are you okay?"

Tumango lang ako sa kanya. Napabuntong hininga ito sa sinagot ko.

"Are you sure? Bakit ang tahimik mo?"

Should I confront him about what I saw? Or manahimik nalang ako? There's nothing wrong naman siguro kung magtanong ako diba? We should talk about it din naman. Ayaw kung magtanim ng galit sa kay kuya.

"K-kuya. A-answer me honestly." I stuttered

He hummed and glanced at me.

"Do you have a girlfriend?"

Di siya agad nakasagot sa tanong ko. Nabalot kami sa katahimikan.

"I-is Z-zeira your g-girlfriend?" I nervously asked him again.

He stopped the car and looked at me. Di ko magawang tumingin sa kanya. Iniiwasan ko ang pagtama ng mga mata namin.

Natatakot ako baka galit siya sa naging tanong ko.

"Y-yeah. I'm sorry" he softly said. I just nodded my head and smiled slightly.

"I'm sorry if I didnt tell you sooner."

"It's okay. I understand you naman po." I said.

"No it's not okay--" he made me looked at him. He cupped my face

"I promised you na ikaw ang unang pagsasabihan ko tapos ito di ko nagawa. Pinangunahan ako ng takot, na baka hindi mo gustong maging girlfriend ko si Zeira."

Parang biniyak ang puso ko sa sinabi ni kuya. Ganon ba ang akala niya. Di naman ganon ang gusto ko eh.

"No kuya, it's okay. I support your relationship with Zeira. Huwag mong isipin na hindi ko gusto na si Zeira ang girlfriend mo. She's actually my friend and I know her naman. I know that she will take care of you." Hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko at pinisil ko ito.

okay lang naman sakin na girlfriend niya si Zeira kasi isang taon lang naman ang agwat namin ni Kuya.

Ngumiti ito sakin at ginulo nito ang buhok ko.

Hayst okay na sana pero bakit kailangan niya pang gulohin ang buhok ko. Katamad kayang magsuklay. Tinarayan ko siya dahil sa ginawa niya kaya naman natawa ito.

"Thank you for lil sis. Don't worry simula ngayon hindi na ako magsinungaling. Sasabihan ko na rin sila Mama na may girlfriend na ako."

Pina-andar niya na uli ang sasakyan at pinagpatuloy na namin ang byahe pauwi.

"Aba dapat lang noh? Matagal na kaya yang hinihiling ni mama na magka jowa ka. Kulang na nga lang siya na pumili ng magiging jowa mo eh kasi akala niya wala ka pang jowa."

"Nako! Kapag nalaman talaga ni Zeira na you always deny na may girlfriend ka for sure masasaktan yun. Ang sakit pa namang ma deny." Panggaral ko sa kanya.

"Oo na sorry na nga kasi. At wait a minute bakit parang may experience ka? May nag deny na ba sayo?" Curious niyang tanong sakin.

"Oo naranasan ko na yan. Dineny ni Ma'am ang research title ko. Sobrang sakit noon. Lalong lalo na kapag wala ka ng maisip na ibang research title. Hayst sadded." Madrama kung sagot.

"Sabog ka talaga lil sis."

Natawa nalang ako.

"Siguraduhin mo lang yan ha. Baka di ka lang nagsasabi sakin ng totoo. Kapag mag nag reject sayo sabihin mo agad kasi uupakan ko. Wala dapat gumaganyan sayo kasi prinsesa ka namin."

"Ang charot mo naman kuya. Huwag ka ngang ganyan baka masabunutan kita sa kilig." Pagbibiro ko. Natawa nalang ito sakin. At tahimik na itong nagmaneho ng sasakyan.

Adore (Falling Flower Series #1 )Место, где живут истории. Откройте их для себя