Note 77

117 6 0
                                    

"Ang kalat mo talagang kumain

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ang kalat mo talagang kumain." Saad nito habang pinupunasan ang mukha ko.

"At least cute." Bungisngis ko

Natigil ito sa pagpupunas at tinignan niya ako ng hindi makapaniwala. Ilang saglit lang ginulo nito ang buhok ko.

"Ang hangin mo talaga kahit kailan bunso." Nagulo ang buhok ko dahil sa ginawa niya kaya naman bagot akong napatingin sakanya.

"Cute naman talaga ako ha." Pagmamaktol ko kaya naman natawa siya.

"Oo na, cute kana." He said while patting my head.

"You're cute kasi isa yan sa asset ng lahi natin. While for me I'm handsome kasi namana ko kay Papa to." Nag pa pogi pose siya matapos niya sabihin iyon.

Umakto akong nasusuka kaya naman nataranta ito.

"Wait. Nakakasuka naman ang kahanginan mo kuya."

"Wow, gumaganti kana ngayon ha."

Natawa nalang ako sa kanya at nagpatuloy na sa pagkain. Nandito kami ngayon sa Baraks Cafe. Kasama ko ngayon si Kuya Seiji. Inaya kasi ako nitong kumain dito kasi daw bored na siya sa bahay at gusto niya daw mag bonding kami. Honestly di sana ako sasama kasi tinatamad ako pero pinilit ako nito at binantaan na kakaladkarin ako nito palabas ng bahay kapag hindi ako susunod.

"Nga pala. How's your study?" Seryosong tanong nito.

"Okay lang naman po. Medyo nahihirapan pero kaya ko naman. Hehehe"

Tumango ito sa naging sagot ko

"Huwag ka magsyadong nagpapa stress ha. Baka magkasakit ka na naman. Ugali mo pa naman ang hindi kumakain kapag stress ka." Paalala nito sakin.

Kaya naman natigil ako sa pagkain at napatingin sa kanya.

"Kuya don't worry. Di ko naman masyadong pinupupuyat ang sarili ko sa mga gawain-"

"Buti naman-"

"If you need some help just asked me. okay?"

"Opo kuya." Ngumiti ako sa kanya ay ganon din siya.

"Also don't be to hard to yourself always ha. Palagi mo din kayang sinasabihan ang sarili mo na hindi pa enough ang ginawa mo kahit na sobrang sobra na ito."

"Aish, stop na okay. You sound like Mama na." Pagbibiro ko.

Tumawa ito sa sanabi ko

"It's fine kung katunog ko na si mama kasi all I want lang naman for you. Is to take care of yourself din. And kuya mo din kaya ako dapat pagsabihan kita kasi ayaw kung pabayaan mo ang sarili mo."

"Hahaha. Okay po."

"Kaya love na, love kita kuya eh." Malambing na saad ko

"Love ka din ni kuya bunso." He gently patted my head while saying those words.

Matapos naming kumain doon pumunta agad kami sa mall at nanood ng sine. Sobrang saya ko kasi nagkaroon na naman kami ng time para mag bonding sa isat-isa. Sayang nga lang kasi wala si Ate. Pero di ko kailangan alalahanin yun kasi alam ko na may susunod pa naman.

Gabi na ng matapos namin ang pinanood namin. Umu-ulan ng malakas kaya minatili muna namin ni kuya na pahupain ito. Pero ilang saglit lang ay tumunog ang telephono ni kuya na hudyat na may tumatawag.

Tumawag si mama at tinanong siya kung nasaan kami kasi dinner time na daw at kami nalang ang hinihintay nila. Kaya kahit na umuulan napag desisyonan nalang ni kuya na umuwi na kami. Pinaghintay niya ako sa entrance ng mall kasi kukunin niya muna ang sasakyan sa parking lot.

Pumarada si kuya sa harapan ng mall kaya naman minadali kung tumakbo patungo sa sakanya. Pero kahit na mabilis ang pagtakbo ko nabasa parin ako. Kaya sa pagpasok ko sa sasakyan binigyan niya agad ako ng hand towel at pinatay niya ang AC. Tahimik lang ang naging byahe namin.

Maingat ang pagmamaneho ni kuya kasi madulas ang daan. Pero kahit na madulas ang daan marami paring sasakyan na mabilis ang takbo.

Nakarating na kami sa bahay at sinalubong kaagad kami ni Mama pagkabukas ni kuya sa pinto.

"Magbihis muna kayo Tristan at Daisy. And after you get ready kakain na tayo ng hapunan." Malambing na saad nito samin.

Tumango naman kami at nagpaunahan kami ni kuya sa pagpunta sa kanya kanya naming silid. Mas naunang natapos si kuya kasi noong nakarating na ako sa dining table nakita ko na siyang nakaupo doon. Tinapik nito ang katabi niyang upuan na nagpapahiwatig na doon ako umupo.

Nagtungo ako doon. Matapos ay sinumulan na naming kumain. Lumipas ang gabing puno ng tawanan ang pagsasamang iyon.

________________

Iminulat ko ang mga mata ko at mapait na ngumiti sa kawalan. Nakakatawa kasi kahit sa pagtulog ko nakikita ko parin ang mga ala-alang hindi ko kayang limutan. Nanatili lang akong tulala sa kawalan hanggang sa naramdaman ko nalang na bumasa ang pisngi ko. Hinawakan ko ito at doon ko lang napagtanto na umiiyak na pala ako.

Kuya bakit napapaginipan na naman kita? Naalala ko na naman kung gaano tayo ka saya noong hindi pa nagbago ang lahat. Kuya sana nandito kapa. Kailangan kita kuya.

Humihikbi kung tinakpan ang mukha ko ng unan. Ilang sandali ang lumipas ay bumangon na ako at naghanda na para pumasok.

_______________________________________

Adore (Falling Flower Series #1 )Where stories live. Discover now